Final Chapter pt. 1

1.5K 27 24
                                    

"He's awake!"

"Anak, don't close your eyes!"

"Brad, my baby!"

I feel so dizzy, hindi ko na alam kung sino ang mga naririnig ko.
Ilaw sa dingding ang aking nasisilayan, pinipilit kong imulat ang aking mga mata pero sariling mga talukap ko na ang bumibigay.

Maraming sumasakit sa akin, marami akong daing sa katawan, kasama na pati ang aking puso.
Hindi ko alam kung bakit kumikirot ito, parang may kulang, may nawawala.

Paula...

Nasaan na si Paula? Nasaan na siya? Natatakot ako na baka hindi ko na siya makita, na baka hindi ko na siya mahawakan, na baka hindi ko na masabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya.

Hindi 'yun pwede.

"Oxygen." Rinig ko ang kalmadong boses ng doctor.

Wala na akong maramdaman, nagmamanhid na ang buo kong katawan pero hindi ang puso ko. Wala akong ibang iniiisip ngayon kundi si Paula at si tita Bianca. Kung ligtas ba silang pareho, kung ano ng lagay nila.
Wala na akong ibang naiisip pa.

"Brad..."

"Sam..."

"Brad..."

"Sam..."

Iminulat ko ang aking mga mata, puro puno lamang ang aking mga nakikita.

"Nasaan ako?"

"Alien!"
Narinig ko ang isang napaka pamilyar na boses.
Alam na alam ko kung kaninong boses iyon.

Lumingon ako, hindi na ako nagsayang ng oras o pagkakataon.
Tumakbo ako at kaagad ko siyang niyakap.

"I missed you. Huwag ka ng aalis!"

Naramdaman ko ang pagkurba ng kaniyang labi sa aking balikat.
Yumakap siya sa akin ng pagka higpit higpit.

"Promise me, you will never leave me." Sabi ko at humiwalay sa aming yakapan.

Tumango siya.
"Promise po, lagi lang akong nasa tabi mo."

"Pati sa pag ligo?" Biro ko.

"Alien ka talaga kahit kailan!" Sabay palo niya sa aking dibdib.

Nginitian ko naman siya ng pagka tamis tamis.
Hinila niya ang aking kamay paalis sa lugar na iyon.

Pansin ko na walang hinto ang pagtakbo namin.
Tumigil ako sa pagtakbo at napabitaw kay Paula.

"Pagod na ako." Sabi ko habang hingal na hingal.

"Ano ba, malapit na tayo. Tara na."

Muli, sumabak nanaman ako sa takbuhan, ilang sandali lamang ay huminto na siya.

Pareho kaming hingal na hingal, pero para rin kaming baliw na tawa ng tawa.
Matagal bago kami tumigil sa kakatawa.

"Hahahahahahahahaha! Nakakatawa ka." Sabi nito sa akin.

"B-bakit naman ako nakakatawa?" Nagpipigil na ako ng tawa dahil sobrang sakit na ng pisngi ko.

"E kasi tumatawa ka diyan kaya natatawa din ako!" Aniya sa gitna ng kaniyang mga hagikgik.

"Ikaw nga itong unang tumawa." Sabi ko naman.

Unti-unting nababawasan ang pagtawa ni Pau. Hanggang sa mabibigat na hininga na ang kaniyang inilalabas.

"Woooh! Ang sakit ng pisngi ko kakatawa. Akala ko'y hindi na ako makakahinga." Nakangiti pa ito.

Nginitian ko siya at hinawi ang kaniyang buhok na tumatakpan sa kaniyang napaka gandang mukha nang dahil sa malakas na hangin.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now