Kabanata 11

1.5K 29 2
                                    

"I want you to witness how he looks loser. Sayang, I wished I could record what he acts awhile ago after he lose against Me." natatawa niyang sabi.

"Ano?"

Ngumiti naman siya at umiling.

"Wala, nga pala. Anyare diyan sa noo mo? Linagyan mo na ba ng yelo 'yan?" sa tono ng pananalita niya parang nag-aalala pa ito.

Kinikilig ata ako. Wahahahahaha! May fafa Travis na ako tapos, may Ouen pa ako. Char!

"Pau?"

Nabalik lamang ako sa aking wisyo nang tawagin niya ang aking pangalan.

"H-ha? Wala, ah eh... hindi pa. Nagmamadali kasi si Brad kanina kaya hindi na namin nalapatan ng yelo."

"Tara, gamutin natin 'yan." Sabi niya at akmang hihilain ako nang pigilan ko ito.

"Naku, huwag na. Pagdating na lang sa bahay." Sabi ko.

"Ngayon na. Gusto mo bang magkatumor ka sa utak? Tumor, ano magkabukol ka sa loob ng ulo. Nakakamatay 'yun." Pananakot niya kaya nagpahila na ako.

"RETARD!"

Hindi pa naman kami nakakalayo nang marinig ko ang boses ni Brad na pagkalakas lakas ang sigaw.

Nahinto tuloy 'yung ibang tao na naglalakad at naka tingin kay Brad.

Binawi ko ang aking kamay at lumapit kay Brad. Nakakatakot ang aura niya, in fairness ha. Parang anytime e ipapahiya niya ako ng bonggang bongga sa harapan ng mga tsismoso't tsismosang mga taong 'to.

"Hindi ko alam kung tanga ka o nagtatanga tangahan ka lang. I've already told you nth times do not leave here! Mahina ba talaga 'yang kukote mo?!" sigaw ni Brad habang dinuduro duro ako.

And yes, pinahiyanga niya ako. Tama pala ang nararamdaman ko. Pwede na ba akong maging... ano ba 'yun? Side kick? Ewan basta ganun. Nakakasense ako ng mga mangayayari, galing 'no?

"Bro, hindi mo naman siya kailangang sigawan sa harapan ng maraming tao. She's a little bit clumsy I guess pero she's not retard." Sabat ni Ouen.

"Ikaw naman, bakit ka ba nakekealam ha? Di bali sana kung ikaw nagpapasweldo sa promdi na 'to. Pwede ba, get out of our lives!" pati ba naman itong si Ouen e sinigawan niya.

"Nagmamalasakit lang ako, bro. Don't feel bitter just because you lose. Babae 'yang kaharap mo."

Tama si Ouen kahit na katulong lang nila ako e babae parin ako at may damdamin.

Feeling ko tuloy crush ko na itong si Ouen, charot!

"Bakit mo ba pinagtatanggol 'tong probinsyanang 'to? Don't tell me, you like her? Hahaha! You're crazy kung magustuhan mo 'tong tatanga tangang engot na 'to." panunukso ni Brad habang naka tingin sa akin.

Feeling ko nanliit ako. Feeling ko napaka baba kong tao. Feeling ko ako na 'yung pinaka maduming nilalang sa paningin ni Brad. Ang sakit niya magsalita. Maging madrasta ko ay hindi ako pinagsalitaan ng ganito.

"Look, bro. Do you consider yourself as man now?" sabi ni Ouen at biglang lumapit sa akin.

"Tahan na." sabi niya at inabutan ako ng panyo.

Hindi ko man lang napansin na naiyak na pala ako. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi saka ngumiti.

"Tapos na po ba kayong laitin ako, sir Brad? Pwede na po ba tayong umuwi kasi lalabhan ko pa po 'yung mga damit ninyo. Ah, nga pala salamat sir Ouen."

Hindi ko na hinintay pang magsalita 'yung dalawa kundi nauna na akong maglakad. Nararamdaman kong malapit nanamang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata kaya pinilit akong tumawa kahit na isipin ng mga nadadaanan ko na nababaliw na ako.

Alipin with BenefitsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora