Kabanata 32

1.1K 30 55
                                    

Nang marinig ko na ang pag ring ng bell hudyat na maaari ng umuwi, bumaba na ako at nakayukong naglalakad sa pasilyo. Randam ko kasi na magang maga ang mata ko kakaiyak.

"Paula!" Hindi ako lumingon pero huminto ako sa paglalakad. Si Miley ang tumawag sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon at bitbit ang bag ko.

"Bakit hindi ka na pumasok? At balak mo bang iwan 'tong gamit mo?" sabi niya at isinabit na sa aking balikat ang aking bag.

"Nahilo kasi ako kaya nagpahinga ako sa clinic. Salamat at dinala mo pa gamit ko. Sige, mauuna na ako." Sabi ko at hindi ko na siya hinintay sumagot pa, naglakad na ako.

Nakalabas na ako sa gate ng school. Mukha akong lutang. Mukha akong wala sa sarili. Kung kailan namang wala sina Ouen at Mira ngayon pa nangyayari sa akin 'to. Hindi ko naikwento kay Ouen ang nangyari, pagkasagot niya sa tawag ko kanina ay kaagad ko siyang binabaan. Hindi ko kasi kayang magsalita ng maayos kanina sa gitna ng aking mga hikbi.

Hindi ko alam kung saan ako papunta nito dahil hindi ko naman alam ang daan pauwi. Dere-deretso lang ako sa paglalakad nang mapahinto ako dahil wala ng daanan. Pader ang bumungad sa akin. Wala akong choice kundi bumalik sa paglalakad. Walang laman ang isip ko, gusto ko lang maglakad ng maglakad ng maglakad hanggang sa maging ok na ako.

*beep!* Hindi ko pinansin ang bumusina kasi hindi naman ako pick up girl at baka pinagtitripan lang ako.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad nang bumusina itong muli. Ngunit mas mahaba ang busina kumpara kanina.

*beeeep!*

Hindi na ako nakapag timpi kaya naman pumulot ako ng putik kahit na hindi ko alam kung may tae ba 'yun o ano. Ibinato ko sa sasakyan ang hawak kong putik.

"Tangina mo, bastos ka ha!" sigaw ko.

Lumabas naman sa sasakyan si... "B-brad..."

"Are you really out of your mind?! Umaalis ka ng school na hindi mo naman alam ang uuwian mo?! At ngayon binato mo pa ng nakakadiring putik 'tong sasakyan ko?!" sigaw niya kaya naman ang mga tao sa paligid ay nagtinginan sa amin.

"Gago pala 'to e." bulong ko at umirap sa hangin.

"Ano? Anong sabi mo?! You want to be punished?!" sigaw niya.

Hindi na ako sumagot pa, wala ako sa mood makipag away sa kaniya at baka masabi ko sa kaniya lahat ng mura sa mundo. Dahil ngayon, pumapasok nanaman sa utak ko lahat ng nalaman ko.

Hinigit niya ang braso ko kaya naman 'yung kamay ko na may putik e naisampal ko sa pagmumukha niya.

"Dammit!" sigaw niya at binitawan ang aking braso.
"What's wrong with you, retard?!" sigaw niya sa akin.

"Nakakahiya ka. Gumagawa ka ng eksena sa harapan ng maraming tao, naka uniform ka paman din. Iisipin nila na hindi ka natuturuan sa eskwelahan mo ng maayos, well in fact sadyang wala ka lang talagang manners." Nanggigigil kong sabi sa kaniya. Nag English ba ako? Oh well. I'm in the mood. Saka natututo ako dahil panay English si Sese sa akin pati mga kaklase ko ay ingles ng ingles!

Napatiim ang kaniyang bagang at tahasan akong hinila papasok ng kotse niya. Itinulak pa niya ako papasok sa kotse at may pinindot siya upang hindi ko mabuksan ang pintuan.

"Ano bang problema mo? At saka, umiyak ka ba? Ang pangit mo." Sabi niya habang nagmamaneho.

"Wala kang pakealam." Sabi ko na deretso lang ang tingin.

"Nagtatanong ako ng maayos dito, retard!" sigaw niya at binato ang plastic na may tissue. Pero 'yung tissue kakaiba, basa at mabango ito.

"Punasan mo 'yang kamay mo at itong pisngi ko na may putik. Nangangamoy na rito sa sasakyan. Tutal kagagawan mo rin naman iyan." Sabi nito.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon