Kabanata 19

1.3K 27 54
                                    

It's Ouen time. Hahaha charot sa media po, makikita si charming Ouen Mark Montecierra, say hi naman sa kaniya 😅 haha!

Anyway, MERRY CHRISTMAS everyone. Enjoy the fresh chapter.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Walang kasalanan si hyung mo, Sese. Hindi lang niya napansin na nadala niya iPad mo. Walang may kasalanan dito." Sabi ko naman habang hinahaplos haplos ang buhok ni Sese.

"Whatever." Sabi ni Brad saka na pumasok sa bahay.
Pagpasok niya ay saktong dating naman ng padre de familia ng bahay. Si sir Jude.

"What happened to my Sehun?" malambing na saad nito saka niya hinalikan ang ulo ng bata. Napa ngiwi naman siya.

"You smells bad, Sehun. Care to take a bath?" natatawa pa nitong saad.

"Ako na po magpapaligo." Presinta ko.

"You sure?" – Ma'am Elise

"Yes, ma'am! Hindi niyo po naitatanong e ako po madalas magpaligo sa nakababata kong kapatid sa probinsya kaya yakang yaka ko po ito hehehe." Sagot ko.

"Osige, be sure not to scratch my Sehun's skin alright?" bilin naman ni sir Jude.

Tuwang tuwa naman si Sese habang sinasabon ko 'yung likuran niya. Kasi daw ang kapal kapal ng palad ko at nakikiliti siya. Hindi ko alam kung insulto ba 'yun o sadyang natutuwa lang talaga 'yung bata.

"Noona, ikaw magpaligo sa akin everytime. And I want na lagi mong lagyan ng soap 'yung likod ko with your rough hands." Natatawa pa niyang sabi kaya ako'y napa-oo na lamang.

Pagkatapos niyang maligo ay ibinalabal ko na sa kaniya mula ulo hanggang paa 'yung tuwalya at kinarga na siya. Muntik na ngang malaglag matris ko sa sobrang bigat niya ._.

"Paula, heto damit ni Sehun." Sabi ni ma'am Elise at lumapit sa amin.

"Thanks, ma'am." Naka ngiti kong sabi. Kinuha ko naman 'yung mga damit na iniabot niya sa akin.

Akmang lalakad na ako patungo sa aking kwarto nang pigilan ako ni ma'am Elise.

"Saan mo siya dadalhin? Sa taas ang kwarto ni Sehun." Sabi nito.

"I don't like staying inside that room. Sa room ako ni noona." Si Sese na mismo ang sumagot sa kaniyang ina-inahan.

"Ganun ba? Pero maliit lang ang room ni noona Paula." Sabi naman ni ma'am Elise.

Magsasalita sana ako nang magsalitang muli si Sese.
"If I am going to use that room, noona will share with me."

"Ara, ara. Uhm, Pau put your things inside Sehun's room." Utos ni ma'am Elise. Hindi naman 'Ara' ag pangalan ko ha. Paula kaya.

Sounds like pero PAULA talaga. P-A-U-L-A, PAULA! "M-ma'am..." nauutal kong sabi.

"Oh I'm sorry I forgot, ang sabi ko ilagay mo 'yung mga gamit mo sa room ni Sehun. Magshe-share na kayo ng kwarto." Naka ngiting sabi ni ma'am Elise.

"Eh m-ma'am, 'di ko naman po pinapa-translate 'yung sinabi ninyo. N-naintindihan ko naman po. A-ang sakin lang po, p-pwede niyo ho bang kuhanin si Sese saglit? Ngalay na ngalay na po kasi 'tong dalawa kong braso baka mabitawan ko ng wala sa oras si Sese." Pagkasabi ko nun ay madaling kinuha ni ma'am Elise sa akin si Sese.

Feeling ko'y naka hinga ng maluwag ang dalawa kong kamay. Akala ko'y mamamatay na ang mga ito dahil unti unti ng naiipit ang dugo ko sa sobrang bigat ni Sese.

"You are so heavy nga, Sehun. Look at your noona Paula, she suddenly felt weak because of you."

Natatawang pang-iingles ni ma'am Elise. Ginawa ko naman 'yung pinag-utos ni ma'am Elise na ilipat ko ang mga gamit ko doon sa kwarto ni Sese. Tuwang-tuwa pa nga ito at ikinagulat ko ang pagpresinta niya na magtatabi na kaming matulog sa kama.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now