Kabanata 30

1.1K 30 17
                                    

Dalawang lingo na ang nakalipas mula noong muntik na akong mahalay, at hanggang ngayon ay hindi ko pa nai-kukwento kay Ouen ang bagay na iyon.
Mula nang araw na iyon, hindi na muling bumalik ang mga kaibigan ni Brad sa bahay.

Paminsan din ay palihim kaming nagkikita ni Paulo. Pero hindi ganoon katagal. Marami daw siyang kailangang tapusin regarding sa school kaya, hindi kami nagkakaroon ng maayos na bonding.

Nasa eskwelahan na ako at wala pa si Mira. Nakakainis nga dahil dalawang linggo ko na ring nakakasabay si Miley sa pagpasok sa school dahil paminsan ay natutulog siya doon sa bahay at kung minsan naman ay sinusundo siya ni Brad. Oo dito rin nag-aaral si Miley, at sa kasamaang palad e kaklase ko pa siya. Kaya pala may naka reserve na isang upuan sa likuran ay dahil para sa kaniya iyon.

"Wala pa si Mira." Sabi ni Miley at umupo doon sa upuan ni Mira na katabi ko.

"Oo nga e. Madalas ay laging nauuna sa akin iyon sa pagpasok." Sabi ko habang naka nguso.

Nagkibit balikat na lamang si Miley sa aking sinabi at nanatiling naka upo sa pwesto ni Mira. Natapos ang tatlong subject e walang Mira na dumating. Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan si Ouen sa kaniyang silid aralan. Lingid sa aking kaalaman, nakasunod pala itong si Miley.

"Hey, where are you going?" tanong nito at mas lalong binilisan ang kaniyang lakad upang mahabol ako.

"Pupuntahan ko sana si Ouen, itatanong ko si Mira." Naka ngiti kong sagot.

"Ah, sige... samahan na kita." Presinta niya at kumapit sa aking braso.

Pagdating sa building ng mga Seniors, naka usap namin ang isa sa mga kaklase ni Ouen. Hindi raw siya pumasok kaya minabuti naming bumalik na lamang sa class room.

"Bakit kaya hindi sila pumasok? Maybe, something bad happen." Sabi ni Miley nang muli ko siyang makatabi ng upuan.

"Naku, wala naman siguro." Pag sasalungat ko. Bigla kong naalala na may cell phone pala ako. Haay! Bakit ngayon ko lang ito naisip?! Kaagad kong inilabas ang phone at idinial ang number ni Ouen.

Dalawang beses ko siyang sinubukang tawagan nang sawakas ay sagutin na niya iyon.

"Hello, Ouen? Bakit hindi kayo pumasok ni Mira? Nasaan kayo?" sunod sunod kong tanong.

"This is Ouen's mother. Who's calling?"

"Ah, k-kaibigan po ako ng mga anak ninyo. Nangungumusta po ako kasi, hindi po sila pumasok." Narinig ko ang pagbuntong hininga ng ina ni Ouen sa kabilang linya.

"My son and my daughter were rushed in the hospital yesterday. Nabangga sila ng isang SUV habang pauwi." Kahit hindi ko nakikita ang itsura ng kanilang ina, randam ko ang lungkot na nadarama nito. Hindi na ako naka sagot pa hanggang sa mamatay ang tawag.

"Hey, what happened? Anong sabi?" Naluluha akong humarap kay Miley. Hindi ko mapigilan, masyadong mababaw ang luha ko lalo na't sobrang malapit silang dalawa sa akin.

Sinabi ko kay Miley ang nangyari, sinabi ko rin na gusto ko silang puntahan. Agad nitong hinatak ang aking kamay at tinawagan si Brad.

"Baby, after class pumunta tayo sa hospital. Nadisgrasya daw sina Ouen and Mira." Sabi ni choco like Miley nang makalapit sa amin si Brad.

"Why do you want to go there? Hindi naman kayo close ni Mira, lalong lalo na si Ouen." sa tono ng pananalita ni Brad parang ayaw kami nitong samahan.

"Kaibigan mo si Ouen." Madiin na sagot ni Miley.

"Noon 'yun before he did something stupid." Umirap pa itong si Brad nang sagutin niyang muli ang sinabi ng kasintahan.

"Teka nga, sino bang nag utos sa'yo niyan? Itong babae na 'to?" tanong ni Brad at dinuro pa ako.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon