Kabanata 35

1.2K 31 35
                                    

So yeah, may bagong cover hehehez! Puro blue, kasi I like blue. Charot ayon, gusto ko lang ishare hahahahaha!
Naku-cute-an kasi ako sa cover since gawa ko sya. Hahahahahaha I'm so proud. Chareeeng.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Alas otso nang makauwi kami galing sa pag-gygym ng mukhang toothpick na 'to.
Hindi naman nagtagal si alien sa pagwowork out niya kuno dahil nag-away sila sa call ni choco like Miley.

Hindi ko naman alam kung bakit kasi nung tinanong ko si Brad e sinigawan niya ako ng: "IT'S NONE OF YOUR FUCKING BUSINESS!" O diba

Syempre sinigawan ko rin siya ng: "WALA PA AKONG BUSINESS! KATULONG PALANG AKO!"

At bigla-bigla nalang ay nag-iba mood niya. Hindi na nakunot noo niya at hindi na niya ako sinagot pa nun kasi hindi naman ako nanliligaw sa kaniya, kemeruuut!

"Uhhh." Si Brad na pinipisil pisil ang kaniyang kanang braso. Hindi kaya napilay 'to dahil sa pag salo niya sa akin? Tas nagbuhat pa siya ng malalaking barbell! Grabe kasi.

Parang siya ang binuhat ng barbell. Chena, malalaki naman pala maskels (muscels) niya.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa pumasok siya sa kwarto niya. Alam ko e nakakita ako ng galumbang dito sa mala hardin sa labas ng bahay. Palabas na ako ng bahay nang may humila sa laylayan ng blouse ko.

"Sama ako." Si Sese.

Napakamot naman ako ng ulo saka na pumayag. Noong una ay naiirita na si Sese dahil nasa madamong bahagi kami at ako naman ay pumipitas doon sa dahon ng galumbang.

"Noona! Hurry up! Ppali ppali!" (hurry) reklamo ni Sese at kinakati ang kaniyang paa.

Pali pali daw, doon sa amin sa Pampanga e ang pali pali ay mainit. Daming alam ng batang 'to.

Nang makumpleto ko na ang mga dahon na kinuha ko e dumeretso ako sa kusina at hinugasan ang mga iyon. Pumasok ako sa kwarto ni Brad na may dalang baby oil at kandila.

"Kukulamin mo ba si hyung, noona?" tanong ni Sese.

"Sira, hindi! Gagamutin ko pilay ng hyung mo. Huwag kang maingay dahil pagod 'yan kaya antok na antok na." sabi ko at sinimulang pahiran ng baby oil iyong dahon.

Pinagmamasdan lamang ni Sese ang aking ginagawa hanggang sa itapat ko 'yung dahon na may baby oil sa apoy ng kandila. Tinansya ko ang init nito upang hindi mapaso si Brad. Nang pwede na ito, inilapat ko na ito sa brasong iniinda niya kanina.

Medyo gumalaw siya dahil mainit-init din ang dahon. Ginamit ko ring panali sa braso niya ay 'yung mahabang panyo na nakuha ko sa cabinet ni Brad upang hindi mahulog ang dahon.

"Are you sure that's effective, noona?" tanong ni Sese sa akin.

"Oo naman. 'yung kapatid ko kasi sa probinsya e nahulog sa puno kaya napilay. Tinuruan ako ng mama ko na ganiyan ang gawin para hindi mamaga." Sagot ko.

Pagkatapos nun ay pinatakan ko ng kandila ang mga mata ni Brad at nagdasal ng latin. Unti-unti namang naglaho si Brad sa paningin ko... CHORVANESSSS!

Brad's POV

Nagsimula nanaman akong managinip. Pinipilit kong magising ngunit may pumipigil sa akin.

"Sam!" Ayan nanaman ang boses ng babae na tumatawag sa aking Sam. Kung dati ay nakikita ko ang sarili ko noong bata ako, ngayon... ako na mismo ang kinakausap ng babae.

"My name is Brad, not Sam." Pagtatama ko.

"Anak, bumalik ka na. Nagmamakaawa ako sa'yo." Sabi nito sa akin na para bang hindi ako naririnig.

Alipin with BenefitsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang