Kabanata 41

1.1K 24 11
                                    

Tara, join ride with our toothpick king! (Media)
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Ilang araw ko ng hindi kinakausap si Brad, iniiwasan ko din siya sa eskwelahan. Wala lang, trip ko lang.

Sa tuwing uutusan niya ako, hindi na ako magrereklamo o sasagot. Kaagad kong sinusunod ang utos niya.
Kapag nasa kotse kami, hindi ko rin siya kinakausap. Laging nakatikom ang aking bibig. Mula noong gabi na nasa sauna kami ay nakaramdam ako ng hiya sa kaniya.

"Uy, mag-isa ka diyan." Sabi ni Ouen.

Nakaupo ako sa isang bench at inangat ko ang aking tingin sa kaniya. Siya ang gusto ko, itong lalaking nakatayo sa harapan ko, siya ang gusto ko.

"Tama!" Wala sa sarili kong nasambit.

"A-anong tama?" Takang tanong ni Ouen sa akin.

"G-gusto kita. Oo, ikaw ang gusto ko." Sabi ko na walang alanganin at umiwas ng tingin.
"Tama, siya talaga ang gusto ko." Bulong ko.

Muli kong inilipat ang tingin ko sa kaniya. Ang ekspresyon niya ay hindi mawari. Mukhang nagulat siya sa aking sinabi.

Brad's POV

"G-gusto kita. Oo, ikaw ang gusto ko." Sabi ni engot na walang alanganin at umiwas pa ng tingin.
"Tama, siya talaga ang gusto ko." Bulong pa niya.

Bubulong nalang 'yung maririnig pa talaga.
"Tss." Napaisding ako at umirap.

"Talaga? Finally, you had come to your senses." Nakangiting sabi ni Ouen saka pa niya pinat ang ulo ni engot.

"Retard!" Tawag ko rito.

Mukhang nagulat ito nang makita niya ako. Ilang araw na niya akong hindi kinikibuan, iniiwasan niya rin ako dito sa school. Hindi ba niya alam kung paano ako mahirapan sa mga ginagawa niya?!

"There you are." Napalingon naman ako sa boses na aking narinig.

"Miley..."

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin. Samantala, sina Ouen at engot...

"Tara na, Pau. Ihahatid na kita sa classroom mo." Nakangiti nitong sambit.
Ang pangit talaga ng Ouen na 'to.

"Uy, badtrip ka nanaman ba?" Tanong sa akin ni Miley saka pa ito lumingkis sa aking braso.

Iritable ako sa kaniya nitong mga nagdaang mga araw. Napaka clingy niya at napaka kulit. Naiinis ako.

Marahan kong binawi ang aking braso upang makalas sa kaniya.
"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa classroom ka?"

"Eh, hinahanap kita. Nandito kasi ang tita at tito ko, gusto nilang magtayo ng foundation para sa mga scholar at dito sa school natin sila mag-sponsor." Pahayag niya.

"Ah." Lamang ang aking naisagot.

"Gusto ka daw makita ng tita at tito." Nakangiti niyang saad.

Tinanguan ko na lamang siya at nauna ng maglakad sa kaniya.

"Uy, saan ka pupunta?" Humabol siya sa akin at hinarangan ang aking dadaanan.

"Papasok na ako." Sagot ko naman.

"Mamaya na, gusto ka ngang makita nina tito at tita 'di ba?"

"Mamaya na, may klase pa tayo."

Sumimangot siya sa aking harapan at sinamaan pa ako ng tingin.
"Kung sinipot mo sana ako noong nakaraang araw edi sana nameet mo na ang tito at tita ko." Sabi niya saka pa ako inirapan.

"Sinamahan kita nung una pero sila 'yung hindi pwede. Kasalanan ko bang umulan nung pangalawang beses kaya 'di ako nakarating?" Sumbat ko.

"Mark naman."

"Fine, fine. Nasaan ba sila?" Tanong ko saka na siya nilagpasan.

Pumunta naman kami sa harapan ng Director's office.
Naghihintay kami doon hanggang sa lumabas sila doon.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang makita ko 'yung tita ni Miley. Hindi ko alam kung bakit parang nakakarandam ako ng sakit ng loob.

"Tita Bianca, tito Bernard, si Mark po. Siya 'yung kinukwento ko sa inyo nang nasa America tayo." - Miley.

Hindi ako maka-imik, bakit ba feeling ko maiiyak nalang ako bigla dito? Shit, gayshit!

"Baby, sina tito at tita. Sila 'yung tumayong magulang ko and they are the one who fix everything para lang ma-operahan ako." Paliwanag sa akin ni Miley.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong niyakap 'yung tita ni Miley. Sandali ko siyang niyakap saka na kumalas. Sobra sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mag-asawa.

"Nice meeting you po, tita, tito. But I have to go na po. May pasok pa po kasi ako." Nakangiti kong sambit saka na sila tinalikuran bago pa bumuhos ang aking mga luha.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Baby! Ano ba 'yung inasta mo sa harapan nina tita? Nakakahiya ka."

Hindi ko masagot si Miley sa kaniyang sinasabi. Maging ako ay gulong-gulo sa nangyayari.

"Iwanan mo muna ako." Sabi ko saka nagtungo sa loob ng comfort room.

Naghilamos ako upang bahagya akong mahimasmasan. Ilang segundo akong nakatitig sa aking sarili sa harapan ng salamin.
Para akong tanga kanina, baka akalain ng tito ni Miley e, na-love at first sight ako sa asawa niya kaya ko ito niyakap.

"Damn." Mura ko at muling binasa ang aking mukha.

Hindi naman ako nagtagal sa loob ng C.R. Kaagad din akong bumalik sa classroom ko.
But before entering the class, my phone suddenly rings.

"Oh, eomma?"

"Brad, o my God my son! I don't know what to do."
Here we go again, eomma is over reacting.

Inikot ko ang aking mga mata saka na sumagot.
"Mom, relax."

"Please, go home. Your dad passed out! Appa is still unconcious!" Halos sumigaw si eomma sa kabilang linya.

Wala na akong sinayang na oras at kaagad na pumasok sa room ni engot at walang sabi siyang hinatak palabas doon.

"Uy, teka lang naman. Kinakaladkad mo na ako oy."

Natataranta ako, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.
--binitawan ko na si engot nang nasa harapan na namin ang kotse ko at dali-daling sumakay doon.

Sa loob ng kotse, doon ko pinakalma ang sarili ko pero hindi ko kaya. Hindi mawala sa isipan ko na baka may mawala sa buhay ko na napaka importante.
Para bang may trauma ako, parang nangyari na sa akin ang mawalan ng mahalaga sa buhay. I don't know, sobra sobra ang kaba ko ngayon.

"Uy, toothpick--ay este Brad pit. Anong nangyari sa'yo? Ok ka lang?" Tanong ni engot pagkasakay na pagkasakay pa lamang niya ng sasakyan.

"I am not ok." Sabi ko at mahigpit ni hinawakan ang manibela.

"Bakit? May nangyari bang masama?"

Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. Nang titigan ko siya'y lalong naghuramentado ang aking isipan.
Bakit ba lalong pinapagulo ng itsura niya ang isip ko. Argh!

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now