Kabanata 61

1.1K 23 15
                                    

Nagising ako na wala si Pau sa tabi ko. Napangiti ako bigla, nahihiya parin kaya siya?

Napailing ako at saka na bumangon. I need to freshen up dahil masaya ako ngayon at hindi ako pwedeng humarap ako sa kaniya na dugyot.

"I'm so happy." Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.

Fresh na fresh akong lumabas ng kwarto ko at kinatok ang kwarto ni Sese at Pau.
Panay kalikot pa ako sa buhok ko, ayoko nga kasing humarap na mukhang dugyot sa kaniya 'di ba?

Kumatok akong muli pero hindi man lang ako pinagbubuksan.

"Hijo, walang tao diyan. Pumasok na si Sese sa school niya, si Paula naman e nauna ng pumasok."

Kumunot ang aking dalawang kilay.
"Nauna? Nahihiya parin ba siya?" Bulong ko.

"Ang sabi niya'y alam mo na, na papasok siya ng maaga."

"Papasok na po ako." Sabi ko at madaling bumaba ng hagdan.

"Mag almusal ka na muna, Brad." Habol sa akin ni yayi.

Sumakay na ako sa kotse ko at kaagad na pinaharurot ang aking sasakyan.
Nangiti ako habang nagmamaneho.

"She's a legit replica of Maria Clara, a modern one." Bulong ko sa sarili ko.

She acts very smooth, natutuwa ako sa kaniya 'coz she's giving me a hard time.
Haaaay now she's mine, wala na akong ibang iisipin pa. All of her now is mine.

Pagbaba ko sa sasakyan, sinalubong ako ni Miley.
"Brad!" Tawag niya.

Hinintay ko na lamang ang kaniyang sasabihin.

"Pumunta ka naman sa bahay mamaya. Tita Bianca missed you a lot." Sabi nito.

"Ok sige, bibisita ako mamaya. I'm actually planning for it." Sagot ko.
Aalis na sana ako pero naalala ko na kaklase pala ni Miley si Pau.

"By the way, have you seen Paula? Nasa classroom niyo na ba?" Tanong ko.

"I've been there na but I didn't saw her. Don't tell me you're still hitting on that girl." Halatang inis ito.

"Why not?"

Umirap siya at naghalukipkip sa aking harapan.
"What is tita Elise doing? There is no action at all." Bulong niya but I still manage to hear what she said.

"Eomma will never take actions againts us, because she knows that I'll get mad. Do not manipulate my mother's mind, ok?" Sabi ko at tinalikuran na siya.

"You always get what you want, I know. But dumping me just because of that stupid promdi hurts me so much!"

Nahinto ako sa paglalakad, pero hindi ako lumingon sa kaniya.
Paula is not stupid.

"Porke wala ka ng nararamdaman ganun ganun na lang 'yun? Ang selfish selfish mo! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko, sana man lang hinintay mong magmove on ako 'di ba? Hindi e, you immediately date a woman, 'yung mas mababa pa sa akin, 'yung walang class, walang alam, bobo that's why hindi ako humihinto kakahabol sa'yo kasi alam kong iiwan mo rin siya."

This time, humarap na ako sa kaniya.
"I like and I love Paula, don't compare yourself over her, she's more than you. Whatever you say, hindi ka naman talaga magmo-move on 'di ba, bakit ko pa hihintayin 'yun? Edi nagsayang lang ako ng oras?" Sabi ko.

Nagsasalita pa siya pero mas pinili kong umalis na lang. Nonsense, at wala namang patutunguhan ang pag-uusapan namin.
Pipilitin lang niya ako na bumalik sa kaniya. At ang bumalik sa piling niya ay hindi na mangyayari.

And what? Move on? There is no such thing like that. You only forget the meaning of your heartaches temporarily, but you can not erase the good memories that had been done.

---papasok na ako sa classroom when Ouen approach me.

"Brad, what are you doing here?" Tanong nito.

Nagtaka tuloy ako sa sinabi niya.
"Malamang dito ako nag-aaral?" Sagot ko naman.
'yung feeling na ayaw mong mambara kasi ang saya ng araw mo pero 'di mo mapigilan. Lalo na kung kabara-bara 'yung kausap mo.

"I mean, bakit ka pa nandito? Hindi mo alam?"

Ginapang tuloy ako ng kaba nang marinig ko ang sinabi niyang: "Hindi mo alam?"
Ayoko kasi na lahat ng nasa paligid ko e may alam samantalang ako e parang tanga na walang alam.

"About what?" Tanong ko.

"Paula left, she gave me this letter and... it seems it is a good bye letter."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. All I can do is grab the paper from Ouen's hand.
Binasa ko kung anong nandoon.

Dear Ouen,

Thank you, for teaching me how to love, showing me what the world means what I've been dreaming of and now I know, there is nothing that I could not do. Thanks to you. Sorry kung copy paste, 'yan lang kasi ang alam kong English. Graduation song namin 'yan nung elementary. Anyways, salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin. Napaka swerte ko dahil presidente pala ng Pilipinas ang naging kaibigan ko. Chareng lang! Sorry kung minsan napaka retard ko. Retard daw ako sabi ni choco like Miley e. Salamat pala kasi lagi mo akong sinasamahan kapag masakit ang loob ko kay Brad. Nga pala, huwag mong pababayaan si Brad ha? Friends parin sana kayo, siguro good bye for now na muna.

                 Nagmamahal kay Brad,
                 PAULA

"She left the school 30 minutes ago."

Kaagad kong binitawan ang sulat na iyon at dali daling pumunta sa parking lot. Pinaharurot ko ang aking sasakyan, siguradong nasa bahay pa siya dahil nandoon ang mga gamit niya.

Kaya pagdating ko doon ay dumiretso ako sa kwarto nila ni Sese. Wala akong Paula na nadatnan. Binuksan ko ang cabinet kung nasaan ang gamit ni Pau. Nandoon parin. Ang bilis na ng tibok ng puso ko, daig pa ng nakikipag karerahan.

"Yayi, bumalik ba si Paula dito?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot, nakatitig lamang siya sa akin at may hawak na papel.

"S-sulat po ba 'yan?" Tanong kong muli.

Tango lamang ang isinagot ni yayi.
Umiling ako, pupunta ako sa hospital, I will ask eomma kung saan ang bahay nina Paula sa probinsya. Sinama nila ako noon pero hindi ko kabisado ang daan.

I went to the hospital at kasalubong ko ngayon ang eomma.
She's crying, sheez what is it again?

"Eomma, I wanna ask you something...--"

"Eotteon guho." /what a relief/
"You're just in time, I'm about to call you buti nalang dumating ka na. Who told you to come here?" Mangiyak ngiyak nitong sabi.

"Wae uneungeoya?" Tanong ko. /why are you crying?/

"Appaneun." Eomma said with tears.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon