KABANATA 40

4.3K 143 10
                                    

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ko nalang si Azi sa gusto niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil sa kanya sa katotohanang kasama at katabi ko siya ngayon habang naglalakad sa gabi ng dilim. Naalala ko na naman yung gabing nandito kami sa may dagat at kung saan ko siya ipinagtabuyan at nasaktan ko siya ng sobra.

Ngayon ay nandito na naman kami sa may dagat, tahimik at nakapamulsa siyang naglalakad habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Malalim na rin ang gabi at iilan nalang ang tao, maganda rin ang simoy ng hangin dahil malamig isabay mo pa yung bilog na buwan na kitang-kita at yung mga alon na maganda sa pandinig.

Natatakot ako't kinakabahan kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya at kung sasabihin ko ba ang ginawa sa akin ni Lei.. Para saan pa nga ba kung sasabihin ko ang ginawa sa akin ni Lei eh siya na nga mismo ang may sabi na sasaktan lang ako ni Lei. Sa totoo lang nahihiya ako kay Azi pero nandito pa rin siya ngayon kasama ko..

"Araay--" napahawak nalang ako sa ulo ko ng mabangga ko pala siya dahil huminto siya.

Kunot noo lang siyang tumingin sa akin habang ako naman ay medyo naiilang.

"Ano bang iniisip mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kinakabahan talaga ako sa seryosong tingin niya nakakatakot kase e parang dragon na handang lumamon ano mang oras.

"W-wala.."

"May gusto ka ba sa tauhan ko?"

dO___ob

"Si David?? Hindi no! Magkaibigan lang kami.."

Nginisihan niya lang ako.

"Defensive? Tss."

"Totoo naman kase e." napapahiyang sabi ko.

"Sumunod ka sa akin."

dO___ob

"S-saan??" hindi na niya ako pinansin bagkus ay dumiretso siya sa may gilid at doon umupo sa harap ng dagat. Sinundan ko nalang siya at ginaya siyang maki-upo.

Nahihiya akong kausapin siya sa totoo lang dahil hindi ko alam kung papansinin niya pa ako sa kabila ng lahat ng nagawa ko. Tulad ng sinabi niya siguro nga ay tatawanan niya lang ako sa oras na lumapit ako sa kanya at sabihin ang mga hinaing ko dahil hindi ako nakinig sa kanya.

"Azi.." mahinang sabi ko.

Hindi siya lumingon sa akin bagkus ay diretso lamang itong nakatingin sa mga alon kaya mas lalo akong kinabahan magsalita. Gusto ko siyang kausapin at gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga nasabi't nagawa ko at isa pa gusto kong pag-usapan ang isyu ukol kay David.

"Sorry.." senserong sabi ko habang nakatingin sa side view niyang mukha. Seryoso siya kaya kitang-kita ko ang napakagwapong hugis ng kanyang mukha. Matangos na ilong, mahabang pelikmata, kissable lips at medyo may kapakalan ng kilay.

"Azi hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sayo pagkatapos ng lahat ng ginawa ko kanina pero sana mapatawad mo ako.."

Hindi siya sumagot at nanatili lang tahimik kaya napaisip naman ako bigla saka naluha. Tila nanumbalik na naman ang lahat mula sa simula kung paano ako pinakitaan ng kabutihan ni Lei at kung paano niya ako samahan at ituring ay talagang hindi mo kakakitaan ng anumang bahid ng pagpapanggap. Ang sabi niya layuan ko na raw siya dahil ayaw niyang masira ang relasyon niya kay Chloe na siyang girlfriend niya. Bakit ba kasi ako umasa na magugustuhan ni Lei e wala naman ako sa paningin niya. Sana talaga naniwala nalang ako kay Azi nung una palang ang sakit kasi sobra e. Gusto kong sapakin si Lei sa ginawa niya sa akin kaso kahit nga makalapit ay hindi ko na magagawa..
.
Nayakap ko nalang ang sariling tuhod ko saka umiyak ng umiyak. Ang sakit-sakit sobra.. Crush ko lang naman si Lei pero kasi umasa ako e.

T________T

"Sinabihan na kita nung una palang diba?"

Mas lalo akong napaiyak ng magsalita si Azi.

"Azi.." umiiyak na sabi ko at di ko namalayan ay hinila pala niya ako niyakap ng mahigpit.

Napakahigpit..

Niyakap ko rin siya ng buong puso.

"Naalala mo ba ang sinabi ko na sa oras na saktan ka ni Lei ay babawiin kita? Heto na 'ko Sunshine.. Hinding-hindi kita sasaktan.. Hinding-hindi.."

Pagkasabing iyon ni Azi ay mas lalo akong napahagulgol saka mas lalong napahigpit ang pagyakap ko sa kanya at sa yakap na yun ay naramdaman ko nanaman yung pakiramdam na ligtas ako na sa kanya ko lang nararamdaman.

"Kung pwede ko lang kunin yang sakit na nararamdaman mo ginawa ko na."

T_________T

"Azi tulungan mo ko.."

Kinalas niya ako mula sa pagkakayakap saka diretsong tinitigan sa mata. Nanlalabo ang aking paningin dahil na rin sa luha pero kitang-kita ko pa rin siya at kung paano niya dahan-dahang nilapit ang aking mukha sa kanyang mukha saka ako hinalikan..

dO____ob

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now