Kabanata 4

2K 40 0
                                    


Lumunok muna ako bago kumatok. Nang marinig ko na ang magic word niya na 'pasok' ay nanalangin pa ako. Jusko ~ judgement day naba ito?

"Umupo ka diyan. OA neto."

At dahil sa sinabi niya, naghuramentado ang aking pag-iisip!

"Hoy! Normal lang ang umakto ng ganun 'no! Linapastangan mo ako! At ikaw ang kauna-unahang lalaking gumawa sa akin nun!"

Hindi ko naman alam kung bakit siya natatawa.

"So, ako palang pala? Gusto mo turuan kita para masanay ka na?"

Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Manyak ka talaga! Manyak!"

"Hindi ako manyak! 'yung kutsara talaga ang kukunin ko, antok na antok lang talaga ako kaya iba 'yung nahawakan ko." paliwanag niya.

"Lokohin mo lelang mo! Isusumbong talaga kita sa nanay mo!"

"Teka nga, bakit mo ba ako sinisigawan? Sino ba ang amo rito?" tanong niya sa akin at nagpamewang pa.

"i-ikaw." Mahina kong sagot.

"Alam mo naman pala e. Umayos ka diyan. Kapag hindi ka pa tumigil sa kakamanyak mo, hahalikan kita, hindi kita titigilan hanggat hindi masugat 'yang labi mo." banta niya sa akin kaya napa takip ako ng bibig.

Hindi na lamang ako sumagot. Ilang sandali lamang ay inalis niya ang kaniyang t-shirt at pang-ilalim. Lumalabas na naka boxer shorts lamang siya.

Napatikhim ako sa aking nakikita.

"Maliligo na ako kaya magbihis ka dahil may pupuntahan tayo." Sabi niya at isinabit na ang tuwalya sa kaniyang balikat.

"O-opo." Sagot ko at tumango.

Tulad ng sabi niya, nagbihis na ako ng pang-alis. Ganito ba laging ginagawa ni mama? Nagsusunod-sunuran sa lalaking 'to? Iniisip ko rin kung minanyak na ba niya si mama? Haaay! Ano ba itong iniisip ko!

Lumabas na ako sa aking kwarto. Kinatok ko siya sa kaniyang kwarto ngunit walang sumasagot.

"Engot, nandito na ako."

Napalingon naman ako nang makita ko siyang nakatayo sa ibaba ng hagdan.

Bakit hindi ko man lang siya nakita kanina?

Bumaba na ako at nauna naman siyang naglakad sa akin. Sumakay siya sa isang itim na sasakyan. Kaya naman, ako ay sumakay doon sa isa pang pintuan ng kotse. E, dalawa lang naman ang pintuan at dalawa lang ang upuan nito kumpara sa ibang sasakyan.

"Para kang tanga diyan. Act normal, stupid. Parang ngayon ka lang nakasakay sa ganito." Sabi niya sa akin at inirapan pa ako.

"Kahit naman na lumaki ako sa probinsya e, alam ko 'yung stupid! Hindi naman ako ganun ka tanga." sagot ko sa kaniya at inirapan din siya.

"Whatever, fasten your seatbelt and ready your self. Baka magka-heart attack ka pa diyan."

Ayan nanaman siya sa kaka-water water niya. Haaaay! Wala akong naintindihan sa mga ingles niya.

"Ano ba 'yung sinabi mo? pwede magtagalog ka na laaaaaaaaaaaang! Waaaaaaaaaaaahh!"

Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang paandarin niya ang kaniyang sasakyan ng pagkabilis bilis. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil feeling ko lumilipad na itong sasakyan niya.

Ilang minuto lamang ang nakalipas nang huminto na ito. Aatakihin ata ako sa puso! Ayoko ng sumakay sa kotse niya! Sa susunod, magcocommute na lang ako! T___T

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now