Kabanata 6

1.7K 31 6
                                    


"Brad, how many times do I have to tell you?! Don't you ever ever join again with that competition!" sigaw ng kaniyang mama.

Hindi niya ito sinasagot kanina pa. Puro siya 'tss'

Ako ang naaawa sa mga amo ko e.

"Look what they did to you! May pasa ka pa." dagdag pa ng kaniyang mama at hinawakan ang pisngi nito.

"Brad, anak... we're just concern. Your mom is just concern. We don't want you to be in danger. Hope you understand." This time ang papa na niya ang nagsalita.

Nakasandal lamang siya sa pader at nakasimangot. Kung ako sa kanya, magpapaliwanag ako. Bakit ba ganiyan siya sa mga mgulang niya? Hindi ba niya alam na napaka sarap magkaroon ng magulang? Idagdag mo pa na mayaman sila.

"By the way, I need you to go in our ranch. TOMORROW." sabi ng kaniyang papa.

"'yan naman talaga role ko dito e. Gusto niyo ako ang sumalo sa lahat ng business ninyo. Ayoko, appa. Dito lang ako." pagmamatigas naman ni Brad.

"My decision is final. You must go to Abra, ikaw ang umasikaso sa rancho. Kahit iyon na lamang, Brad!" kaagad namang umakyat ito papunta sa kaniyang study room.

Naiwan sa sala kasama si Brad ay ako at ang kaniyang ina na lamang.

"Eomma...." 'yung boses niya na parang iiyak na.

"Obey your appa, Brad. At least once." Ngayon naman ay ang ina niya ang umalis.

Tumingin naman siya sa akin. Kaya naman iniiwas ko ang aking tingin.

"Ano pang ginagawa mo rito? Pumasok ka sa kwarto mo!"

Nakatungo akong naglakad patungo sa aking silid. Ang init naman ng ulo. Grabe siya!

.Habang ako ay nakahiga sa kama, naalala ko bigla si Paulo.

Tumayo akong muli at nagtungo sa kusina.

Nadatnan ko si inay Lourdes na nagluluto para sa pananghalian.

"Inay!" tawag ko sa kaniya at naka ngiting tumabi sa kaniya.

"O, anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa akin.

"Uhm, inay... may telepono po ba sina ma'am Elise dito?" tanong ko.

"Oo. Bakit mo naman naitanong?"

Napakamot naman ako ng ulo.

"Uh, pwede po ba akong makitawag?" nahihiya kong tanong.

"Bilisan mo lang ah? Baka pagalitan ka ng mayordoma rito sa bahay kapag nagtagal ka at nagbabad sa telepono."

Tumango naman ako kaagad at kumaripas na ng takbo. Nang makita ko ito ay nag ningning ang aking mga mata. Walang atubili kong pinindot ang numero ng telepono nito.

Kinakagat ko ang aking mga daliri habang nagriring ang kabilang linya. Ilang sandali lamang ay sinagot na ito.

"Hello, sino ito?"

"Aling marie! Si Paula ho ito." Sagot ko kaagad.

"O, Paula hija. Napatawag ka?"

"E, aling Marie nasa Maynila na po ako ngayon."

"Kaya naman pala ang mama Sel mo na ang bumibili ng gatas ni Cjay."

Naalala ko naman ang sinabi ni inay Lourdes na huwag tatagal sa telepono.

"Uhm, aling Marie pwede ko po bang makausap si Paulo? Kahit sandaling-sandali lang po."

"Osige, ineng. Sandali lang ah. Saktong-sakto nandito si Paulo sa tindahan." Sabi nito.

Bahagyang sumisilip silip naman ako at baka bigla nalamang dumating si Ms. Sungit.

Wala namang isang minuto e narinig ko na ang boses ng aking nobyo.

"Hello, Paula?"

Napangiti ako ng malapad.

"Paulo! Sorry ngayon lang ako nakatawag. Nako, sorry din dahil hindi ako nakapag paalam sa'yo na luluwas ako dito sa Maynila."

Naghihintay ako ng sagot nang puro 'toot toot toot' lang ang aking naririnig. Inalog-alog ko ang hawakan ng telepono.

"Hello, Paulo? Hello?"

"Tumigil ka sa kakachismis diyan. Sumunod ka sa taas." Sabi ni Brad at inihagis ang saksakan ng telepono.

Buwisit na buwisit akong pumasok sa kaniyang kwarto at padabog na isinarado ang pintuan.

"Bakit ba ang bastos bastos mo?! May kausap ako oh!" pangunguna ko.

Inirapan niya ako at tumayo sa aking harapan.

"Wala akong panahon sa mga pasigaw sigaw mo. Ipaghanda mo ako ng damit ko, aalis ako."

"Ha? E, mag tanghalian ka muna. Masama ang hindi nakikisabay sa mga magulang mo sa harapan ng hapag kainan."

Sa ikalawang pagkakataon e umirap muli siya.

"Sundin mo na lang ang pinag-uutos ko, maliwanag?" pagkasabi niya noon ay nag-alis na siya ng damit pang-itaas at pang-ibaba.

"Para kang baliw. Stop drooling, yuck." Sabi niya at pumasok na ng banyo.

Tulad ng kaniyang sinabi, naghanap ako ng damit na kaniyang isusuot. Para namang babae itong si Brad dahil napakatagal niya sa banyo.

After one year, doon pa lamang siya lumabas. Kinuha na niya ang mga damit na inihanda ko nang tumingin siya sa akin.

"Magbibihis na ako. Ano pang ginagawa mo rito? Diba dapat ay nasa labas ka na?"

Hmp! Sungit talaga. Mana siya dun sa mayordoma nila.

Hindi kaya siya ang tunay niyang ina? Haaay! Ano ba, Pau ano bang pinagsasabi mo!

Nasa sala ako at sinusubukang tumawag muli sa probinsya ngunit hindi na ito sinasagot. Napaka sama kasi ng ugali ng alien na 'yun!

"Halika na." sabi niya at tuloy-tuloy na pumasok sa kaniyang kotse.

Sumunod na lamang ako. Baka sungitan nanaman ako e.

"Hindi ka ba magpapaalam sa mga magulang mo?" tanong ko.

"No." lamang ang tangi niyang sagot at pinaandar na ang kaniyang kotse.

Tumahimik na lamang ako sa loob ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay huminto ito sa harapan ng isang maingay na pwesto. Mula sa labas hanggang sa loob ay rinig na rinig ang musika.

"Bilisan mo sa paglalakad. Bawal ang mabagal dito." Malamig niyang saad at pumasok na doon sa loob.

"Brad, sandali!"

Humabol naman ako sa kaniya. Pagpasok ko doon e makabasag ear drums ang tugtog. Napaka ingay at napaka raming tao. Kung sa labas ay napaka tindi ng sikat ng araw e samantalang dito ay napaka dilim.

"Ano bang tinatanga-tanga mo diyan?!" halos sumigaw na si Brad dahil sa ingay ng lugar na ito.

Hinatak niya ako papunta doon sa malambot na upuan. Itinaas niya ang kamay niya at may lumapit na lalaki sa amin.

"Umiinom ka ba?" tanong niya sa akin.

"Nako, hindi, hindi." Sabi ko at umiling.

Umirap naman siya sa akin.

"One bottle of margarita. Samahan mo ng lemon. She's just new here. Taga bundok kase." Pang-iinsulto pa ni Brad.

Maya-maya'y bumalik 'yung lalaki dala-dala ang bote ng alak at dalawang baso.

Inilipag niya ito sa lamesa namin.

"A-ano 'to? Iinom ka? Hindi ka pa nga kumakain e. Makakasama sa'yo 'yan" pigil ko.

"Wala akong pakealam sa mga sinasabi mo. Kung gusto mo, uminom ka din diyan."

Umiling na lamang ako at nagmasid-masid sa paligid.

Haaay! Sino bang matinong tao ang pupunta sa lugar na 'to sa oras ng kasikatan ng araw?! Sabagay hindi naman siya matino e.


Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now