Kabanata 53

1.1K 24 32
                                    

"A-aray." Daing ko nang lumapat ang cotton buds na may gamot sa sugat ko.

Ginagamot niya ang mga sugat ko dito sa kwarto namin ni Sese.

Hindi lang pala ako sa pisngi may sugat maging sa braso.
Sa tanan ng buhay ko hindi ako sinaktan ni mama Sel kahit na hindi niya ako tunay na anak.

"Ano bang nangyari dyan? Napa away ka daw. Hinahanap kita sa school kanina ang sabi ni Miley umuwi ka." Sabi niya habang idinadampi dampi niya ang cotton buds sa aking fes na nagkanda sugat sugat.

Pinatigil ko siya sa pag gamot sa aking sugat at tinitigan siya.

"Sa palagay mo ba makikipag away ako?" Seryoso kong tanong.

"Uhm." Matagal bago niya ito tinuglungan.
"Depende kung sobra na sila at hindi ka nakapag timpi."

"So, naniwala ka na nakipag away nga talaga ako." Sabi ko at umiwas ng tingin.

Sasagot na sana siya nang unahan ko ito.
"Alam mo ba kung anong ginawa sa akin ni choco like Miley pati narin ng mga kaklase ko?"

Naramdaman ko nanaman ang sakit na naramdaman ko kanina noong binabato ako ng mga masasakit na salita.
Hindi na napigilan ng mga mata ko ang magtubig.

"Ano ba ang nangyari? What about Miley?" - Brad.

Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot ng "tayo na" chaaar! Heto na talaga hehe.

"Ang sabi niya, pinapasabi mo daw na magkita tayo sa flag pole. Kaya pagkatapos ng klase, dumeretso ako dun. Trap lang pala 'yun." Sabi ko at napahinto.

"Pinahiya lang naman niya ako sa napakaraming tao, pinagbuhatan nila ako ng kamay at sinabihan ng kung ano-ano na hindi naman akma sa personalidad ko. Alam mo ba kung bakit niya ginawa 'yun?" Dagdag ko.

Tumingin ako sa kaniya.
"Dahil sa'yo. Alam na ni Miley kung bakit mo siya hiniwalayan." Sabi ko at tuluyan ng nahulog ang mga gabutil na luha mula sa aking mata.

Napaawang ang kaniyang bibig. Ilang segyndo siyang hindi nagsalita, nakatitig lamang siya sa akin.

"Pagsasabihan ko siya." Matigas niyang sabi.

Umiling ako.
"Huwag na, siguradong lalaki lang ang gulo. Tanda mo? Ayaw ako ng mama mo, si Miley ang gusto niya para sa'yo."

Brad's POV

"Huwag na, siguradong lalaki lang ang gulo. Tanda mo? Ayaw ako ng mama mo, si Miley ang gusto niya para sa'yo." Sabi niya at akmang tatayo na ito pero pinigilan ko siya.

Habang hawak ko ang kaniyang kamay naalala ko ang sinabi ni eomma sa akin noong nakaraan.

"You broke up with Miley? Why?" Eomma asked me.

"I don't love her anymore and I don't want to pressure myself. Miley does not deserve me, someone deserves me." Paliwanag ko.

"But, I like Miley for you. Siya na ang gusto for you."

My brows wrinkled.
"Kakasabi mo palang kanina na ayaw mo na kay Miley diba? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Basta, no more but's. Si Miley lang ang para sa'yo, you heard me, si Miley lang. I am your mom kaya ako lang ang pakikinggan mo. Lose that someone." Sabi ni eomma at saka na lumabas ng study room.

Napabuga ako ng marahas na hininga. Kahit na nanay ko siya, kahit na siya ang nagluwal sa akin, hindi niya mapipigilan ang nararamdaman ko.

"Ano na? Tititigan mo na lang ako?" Sabi niya na ikinabalik ng wisyo ko.

"Hindi ako mapipigilan nino man, mahal kita kaya walang makakapigil dun." Sabi ko.

"Dahil pabebe ka kaya walang makakapigil sa'yo?"

Natawa ako sa kaniyang sinabi. I pat her head 'cause she's so damn cute.
"Basta ako lang ang pakikinggan mo."

Napayuko siya at gumuhit ang malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha.
"O bakit, anong problema?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga kaklase ko bukas." Sabi niya at ngumuso pa.

Inangat ko ang kaniyang ulo at pinagtama ang aming mga mata.
Matagal bago ako nagsalita, gustong gusto ko kasing makita ang mukha niya.

"Don't worry, hindi na mawawala ang paningin ko sa'yo 'pag nasa school." Nakangiti kong sabi at ipinagdikit ang aming ilong.

"Pwede ba 'yun? E hindi naman tayo magkaklase, ano ka? Body guard ko? Ako nga dapat itong nagsasabi sa'yo niyan." Sabi nito sa akin.

"Kung pwede lang na maging body guard mo ako para hindi ka na umiyak at masaktan sa mga 'yun." Sabi ko at pagkatapos ay inilalapit ang aking labi sa kaniya upang mahalikan ko siya ngunit tinulak niya ako ng hindi naman ganoon kalakas.

"Why?" Tanong ko.

"May sugat ako sa labi, masakit. Huwag mo muna akong i-kiss." Imbis na maasar ako e, natawa pa ako sa sinabi niya.

Hinalikan ko na lamang siya sa noo and I gave her a warm hug.
Humiwalay ako sa kaniyang yakap nang may sabihin siya.

"Kanino kaya nalaman ni Miley ang tungkol sa atin? Sinabi mo ba?"

Umiling ako bilang sagot.
"Tapos, si Ouen kanina pilit niya akong isinasama dahil nagising na daw si Mira. Noong tumanggi ako, ang sabi niya sa akin magsisisi daw ako kapag tumuloy pa ako."

Napaisip ako.
"Ibig sabihin alam niyang may gagawin si Miley sa'yo." Sabi ko.

Bakit niya alam? Bakit hindi niya kaagad sinabi kay engot kung alam pala niya ang binabalak nito? Galit din kaya siya kay engot kaya niya hinayaang saktan siya ni Miley? Pero kung galit si Ouen kay Pau, hindi naman niya ito pipigilan. Haay!

--oras na ng pagtulog, nakatayo parin ako sa harapan ng binatana ng aking kwarto. Nakatitig sa kawalan, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba ngayon.

Pinilig ko ang aking ulo at nagpasyang humiga na at matulog. Hindi naman naging mahirap sa akin ang paghuli sa aking antok.

Ginising ako ng isang malakas na kalabog. Iminulat ko ang aking mga mata.

"Hang on, huwag kang bibitaw." Sigaw ng lalaking kinakapitan ko ngayon.

Napakalamig ng dampi ng tubig, nahihirapan akong gumalaw.
Nakababad ako sa tubig and I admit na mula noong bata ako ay hindi ako marunong lumangoy. Nasa itaas ng kapirasong parte ng eroplanong bumagsak sa dagat ang lalaking nakahawak sa akin, pinipilit niyang hilain ako upang maka-ahon sa tubig.

Tinulungan ko ang sarili kong makaakyat doon sa tinutungtungan niya kasabay ng paghila niya sa akin pataas.

"Stay there, hahanapin ko ang mommy mo."

Lumingon ako sa kaniya at napa awang ako ng bibig. Bakit nandito siya?

"Tito Bernard?"

Lumingon ito sa akin. Mataman ko siyang tinititigan, ngunit kaagad din itong lumusong sa tubig kaya naman hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin at itanong.

"Bakit nandito siya?" Tanong ko sa aking sarili.

Nakatitig lamang ako sakaniya habang siya naman ay iniinspeksyon ang bawat parteng nakalas mula sa eroplano.
Bumalik siya sa kinaroroonan ko at mukhang magpapahinga ito dahil hingal na hingal siya.

"Tito Bernard, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"I am saving you and your mother. But I can't find Bianca." Nakayuko nitong sagot.

"Mother? Where's eomma? Eomma Elise?"

Ngumiwi ito bago ako saguting muli.
"Bianca is your mother. I am your dad, what are you talking about?"

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now