Kabanata 31

1.1K 23 4
                                    

"Sasaktan ka lang niya."

"Paano mo naman iyon nasabi? Ikaw talaga, tiwala ako kay Paulo. Saka, bata palang kami may sinumpaan na kami sa isa't-isa." Naka ngiti kong sabi.

"To see is to believe. Ayoko naman na pilitin ka na maniwala sa akin." Sabi nito at nahiga na nga tuluyan.
"Alam mo ba, akala ko katapusan ko na kahapon." Sabi niya at hinawakan ang aking kamay.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang nakahawak ito sa kamay ko. "Kaya, sasabihin ko na ngayon. Baka kasi bukas e may mangyari nanamang masama sa akin at hindi ko masabi ang nararamdaman ko."

Parang umurong ang dila ko sa sinabi niya. Ayoko namang mag maling akala, baka sabihan pa niya akong assuming.

"A-ano bang nararamdaman mo?" tanong ko.

Bumangon siya at umupo sa kama. Nakaharap ito sa akin, hawak parin niya ang aking kamay.

"Gusto kita, Pau. Hindi mo pa ba nahahalata? Sobrang daldal mo kasi at hindi ka nakakasawang kasama. Wala ka ring arte sa buhay that's why I felt something for you, nakaka turn on ka kaya." sabi niya habang naka titig sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ako komportable sa kinikilos niya. Turn him on daw, may switch ba ako?

"Sumagot ka naman." Sabi niya at pinisil ang aking kamay. Napatikhim ako at dahan-dahang tumingin sa kaniya.

"Mahal ko si Paulo. Siya ang may hawak ng puso ko ngayon."

"Expect ko naman na sasabihin mo 'yan sa akin. Kaya ko namang maghintay e. Alam ko, walang sikreto na hindi nabubunyag." Kakaiba na ang ihip ng hangin dito kaya naman, binawi ko na ang aking kamay at tumayo.

Lumapit ako doon sa table na puno ng pagkain.
"Kumain ka na ba? Gusto mo ipaghanda kita?" pag-iiba ko at muling tumingin sa kaniya.

"Busog pa ako. Basta nakikita kita, ok na ako." Sagot naman niya habang naka ngiti.
Bumalik naman ako doon sa inuupuan ko kanina pero iniiwas ko ang aking kamay.

Kinakabahan kasi ako bigla kapag hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Magdamag naming pinag-usapan si choco like Miley at Brad. Sabi ni Ouen kaya daw sobrang mahal ni Brad si Miley dahil sa sakit niya. Hindi naman ako interesado sa kanilang dalawa kaya naman iniba ko ang usapan.

Bagama't sila paring dalawa ang topic namin, sinabi ko sa kaniya na may kabutihan namang taglay si choco like Miley, na hindi naman ito masama ang ugali.

"Pasado alas nuebe na, ipapahatid na lang kita sa driver namin." Sabi niya at kinuha ang cell phone nito. May kinausap siya doon.

"Hinatayin mo nalang sa labas ng building si Mang Kanor."

"Sige, salamat. Pagaling ka." Sabi ko saka na lumabas ng kaniyang kwarto.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng hospital nang may nangalabit sa akin mula sa aking likuran. Paglingon ko...

"Ay pashneang alien!" ikinagulat ko lang naman si Brad.

"Akala ko ba umuwi ka na? Nakakagulat ka ha."

"Pinapasundo ka na ni Sese. Sumunod ka na." sabi niya at naglakad na patungo sa kaniyang kotse.

Pasensya na lang kay Mang Kanor cube, may sundo akong dumating.

–-sa sasakyan, tahimik nanaman siya. Naiinis ako kapag tahimik e.

"Alam mo ba, may sinabi sa akin si Ouen tungkol sa..—"

"Wala akong pakealam." Putol niya sa aking sasabihin.

"Ah, heto nalang. Alam mo ba nung una kong makita si choco like Miley, 'yung jowa mo? Nung una akala ko maldita 'yun e. Pero kanina, sinamahan niya ako kasi wala si Mira. Ang bait pala..—"

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon