Kabanata 7

1.7K 36 0
                                    

Ilang oras lamang ang tinagal namin doon. At ngayon, nandito ako sa banyo. Iniluluwal lahat ng aking nainom. Pinilit kasi ako ng sira ulong alien na 'yun na uminom. 

"Hey, are you ok?"

"Sa palagay mo ba ok ako?!" singhal ko at muling dumuwal.

"Woah, sorry. Naparami ata ang inom mo."

Nang lumingon ako ay bumungad sa aking harapan si Ouen.

Napatayo ako bigla at inayos ang aking buhok.

"Kakahatid ko pa lang sa'yo kanina ah. What a coincidence, nandito ka din pala." sabi pa nito.

"A-ah, h-hindi. Mali ang iniisip mo. Hindi ako umiinom."

Napa ngiwi naman siya bigla.

"Then why are you vomiting?"

"Voting? Saan? Sinong iboboto ko?"

Tumawa naman siya bigla at tinap ang aking ulo.

"Ang cute mo. Hindi ko alam kung nabibiro ka lang ba o talagang mahina ang ulo mo." sabi niya at tinatap parin ang aking bumbunan.

"Hoy, tapos ka na ba..— what are you doing here?"

"Siya pala ang kasama mo. Andali niyo naman magbati." Sabi ni Ouen.

Bigla naman akong hinatak ni Brad palabas ng banyo. Lagi na lang akong hinahatak ng lalaking 'to ah! Hindi naman ako lubid na pwedeng hila-hilain niya!

"Teka nga! Nag-uusap pa kami ng tao..—Brad, masusuka ako."

Isang malutong na "SHIT" ang narinig ko sa kaniya nang hatakin nanaman niya ako papasok ng banyo.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako.

"Hindi lang pala ang ulo mo ang may sira no? Pati rin tiyan mo. You just took a shot tapos ganiyan na makareact 'yang sikmura mo." sabi niya at umirap pa.

"Sinabi ko naman sa'yo na hindi kasi ako umiinom e!" sigaw ko naman sa kaniya.

"Why are you shouting at me?!" sigaw na din niya sa akin.

Napatahimik naman ako.

"Pare, get her a glass of water. Para mailabas niya lahat ng ininom niya." rinig ko na sabi ni Ouen.

"Shut up. I'm not asking for your opinion." Sagot naman nitong si sungit.

Pag-uwi namin sa bahay ay hinayaan na niya akong magpahinga sa aking kwarto.

Siguro wala lang talagang laman ang tiyan ko kaya naman ganito ang nangyari sa akin.

Maya-maya'y may kumatok sa aking pintuan. Tumayo ako at pinagbuksan ito.

Ikinagulat ko naman ang pagpasok ni Brad sa aking kwarto ng tuloy-tuloy.

"Uy, anong ginagawa mo rito?"

"Tumahimik ka na lang at inumin mo 'to."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na rin siya ng kwarto ko.

Napakamot naman ako ng ulo at tiningnan 'yung naka plastic na pinasok niya rito.

"Aanhin ko ang tubig? Wala na bang stock ng tubig dito sa bahay nila?"

Kinalkal ko ito at hindi lang pala tubig ang laman. May tinapay rin.

Oo nga pala, hindi pa ako nakain kahit na ano. Kahit papaano pala ay may natitirang kabaitan 'tong masungit na 'to sa puso.

Hindi pa ako natatapos sa maglantak ng binigay ni amo eh may kumakatok nanaman.

Ang dami namang KJ dito. Amp!

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now