Kabanata 50

1.1K 23 8
                                    

"Brad, dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka mabangga tayo niyan e. Chill mo lang." Sabi ni engot sa akin.

Eomma called, and she said that appa wants to see me.
Pagdating na pagdating namin sa hospital, nadatnan namin si eomma na naka upo sa labas ng kwarto ni appa.

"Eomma, yeogineun mwohaseyo?" Tanong ko. (What are you doing here, mom?)

"Agiya." (Baby) sinugod niya ako ng yakap at umiyak ito.

"Wae geure?" (What's wrong)

"Your father keeps on saying that he's going to die." Eomma said between her sobs.

"Hush now, eomma." Sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang likod.

"Brad, let's talk?" Sabi ni eomma at kumalas sa yakapan.

Tumango na lamang ako at hinawakan ang kaniyang kamay palayo sa kwarto ni appa.
Tinapunan ko ng tingin si engot at sumesenyas na magstay lang siya doon.

"Oh, eomma?" Panimula ko.

"Stay away from Miley. Mula ngayon, ayoko ng makita siya pati narin ang mga guardians niya. Ayoko na makita silang lumalapit sa'yo." Sabi ni eomma.

My brows suddenly wrinkled.
"Why? I mean, to be honest wala na kami ni Miley. But, you know her condition, eomma. Kahit na wala na kami, kailangan parin niya ako."

"Alam mo ba kung sino ang mga guadians niya? Sila ang sumira sa business natin sa farm. Kung maaga ko lamang nalaman na sila pala ang guardian niya matagal na kitang inilayo sa babaeng 'yun."

Napakamot ako ng ulo sa sinabi ni eomma. Hindi na ako sumagot pa at mas pinili na lamang na puntahan si appa sa kwarto niya.

"Gwaechanayo?" (Are you ok?) tanong ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Obviously, no. I think, this is my last day." Sa sinabi niyang iyon, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na irapan siya.

"That is nonsense, appa." Sabi ko at sumandal sa upuan.
Pinilit niyang sumandal sa headboard kaya tinulungan ko ito.

"I want you to know the truth, the truth behind your childhood days." Mabagal nitong sabi kasabay ang paghaplos niya sa kaniyang dibdib.

"W-what truth?"

Napagawi ang tingin niya sa pintuan kung nasaan si eomma.
Lumapit ito sa amin at hinawakan ang kamay ni appa.

"Brad, I need to talk to your appa. Please wait for me outside." - eomma.

"Wait, what about the truth? What is it? What is that all about?" Tanong ko at nanatiling nakaupo sa gilid ng kama.

"Leave it to me, I'll do all the talking. Ako ang may karapatang magdesisyon tungkol sa bagay na iyon." Sabi ni eomma at halatang iritado siya.

A sigh of defeat, lumabas ako sa kwartong iyon at wala si engot. Saan nanaman ba nagpunta 'yun?
Naglakad ako papunta sa labas ng hospital upang hanapin siya. Baka nagpahangin lang 'yun.

"Nasaan na ba 'yun?" Sabi ko sa sarili ko habang sinisipat ang bawat detalye sa labas ng hospital.

Minabuti kong pumasok muli at baka nagkasalisi lamang kami.
Hindi naman ako nagkamali sa aking iniisip, nandoon na siya sa labas ng kwarto ni appa at nakaupo. Nakayuko ito at panay ang kalikot sa kaniyang mga daliri.

"Saan ka galing?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

Inangat niya ang kaniyang tingin. Hindi ito sumagot at nakatitig lamang sa akin. Kaya naman hinilamos ko ang aking palad sa kaniyang mukha.

"Alam kong gwapo ako at hindi mo na ako kailangang titigan." Sabi ko saka na tumabi sa kaniya.

"Saan ka nga galing?" Ulit ko.

"Ah, sa C.R lang." Sabi niya at dumeretso na ng tingin.

This time ako naman ang tumitig sa kaniya. As if I am scanning her face. And all I can say is, there's something wrong na bumabagabag sa kaloob-looban niya.

"What's wrong? Are you ok?" Tanong ko.

Tumango naman siya.
"Ok lang ako, naalala ko lang si Sese na baka hanapin tayo nun. Hindi man lang kasi tayo nakapagpaalam sa kaniya." Sagot nito.

Sese, Sese. Puro nalang siya Sese.
"First of all, ako ang dapat mong alagaan dahil originally ako naman talaga ang dapat lagi mong kasama. At isa pa, boy friend mo na ako kaya bawas bawasan mo ang pakikisama kay Sese." Litanya ko.

Ilang segundo siyang natulala.
"B-boy friend?"

Maging ako ay natigilan. Bakit ko ba sinabi 'yun? Teka, ano naman? Gusto niya ako at gusto ko rin siya. Edi panindigan ko na, na namin.

"Oo bakit? Ayaw mo? Patatagalin pa ba natin?" Straighforward kong sabi.

"Ayoko, si Paulo nga e niligawan ako ng isang taon 'no." Sabi nito at tinaasan pa ako ng kilay.

"Huwag mo akong ihalintulad sa gold digger na 'yun. Magkaiba kami."

"Magkaiba talaga kayo. Kasi siya niligawan niya ako ng sincere at tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw sa maayos na paraan." Sabi niya at inirapan pa ako.

"21st century na tayo ngayon, kaya hindi na uso 'yan. Isa pa, wala namang nangyari sa inyo ni Paulo sa paganyan ganyan niya. Naghiwalay parin kayo." Sabi ko at tumayo sa kaniyang harapan.

"Nagpakaplastic siya sa'yo habang nililigawan ka niya. Bait baitan kuno pero nakatago ang kulo. Tingnan mo ang nangyari, late na bago mo narealize na napaka walanghiya pala niya." Dagdag ko.

Hindi na siya umimik pagkatapos kong sabihin 'yun. Napikon nanaman ba siya? Hays, napaka sensitive talaga niya.

Paula's POV

Hindi ko alam kung paano kausapin si Brad ng normal, gusto ko siyang kausapin na kunware wala akong nalaman tungkol sa nakaraan niya.
Naguguluhan ako kung kailangan ko bang sabihin o hindi.

"Kanina kapa walang imik, nakita mo na si Sese at lahat ah?" Sabi ni Brad habang nasa harapan siya ng pagkain.
"Gutom ka ba? Gusto mo tawagin ko si yayi para ipagsandok ka?"

Mabilis akong napa iling.
"Ok lang, wala nga akong gana e." Sabi ko na hindi makatingin sa kaniya.

"Alam mo, hindi din ako makakain ng maayos kung ganiyan ka." Sabi niya at binitawan ang hawak niyang kubyertos.

"Ano ba, huwag mo akong pansinin." Sabi ko at sinabayan pa ng irap.

"Ikaw lang napapansin ko kaya huwag mong sabihin na huwag kitang pansinin." Sabi nito at saka na hinawakan ang mga kubyertos niya.

Biglang nag-iba ang mood ko. Sa sinabi niya'y lalo tuloy akong naguguluhan sa iniisip ko. 

"Uhm, Brad? Paano kung hindi mo naman pala tunay na magulang sina ma'am Elise?" Tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now