Kabanata 42

1.1K 25 20
                                    

Anong klasing tingin ba 'yan kay Paula, Brad? Hahaha (media)

Completed stories that you may like to read:
Seducing the seducer
I don't seduce, seducers
The seducer's memory
(Book 1, 2 and 3)
Mr. Perfect Professor

Ongoing:
A room for improvement

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Kumalma ka nga, mukha kang ewan e. Ano bang nangyari?" Tanong ni engot sa akin.

Nasa kotse parin kami, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Bigla nalang akong nakakaramdam ng takot at kaba.

"Appa is not ok, pero hindi ko alam kung bakit ganito ako makareact ngayon. Natatakot ako without any reason." Paliwanag ko.

Bigla niyang tinap ang aking balikat.
"Paranoid ka lang." Sabi niya.

'Tong si engot nakasama lang si Ouen kung ano-ano na ang alam niyang sabihin.
Bad influence talaga 'yung lalakeng 'yun!

"Tss, get off your hands on me. And by the way, don't get too attached with that Ouen. He's a womanizer, he is a freak, he is kinda heartbreaker." Sabi ko out of the blue.

"Eh ano naman ngayon? G-gusto ko siya e, sabi nga niya lalabas kami mamaya at magpapaalam ako...--"

"No." Putol ko.

"Anong... ano ba 'yan, Brad pit! Panira ka ng lovelife."

Kumukulo nanaman ang dugo ko sa babaeng ito. Napaka kulit, nakakainis.

"Nandito ka sa Maynila para magtrabaho and to study as well, hindi para makipag date. Kaya walang aalis ng bahay mamaya dahil nasa hospital ang appa." Sabi ko at pinaandar na ang sasakyan ko.

"Eh ano naman? Hindi naman ang appa mo ang binabantayan ko. Saka dati pa naman ay hinahayaan mo akong lumabas nina Ouen kahit nasa bahay ang tatay mo." Ngawa pa nito.

"Exactly, ako ang binabantayan mo. Kaya babantayan mo ako mamaya dahil hindi uuwi ang eomma. Pinapayagan kita noon because of Mira." I said.

Magsasalita pa sana siya nang ilapat ko ang hintuturo ko sa kaniyang labi to make her shut.

"I said no. So, NO." sabi ko.

Hindi na siya nun umimik pa hanggang sa makarating kami sa hospital where dad is.
Hindi na ako nagtanong pa sa nurse station kung anong room ang appa dahil sa tuwing idadala siya sa hospital isang room lang naman ang inistay-an niya.

"Stay here, hintayin mo ako diyan." Sabi ko kay engot saka na binuksan ang pintuan.

Bago pa ako makapasok ay narinig ko sina eomma at appa na nag-uusap.
As if they are discussing a very important matter.

"Just tell Brad what is the truth, before it's too late." appa said.

"No, Jude! You're not telling anything towards our son. Do you understand me, Cha Jin Hyuk?!" Eomma is seriously mad.

Sa tuwing tintawag niya ang appa sa korean name nito ay siguradong hindi na maganda ang mood ni eomma.

"What's going on? Aren't you going to open something?" I said the moment I popped in front of my parents.

Nagtinginan ang aking mga magulang, pero sandali lamang iyon nang pagpasyahan ng aking ama na bumangon sa kaniyang hinihigaan.

"Brad, once you knew something about..--"

"Your appa has a stage 3 cancer. It can't be cured." Pangunguna ni eomma.

Marahan kong tinitigan si appa, hindi ko mapigilan ang tingnan siya ng puno ng awa mula sa aking mga mata.

"Don't pity me, son. I'm already old and I think my time is coming." Pinilit ni appa na ngumiti.
"Mianhae, adeul." (I'm sorry, my son.)

"Aniyo, jwesonghamnida abeoji." (No, sorry dad.)
hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ngayon ko narerealize kung gaano ako kawalang kwentang anak sa kaniya.

Hindi na ako nagtagal doon, gustuhin ko man na ako nalang ang magbantay kay appa ngunit tutol naman si eomma.
May pasok pa kasi ako bukas kaya ayaw ni eomma na mag-skip ako ng class.

Paglabas ko mula sa kwarto, nadatnan ko si engot na may kausap sa kaniyang cellphone kaya naman tahasan ko itong hinablot mula sa kaniya.

"Brad, ano ba."

Tiningnan ko kung sino ang kaniyang kausap.
Si Ouen nanaman na B.I.
Pinindot ko ang end call at tinapunan siya ng tingin saka na lumakad.

"Hoy, Brad ibalik mo nga 'yan." Aniya saka pa humabol sa aking paglalakad kaya lalo kong binilisan ang lakad ko nang hindi ako nito maabutan.

Hanggang sa parking lot ay naghahabulan kami dahil lang sa peste niyang cell phone.
Para kaming mga bata na naglalaro ng patintero.

"Brad isa!" Tila nagbabanta pa ito.

"Dalawa." Pansusuno ko naman saka pa dumila.

"Brad kasi hindi ka na nakakatuwa! Pinapakealaman ba kita kay Miley ha? Hindi, 'di ba?"

Ngayon ko palang siya nakitang seryoso at mukhang sasabog na sa galit.
Natigilan ako sa pambubwisit sa kaniya at umiwas ng tingin.

Humugot ako ng isang napakalalim ba hininga bago nagsalita.
"So, anong kinakagalit mo? Itong cell phone mong mumurahin?" Tanong ko at itinaas ito.

"Kung makamumurahin ka diyan, e hindi naman ikaw ang bumili!" Singhal niya sa akin.

"Hindi nga ako, bakit naman kita ibibili? Tss." Sabi ko at ibinato sa kaniya 'yung cell phone na hindi naman ganoon kalakas.

Pero ang engot mukhang butas ang kamay at hindi ito nasalo.
Napairap tuloy ako sa katangahan niya.

"Pulutin mo na iyan nang makauwi na tayo." Sabi ko at sumakay na sa kotse.

Tahimik siyang sumakay sa kotse, pumwesto pa siya sa likuran.
Anong feeling niya? Driver niya ako.

"Lumipat ka sa harapan, mukha akong driver mo." Utos ko.

"Hindi ko na problema 'yun kung magmumukha kang driver." And she answered me harshly.

Hindi ko ito sinagot at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
Palihim ko siyang sinisilip sa salamin. Nakatungo lamang ito at pinagmamasdan ang cell phone na hawak niya. Nagkalamat 'yung screen kaya siguro badtrip siya sa aking ngayon.

Hanggang sa bahay ay hindi niya ako kinibo. Nauna pa nga siyang pumasok sa bahay sa akin e. Makaasta kala mo siya ang amo ko.

"Retard! Magdidinner ako sa kwarto ko, ipagdala mo ako!" Pasigaw kong utos saka na pumasok sa aking kwarto.

Wala pang sampung minuto e may kumatok na sa pintuan.
As expected si retard na may dalang pagkain.

"Walang lason 'to ah?" Biro ko.

"Meron, kaya sana mamatay ka na." Sabi nito kasabay nun ay ang paglabas niya ng kwarto ko.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi, sino siya para sabihan ako ng ganun? Nakakalimutan ata niya kung bakit may marangya siyang pamumuhay ngayon.

"Retard!" I called her once again.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now