Kabanata 34

1.2K 29 13
                                    


Para po sa mga nagrequest sa picture ni papi Ouen hehehe nasa media po siya mga mars and pars. Ano na? Sino mas gwapo? Si toothpick o si gentleman? Hahahaha!

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Napa buntong hininga ako at sumandal sa pader. Grabe naman, ang sungit ng teacher na 'yun. Lagi nalang ako ang napapansin.

"Hoy, anong ginagawa mo dyan?" Paglingon ko ay si Brad pala. Lumabas ng class room nila.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa labas? 'di ba may klase ka?" balik tanong ko sa kaniya.

"Ako ang unang nagtanong sa'yo. Anong ginagawa mo rito sa labas?" tanong niyang muli.

Napaisding naman ako.
"Pinalabas ako ng teacher namin. Hindi ko kasi nasagot 'yung tanong niya." Naka simangot kong sagot.

"Retard ka talaga." Sabi niya at umiling-iling pa.

"Alam ko, alam kong probinsyana ako." Sabi ko naman at inirapan siya. Kaasar 'to!

"Ang lalayo talaga ng mga sagot mo 'no? Anong probinsyanang pinagsasabi mo? Alam mo ba ang ibig sabihin ng retard?" natatawang tanong niya.

"Oo naman 'no! Anong akala mo sa akin?" sabi ko saka ko siya inirapang muli.
"Ang ibig sabihin nun ay probinsyana." Mayabang kong sagot.

Ilang sandali lamang ay tumawa siya ng pagkalakas lakas. Sinuway ko naman ito dahil may nagkaklase pa.

"Oh bakit? 'yun ang sabi ni Miley e. Ang ibig sabihin daw nun ay probinsyana. Oh! Alangan namang aangal ka pa e girl friend mo na nga mismong nagsabi." Sabi ko.

"Si Miley?" tanong niya kaya naman tumango ako.
"Hindi iyon ang ibig sabihin, ugh nevermind."

Hindi na lamang ako umimik. Ireresearch ko nga doon sa ipad ni Sese iyong Retard word na 'yun. Pinagloloko ata ako ng choco like Miley na iyan.

"Oy engot." Tawag niya.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. Hinintay ko ang kaniyang sasabihin nang bigla niyang hatakin ang kamay ko at tumakbo pa ito.

"T-teka, teka! Saan tayo pupunta?" tanong ko ngunit tumatakbo parin ito habang hatak ako.

"Kids! Where are you going? I told you not to run at the corridor during class hours!" sigaw ng isang guro kaya huminto sa pagtakbo itong si Brad.

"Hali nga kayo rito." Nagkatinginan kami ni Brad. Mabagal kaming lumapit sa guro.

"Pakinggan mo ako." Bulong ni Brad kaya tumingin ako sa kaniya. "Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo ulit tayo. Ok?"

"A-ano? Eh baka..-"

"One."

"Brad baka mapagalitan..-"

"Two."

"Saan ba tayo pupunta..-aaaaah!"

"THREE!" sigaw niya at hinatak nanaman ako patakbo.

"Saan kayo pupunta?! GUARD! GUARD!" sigaw nito kaya naman mas binilisan ni Brad ang pagtakbo niya kaya halos mapilay na ako.

"FOLLOW THEM! FOLLOW THEM!" rinig namin na sigaw ng guro kaya naman nang marinig namin ang pagpito ng guwardya ay patuloy parin kami sa pagtakbo.
Jusko poooooooooooooooo!

Kung saan saan na kami nagsusuot at sa palagay naman namin ay nailigaw namin 'yung guwardya. Hingal na hingal akong umupo doon sa malaking bato at hinimas ang tuhod ko. Feeling ko e naubusan pa ako ng hangin.

"That was so cool!" tuwang tuwa niyang sabi habang hinihingal din.

"Anong cool pinagsasabi mo?! Baliw ka ba ha?! Bakit ba natin kailangang tumakbo kasi ha!?" singhal ko sa kaniya.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now