Kabanata 52

1K 27 9
                                    

Pagkadismiss ng klase, dumeretso ako sa flag pole. Baka mamaya nag aalburoto na si alien dahil wala pa ako.

"Pau!" Mula sa aking likuran nandoon si Ouen.

Lumingon ako at hinintay ang kaniyang sasabihin.

"Are you free today? Isasama na sana  kita now. Si Mira kasi gising na."

Naexcite ako sa sinabi niya kaya lumapit ako ng bahagya sa kaniya.

"Talaga? Gusto ko mang sumama sa'yo ngayon kaso may naghihintay sa akin e. Ahm, yayayain ko nalang si Brad na bumisita kay Mira." Nakangiti kong saad.

Nakita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha nang tumanggi ako sa pagsama sa kaniya.
Ngumuso ako dahil wala naman akong masabi.

"Ganito na lang, susunod na lang ako doon. Magpapaalam muna ako." Sabi ko.

"No, ako na magpapaalam kay Brad. Sumama ka na sa akin." Sabi niya at hinawakan ang aking braso.

"Teka nga ha, napaka weird mo naman ngayon. Para ilang minuto lang e." Sabi ko at pinipilit na alisin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Paula, I am telling you. Pagsisisihan mo kapag tumuloy kapa sa pupuntahan mo."

Binawi ko ang aking braso at tinalikuran na siya.
Ano bang pinagsasabi nun.

Naglalakad na ako patungo sa flag pole nang madatnan ko ang mga estudyanteng kumpol kumpol.
Ano namang meron? Sinikap kong makalapit sa harapan hanggang sa magtama ang mata namin ni Miley.

Nginitian niya ako. "There you are, what took you so long?" Tanong niya sa akin saka ako hinatak papunta sa gitna at harapan ng mga tao.

"So, our main character is already here. Let's start?" Sabi niya habang hawak ang aking kamay.

"Anong meron?" Tanong ko.

"This is Paula, my boy friend's cousin. No, let me rephrase it; my ex boy friend's cousin." Pakilala niya sa akin.

Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin.
Para saan ba at nandito kami?

"Akala ko ba nandito si Brad?" Bulong ko sa kaniya.

"Oh, speaking of Brad. Well, let's straight to the point; this girl seduced her cousin which is Brad." Sabi nito at pahigpit na ng pahigpit ang hawak niya sa akin.

"Miley, ano 'to?"

Hindi niya ako sinagot kahit na tapunan man ng tingin.
Mga nakaharap na estudyante ay nag umpisa ng magbulungan.

"Omg, why did she do that? Maybe because hindi naman talaga niya pinsan si Brad. Dahil isa siyang katulong, personal alalay at alipin ni Brad. Nagtatago siya sa isang napakagandang maskara, where the truth is isa siyang promdi na malandi na walang laman ang utak at walang alam kung hindi manulot ng boy friend." Mahaba niyang pahayag.

Naramdaman ko ang hiya, hiya na para bang isa akong kriminal, na para bang napakarumi kong babae, na para bang pumatay ng isang inosenteng tao.

Binawi ko ang aking braso.
"Oo, nagsinungaling ako, nagpanggap ako pero in the first place hindi ko gusto 'yun. Oo, tanga ako, bobo ako. Tanggap ko naman iyon at hindi mo naman kailangang ipangalandakan, pero to the point na sinasabihan mo akong malandi hindi ko matatanggap 'yun. Dahil unang una sa lahat, trabaho at pag-aaral ang ipinunta ko rito at hindi ko kasalanan kung bakit ka iniwan ni Brad!"

Ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Walang ibang magtatanggol sa akin dito kung hindi ang sarili ko lamang.

"Obviously, this girl is playing innocent." This time isa sa mga estudyante ang nagsalita.

"Tama, halata naman sa mukha niya na malandi siya."

"Probinsyana!"

"Feelingera!"

Gumawi ang tingin ko kay Miley na tuwang tuwa sa nakikita at naririnig niya ngayon.

"You slut, ikaw din pala ang babae ni Paulo!" Si Mia na sinugod ako ng sampal.

"Mag drop ka na!"

"Mahiya ka nga! Sinisira mo ang reputasyon ng school!"

"Utak probinsya, ugaling probinsya."

Hindi lang nila ako sinasaktan emotionally, even physically. Tulak doon tulak dito.
Nakayuko na lamang ako, hindi ako makasagot dahil nangingibabaw ang sakit sa aking nararamdaman.

Bawat taong nakikita ko, iisa lang ang ekspresyon. Diring diri sila sa akin.
Hindi ko na matiis ang sakit ng mga salitang ibinabato nila sa akin kaya naman tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon.

"Serves you right, malandi!"
Iyon ang huli kong narinig bago pa ako makalayo doon.

Malapit na akong makalabas ng gate nang may mabunggo ako.

"Paula? Ok ka lang?"
Si Paulo.

"Mukha ba akong ok?" Sabi ko at nilagpasan na siya.

Marahas kong pinunasan ang basa sa aking mukha. Konting konti nalang makakalabas na ako nang may humigit sa akin.

"Anong nangyare? Bakit ka umiiyak? Saka bakit dumudugo iyang labi mo?" Tanong nito.

"Bitawan mo nga ako, wala ka ng pake kahit na umiyak ako." Sabi ko at pilit na binabawi ang aking braso mula sa kaniya.

"Ano ba, Pau. Parang wala tayong pinagsamahan..--"

"Wala talaga, bitaw!" Singhal ko na sinunod naman niya.

Heto nanaman ako, naglalakad, mag-isa at hindi alam kung saan pupunta.
Tama si Ouen, dapat talaga sumama na lamang ako sa kaniya.

Mukha akong taong grasa na naiyak habang naglalakad sa gilid ng highway. Naramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi, hindi lang pala pumutok ang labi ko, maging ang pisngi ko ay may galos.

"Mama." Paulit ulit kong sinasabi iyon.
Para akong basang sisiw na uhugin at iyakin.

Habang naglalakad ako sa kawalan, may humarang na sasakyan sa aking harapan.

"Gago ba 'to? Kitang nag eemote ako haharangan ako sa daan. Nasa gilid naman ako ah." Ngawa ko.

Lalo akong naiyak nang lumabas ang kinaiinisan kong tao ngayon. Walang iba kung hindi si Brad.
Alalang alala itong lumapit sa akin.

"Fuck." Mura niya at kaagad na hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Nililibot ng mata niya ang bawat sulok ng aking mukha.
Naiinis ako sa kaniya, siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.

Inirapan ko siya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi.

"Kasalanan mo 'to. Dapat pinigilan mong magkagusto sa akin. Dapat hindi mo hiniwalayan si Miley." Sabi ko at muling pinunasan ang aking pisngi.

Marahan niya akong hinila at ikinulong sa kaniyang bisig.
Ang asim niya kaya lalo akong naiiyak.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon