Kabanata 9

1.7K 37 0
                                    

"Teka!"

Lumingon naman siya at naghihintay ng aking sasabihin.

"Pwedeng dito ka muna? Kasi ang dilim at ang tahimik. Natatakot ako baka mamaya may lumabas na mumu doon sa cabinet." Natatakot kong sabi at tinuro 'yung cabinet na nasa sulok.

Ngumiti naman siya at umiling-iling.

"Sige, sige dito ako sa kama at papanoorin kita diyan. Matatakutin ka pala." sabi nito at lumundag sa kama.

"Oo e. Doon kasi sa amin, maraming kapre, dwende, tikbalang at kung ano-ano pang elemento." Sabi ko at lumapit na doon sa cabinet hila-hila iyong maleta.

"Seryoso? Diyan naman sa cabinet ay madalas pag gabi may kumakatok o kaya naman biglang may maririnig ka ng 'pst'."

Nakatingin lamang ako kay Travis habang sinasabi niya iyon. Kasabay ng pagsabi niya ng nakakapangilabot na 'pst' na 'yun ay ang biglang pag bukas ng cabinet kaya kahit malayo pa kama ay dali-dali akong lumundag doon.

Humagalpak naman siya sa tawa. Samantalang ako ay naka kapit sa braso niya.

Nang mapansin kong ginagago lang niya ako ay marahas ko siyang sinuntok sa braso.

"Natakot ako dun, inamoka!" sigaw ko.

"Hahahaha! Hindi ko alam na ganon ka pala matakot. You should see your face, that... pfft hahahahaha!"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya bukod sa English na ito, tumatawa pa siya.

"Ganiyanan? Ako na nga itong pinagtripan mo! Kung hindi mo ako tinakot, panigurado tapos na ako sa pagtutupi ng mga damit ni Brad!" singhal ko rito.

"Sige na, hindi na kita tatakutin. Tatabihan kita doon, para kapag hinila ka ng mumu masagip kita."

Awieeeeh, kilig much ako. Paula, Paula iyang landi hormones mo paki turn off muna. May Paulo ka na.

Tumayo na ako at sumunod naman siya. Naka Indian sit siyang nakaharap sa akin. Samantalang ako ay bala sa paglalagay ng mga mababangong damit ni Brad.

Nang ang hawak ko naman ay isang brief, itinaas ko ito. Halata sa mukha ni Travis na nagulat siya sa aking ginawa.

"Ang liit naman netong brief ni Brad. Hindi kaya naiipit 'yung sawa niya? Diba, malaki 'yun?" sabi ko at sinusuri pa ang pang-ilalim ni Brad.

Inagaw naman ni Travis sa akin 'yun at binato sa loob ng cabinet.

"Shut it, Paula. Aren't you embarrassed? Im a man, can't you see?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Jusko lord.

"U-uh, sorry. Hindi ko naman intensyon na sermonan ka." Sabi niya.

"Ha? Natigil lang ako kasi hindi ko maintindihan 'yung sinabi mo bukod doon sa "I'm a man" mo. Tsaka, Shit ba kamo ang sinabi mo sa akin?" malungkot kong sabi.

Hindi ko akalain na wala pang isang araw na magkakilala kami ay minumura na niya ako.

Ni si mama at papa ay hindi ako minura kailanman, pwera na lang kay mama Sel. Namumura lang naman ako sa tuwing may katangahan akong nagagawa. Pero si Travis? Haaay, masama bang hawakan ko ang brief ng mahaba ang sawang si Brad?

"Ano ba Paula. You misunderstood it. What I mean is, shut not shit. Shut means to stop." Sabi nito sa akin.

"Nag-eexplain ka ba? Kung oo, bakit English nanaman? Siguro sinasadya mong mag-ingles para hindi ko talaga malaman na minumura mo nanaman ako. Narinig ko nanaman kasi 'yung shit e." nakayuko kong sabi.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now