Kabanata 10

1.7K 32 0
                                    

Ilang araw lamang pala ang pamamalagi namin dito sa hacienda nila dahil kami ay aalis na. Huhuhu hindi ko man lang nakasama si papa Travis ng matagal.

Eh kasi 'yung si lumpong may saltik lagi akong sinasama sa lakad niya.

Kulang nalang ay pati sa pagligo niya'y isama na niya ako. Naku, kapag nangyari iyon ay tiba tiba ako. Chos!

"Hoy retard, mukha kang tanga diyan." Sabi nito at pinitik ang aking noo.

"Sumakay ka na at mamaya ka na magpantasya sa akin." Naka ngiti pa nitong sabi. 'yung ngiti niyang nakakainis na ang sarap sapakin. Letse!

"Hindi ikaw ang pinapapantasyahan ko huwag kang makapal! Iniisip ko kung kailan ko makikita si papa ay este..—Travis." Sagot ko saka ko siya inirapan.

"Dadalaw ako kina Brad para naman hindi mo'ko mamiss."

Natigil ako sa pagsusungit at naramdaman ko ang init ng pisngi ko nang marinig ko ang boses ni Travis.

"Ts huwag na, Trav. Hindi na makakapag-trabaho 'to for sure." Sabat ni lumpo saka na siya sumakay sa kotse.

"Dadalaw ka ha? Maghihintay ako." pabebe kong sabi.

"PASOK NA!" sigaw ni saltik nang maibaba niya ang bintana ng kotse.

Napairap naman ako sa pasigaw sigaw niya. Pero kaagad din akong ngumiti sa harapan ni Travis at kumaway na.

"Maghihintay talaga ako." pabebe parin ang lola niyo.

Mula sa likuran ng sasakyan ay tinanaw ko parin ang Travis na kumakaway kaya napa kaway ulit ako.

"Tanga hindi ka naman makikitang kumakaway niyan, ts." – saltik.

Hindi na lang ako sumagot. Baka masira pa ang araw ko... teka lang, sira na nga dahil sa hinayupak na 'to e. Laging negative vibes dala niya dito.

"Uhm, Brad..."

Nagsalita ako dahil may sasabihin ako. Bat ba? Hindi naman siya sumasagot kaya...

"Brad." Tawag ko ulit.

Wala paring naririnig ang unggoy. This time...—oh pak nag English lola niyo. Gege, this time, naiinis na ako.

"Brad..." tawag ko ulit saka pa kumalubit.

"Ano?! Nakikinig naman ako ah!" singhal niya sa akin.

Nagulat tuloy ako sa pagsigaw sigaw ng pashnea.

"Eh kasi naman hindi ka marunong sumagot. Malay ko ba kung hindi ka pala naririnig 'di ba edi sayang ang effort!" sigaw ko na rin.

"Shut up, matutulog na ako." sabi nito at inilapag niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Hinayaan ko naman siya.

"Bagay pala kayo, sir e." panunukso ng driver.

Biglang iminulat ni Brad ang kaniyang mga mata at lumayo sa akin.

"Are you crazy, manong? Tss." Sabi nito at kinalkal ang kaniyang cell phone at may isinaksak sa kaniyang tenga.

"Uhm, Brad..." tawag ko.

Ngunit mukhang hindi na ako nito naririnig kaya itinuon ko na lamang ang aking pansin sa labas.

Tinanaw ko at binibilang bawat bahay na nadadaanan namin.

"Forty, Fifty one, Fifty two, Fifty three..— aray ko ha!" sigaw ko pagkatapos ko mabatukan.

"Pati ba naman sa pagbibilang tanga ka? Kailan pa naging magkasunod ang Forty at Fifty one?" taray netong lalaking 'to ah.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now