Kabanata 20

1.3K 28 41
                                    

Ang bilis na ng tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung anong ginagawa niya. Bes, I kennat!

Dilat na dilat ang mga mata ko at hindi ako makapag salita. Lagi na lamang akong napapatikhim at walang pumapasok sa isip ko. Anong gagawin ko? Ayoko naaaa! Napapikit ako ng mariin at....

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!" At nasigaw ako. Nasigaw ako habang nakapikit. Ang kasunod kong nalaman ay pati si Brad nasigaw na rin.

"Mother fucker!" sigaw niya at binato ako ng unan. Nang malakas na tumama sa mukha ko 'yung unan e doon lamang ako nagising sa katotohanan.

Nang dumilat ako ay nasa harapan ko na siya at galit na galit ang pagmumukha.

"What is happening here?!" si ma'am Elise na dali-daling pumasok sa kwarto ni Brad.

"What is going on?" tanong naman ni sir Jude na kararating pa lamang kasama si Sese.

Biglang umurong ang dila ko. Naka tingin lamang ako kay Brad na pawis na pawis.

"Geez, she's just over acting. M-may nadaan lang na d-daga." Sabi ni Brad.

"'Di ba, promdi?" sabi pa niya at siniko ako.

Kapag sinabi ko ang totoong nakita ko, baka mag-isip nanaman ng kung ano-ano si ma'am Elise at tuluyan na akong mapalayas rito.

"O-opo... nagulat lang po ako sa nakita ko kay Brad..—este nakita ko sa kwarto ni Brad. S-siguro po kailangan ng malinis ang kwarto niya." Pagsasang-ayon ko sa sinabi ni kuya J.

Hehehe, alam niyo na 'yun kung ano ang "J" na 'yun. Huwag na painosente at baka matampal ko pa kayo.

"I see... tutal ikaw na rin ang nagsuhestiyon niyan, linisin mo bukas ang kwarto ni Brad. Magpatulong ka na rin kay yayi Lourdes." Sabi ni ma'am Elise.

"Ako rin! I will help noona!" presinta ni Sese at itinaas pa ang kaniyang mga kamay.

"That's right, Sehun. Para hindi ka nalang laging tambay rito sa bahay." Naka ngiting sabi ni sir Jude at inilipat pa ang tingin kay Brad.

"Psh, whatever. Hindi pwedeng maglinis si promdi bukas. Magpapasukat kami ng uniform. Tutal nagpresinta na rin 'yang SEHUN NIYO, siya na lang papaglinisin ninyo kasama si yayi." Masungit na sabi ni Brad saka na humarap muli sa maliit niyang T.V.

"Laging may dalaw anak ho ninyo ano?" natatawa kong sabi sa mag-asawa na naging dahilan ng pagtawa rin nila.

"Hay nako, mainitin talaga ulo niyan. May pinagdaanan e. Pagpasensyahan mo na." sabi naman ni ma'an Elise.

Muli naman kaming liningunan ni Brad. "Please, get out of my room." Sabi nito at binalik na ang tingin doon sa maliit niyang T.V/

Kinabukasan ay maaga kaming tumulak paalis ng bahay dahil magpapasukat nga raw kami ng uniform. Excited ko namang makita 'yung magiging uniform ko at kung bagay ko ba.

"Uh, promdi." Kaagad naman akong tumingin sa kaniya. Oh baka may iuutos nanaman e at baka kapag hindi ko kaagad pinansin e lamunin niya ako ng buhay rito.

"Tungkol sa nakita mo kagabi..." Napapikit ako ng mariin nang maalala ko nanaman 'yun.

Nakalimutan ko na nga ih! Tas ipapaalala pa!
"W-wala 'yun. Kinalimutan ko na nga e." sabi ko at tinanaw na lamang ang tanawin sa labas ng bintana.

"You know what, you don't have to act like that. Seriously... natural sa aming mga lalaki iyon." Sabi pa nito.

Kaya tanging "Ahhhh" lamang ang naisagot ko.

Dahil sa totoo lang ay unang beses ko palang nakakita ng nag gaganun, at kay Brad pa talaga. Sa totoo lang, ayoko ng pag-usapan 'yun.

"Virgin ka pa ba?" Nabalikwas ako ng upo nang bigla niyang itanong sa akin iyon. Kaya mabilis ko itong sinagot.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now