Kabanata 37

1.1K 30 16
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula noong mag-usap kami ni Ouen.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko.
Naguguluhan at natatakot din ako.

/flashback/

"Tara?"

Sumunod naman ako sa kaniya papasok sa kotse niya.

"Ano nga palang sasabihin mo?" Naka ngiti kong tanong.

Hindi naman niya ako sinagot, pero naka ngiti ito. Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa mall.

This time tinusok nung lady duard 'yung bag ko at hindi na ako kinapkapan pa.

"Saan tayo pupunta, Ouen?" Tanong ko.

"Doon tayo sa arcade." Naka ngiti nitong sambit saka ako hinatak papunta doon sa elevator.

Sa second floor, walang katao-tao. Abandonadong mall na yata itong napuntahan namin e.

"Anong gagawin natin dito? Bakit walang tao?" Tanong ko.

Hindi parin siya kumikibo, hanggang sa hilain niya ako papasok doon sa arcade na sinasabi niya.
Wala ding katao-tao doon.

"Sa totoo lang, natatakot na ako. Bakit ba walang katao-tao?" Tanong ko.

Ngiti lamang ang isinagot niya sa akin. Ano bang problema ng taong 'to?

"Gusto mo bang kumain muna? Mukhang kulang ka nanaman sa kain kaya ka ganiyan." Sabi ko.
"Isa pa, gutom na rin ako." Dagdag ko pa.

"Sige na, hindi ko na patatagalin pa." Sabi niya at lumapit doon sa mukhang washing machine na pagkarami-rami ng stuff toy.

May inihulog siyang barya doon at biglang umandar 'yung mukhang kamay na bakal at dumampot ito ng isang teddy bear.

"Hold this one." Sabi niya at iniabot sa akin 'yung bear na may letter "B" sa bandang tiyan nito.

Seryoso siyang nakatitig sa teddy bear na susunod niyang kukuhanin. Hanggang sa may makuha nanaman siyang isa pa na may "N" na nakalagay. Pinapahawak niya sa akin iyon hanggang sa may makuha nanamn siyang letter "A" at "G"

"Ano 'to? Taga hawak mo ako dito, ganon? Hindi naman ikaw si Brad ah." Inis kong sabi.

"Hindi naman talaga ako si Brad. Ang layo ko dun 'no." Sabi naman niya.
"Those stuff toys are for you, as you can see may mga letters na nakalagay diyan. Buuin mo."
Naka ngiti niyang utos sa akin.

"BNAG?" Patanong kong sabi at takang nakatitig sa apat na teddy bears.

"Ano ba 'yan." Sabi niya saka nito inayos ang mga hawak ko.
"Ayan, hindi BNAG iyan, BANG 'yan." Pagtatama niya.

"Bang? Bakit bang?" Tanong ko naman.

"Teka, hindi pa tapos." Sabi niya at hinila ang aking kamay papunta doon sa may dart board.
"Watch me." Sabi niya at kinindatan pa ako.

Sinimulan niyang ihagis ang iilang patusok na bagay doon sa mga lobo. Tatlong lobo ang naputok niya, at bawat isa sa mga iyon ay may letra din na naka dikit.

"BIG?" tanong ko saka ako tumingin sa kaniya.

"Yes. Bigbang." Naka ngiti niyang sagot sa akin.

"Bigbang? Kpop? Asaaaan?" Aligaga kong tanong saka pa ako lumingon-lingon.

"Ano ka ba, hindi." Natatawa niyang sabi.
Ilang sandali lamang ay marahan niya akong hinila palapit sa kaniya.
"Big bang. Sa lahat ng theory sa mundo, Bigbang theory ang napili ko. Wanna know why?"

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now