Kabanata 13

1.4K 35 6
                                    


PLUG: MR. PERFECT PROFESSOR

-----------

"HOY RETARD!"

"Ano nanaman ha?" mataray kong sagot.
"'tong toothpick na 'to panira." Bulong ko.

Naka kunot noo siyang lumapit sa akin...—ay joke kay Ouen pala. Kinuha niya si Sese sa kaniya tas tinalikuran na kami.

"Sumunod ka na." utos ni Brad.

Nagulat pa nga si Ouen nang makita niyang nakahawak parin siya sa kamay ko.

"Ay sorry. Sige, bye see you when I see you." Naka ngiti niyang saad.

Nginitian ko naman siya saka na kumaway. Pumasok na ako sa kotse at iniunan ko sa aking mga hita si Sese.

"Ang tagal kong naghihintay nakikipag landian ka lang pala." sabi ni Brad nang mag-umpisa na itong mag drive.

"Hindi naman ako nakipag landian. Sinamahan niya kami makalabas." Sagot ko.

"Makalabas? Ganun ka na ba talaga katanga para hindi mahanap 'yung exit?" sabi niya habang pailing-iling pa.

Humugot ako ng isang napaka lalim na hininga.

"Oo. Ganun ako KATANGA." Sabi ko at diniinan 'yung salitang katanga.
"Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong mundo."

"Saan ka ba galing? Planet Pluto? Baka, hindi ka tao ah." Natatawa niyang sabi.

Hindi na lamang ako kumibo sa kaniyang mga pang-iinsulto. Lalo lang akong naiinis kapag pinapatulan ko siya. Bakit kaya hindi niya gayahin si Ouen? Napaka gentleman at napaka bait.

Pagdating namin sa bahay, agad kong kinarga itong si Sese at inihiga doon sa kama ni Brad.

"Hoy, bakit doon mo pinahiga 'yon ha?"

"Hindi ko alam kwarto niya. Gusto ko ng magpahinga kasi ilang oras kami lakad ng lakad sa mall na 'yun at hindi namin mahanap 'yung gustong puntahan ni Sese. Pagkatapos isang oras na lakaran nanaman idagdag mo pa na karga karga ko itong si Sese habang naghahanap ng labasan. Kasi nga TANGA ako diba? Kaya, ikaw na bahala sa kaniya."

Hindi naman na niya ako pinigilan nang lumabas na ako sa kwarto ni Brad. Ay sayang naman. Akala ko pipigilan niya ako tas sasabihin niyang...

"Sorry ha, Pau. Hindi ko kasi alam na ganoon ka pala kapagod. Pasensya sa mga nasabi ko." tas with kiss sa noo. Oh pak! Day dream nanaman lola niyo.

Napa iling ako nang mahiga na ako sa kama ko. Bigla kong naalala 'yung paghawak ni Ouen sa kamay ko. Muntik na nga akong manigas kanina e.

"Kyaaaah ~" sigaw ko habang nagpagulong gulong sa aking kama.

*knock knock*
Kinikilig ako oh?! Tas biglang may kakatok?! Knock knock pa usto! Letse sayawan ko kayo ng knock knock ng Twice e. qiqil niyo q!

Naka simangot akong tumayo at binuksan ang aking pintuan. Bumungad sa labas si Sese.

"Bakit? Gusto ko na matulog, magpatulog ka naman." Sabi ko rito.

Hindi niya ako sinagot kundi, dumeretso siya sa aking kama.

"Hoy, hoy, teka... anong ginagawa mo diyan?"

Palapit palang ako sa kaniya nang bumukas ang pintuan ko. Si Brad.

"Sese, what are you doing there?" – Brad.

"I wanna sleep here with noona. Ayaw kitang katabi!"

Tama ba 'yung narinig ko? Lakas ng tama netong batang 'to sakin.

"Narinig mo ang bata, ayaw niyang may katabing toothpick. Ako na bahala sa kaniya." Magmamataray ko saka na siya tinalikuran.

Alipin with BenefitsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang