Kabanata 27

1.1K 21 23
                                    

"Ako na ang bahala sa kaniya." Naka hinga ako ng maluwag nang marinig ko ang nakaka in love na boses ni Ouen mula sa aking likod.

Wala ng sinabi 'yung guwardya at hinayaan na kaming makapasok ni Ouen sa loob ng eskwelahan.

"Alam mo bang may parusa ang paglabag sa utos ng paaralan?" sabi nito habang naglalakad kami.

"Whoever student or even the 'Student Body President' can be punish once you disobey the rules in school." Naka ngiti pa nitong sabi.

Nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang sa i-translate niya 'yung mga pinagsasabi niya.
"Ang ibig kong sabihin, kahit sinong estudyante maging ako ay allowed tumanggap ng punishment kapag sinuway mo ang rules and regulations ng school." Napakamot naman ako ng ulo.

"Eh kasi naman, nasa kotse ni Brad 'yung I.D ko. Hindi naman kami nagsabay sa pagpasok kaya hindi ko iyon suot." Pagdadahilan ko. Totoo naman e! /nagpabebe/

Huminto ito sa paglalakad at ginulo ang aking buhok. Tinapik ko naman ito at inayos ang aking precious hair na kasing ganda ng buhok ni Rapunzel. Pak!

"Bakit ka huminto?" tanong ko.

"Andyan ka na sa building mo." Sagot niya.
"Nga pala, may ibibigay ako sa'yo mamayang lunch." Ngiting sabi niya saka na naglakad.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at kumaway na nang maglakad na siya palayo. Patungo ako sa class room ko nang may maaninag akong pamilyar na mukha sa class room nina Brad.

"Paulo."

Nawala nanaman ako sa sarili ko kaya napa tunganga ako sa pintuang medyo naka bukas. Akmang titingin na ito sa akin nang may humatak sa aking kamay papasok ng class room. At si Mira iyon.

"Madaya ka talaga! Hindi ka na bumalik kahapon at nag absent ka pa!" singhal niya sa akin.

"S-si Paulo 'yun." Wala sa sarili kong nasabi saka dali-daling lumabas at sinubukang pihitin ang door knob ng pintuan sa kabilang class room. Hindi ko ito nabuksan, siguro'y ini-lock na.

"Paulo nanaman?!" naka ngusong sabi ni Mira.

"N-nakita ko siya! Dito sa class room ni Brad! Hindi ako pwedeng magkamali!" sabi ko na may kalakasan ang aking boses.

"Why are you shouting miss? Mukhang nakakalimutan mo na right now, class is on going. It's class hours, dapat ay nasa loob na kayo ng class room ninyo." Sabi ng isang matandang babae.

"Good morning Ms. Jaca, Mrs. Payumo is still not inside of our class room." Sagot naman ni Mira sa kaniya.

"With or without, you must stay inside your respective room. The both of you might disturb other classes." Sabi ni Ms. Jaca na pinandidilatan pa kami ng mata.

Pumasok kami ng class room na lutang parin ang aking isip. Dumating na si Mrs. Payumo, lutang parin ako. Sumunod na ang second subject namin, lutang parin ako. Hanggang sa mag 10 minutes break kami, LUTANG PARIN AKO!

"I hate it when you act like that. You look stupid." Naiinis na sabi ni Mira.
"Hindi ka pa nga nakakabawi sa akin mula noong Monday tas ganiyan ka pa the whole morning!" dagdag niya at marahas na ibinaba sa table 'yung juice na hawak niya.

"Sorry, iniisip ko lang si Paulo."

"Paulo nanaman! Para matahimik 'yang isip mo, pupunta ulit tayo dun sa class room ni kuya Brad." Sabi niya at sumandal sa kaniyang upuan. Pero ilang sandali lamang ay umayos ng upo si Mira.

"Hi kuya!" Lumingon ako upang makita kung sino ang binati nito. Si Ouen pala. Napa ayos din tuloy ako ng upo.

"Anong pinag-uusapan niyo ha? Ako ba?" naka ngiting bungad nito sa amin at umupo sa aking tabi.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now