KABANATA 70

2.7K 95 1
                                    

"Shitzu?? Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit ka naka-make up at sobrang kapal pa? Hindi kita namukhaan." namamangha pa ring sabi ko kaso inirapan lang niya ako.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya ako inirapan at bakit ang sungit ng mukha niya? At anong ginagawa niya dito?

"Shitzu bakit ka nandito? Mapangananib si David kaya bakit ka pa pumarito? Kung nandito ka para iligtas ako umalis kana!!" sigaw ko pero nanatili siyang naka-irap at masungit.

"Tanga ka ba? Sinong nagliligtas sa tulad mong panget at basura? Ako ililigtas ka? Boba!"

dO___ob

"Shitzu.. A-anong nangyari s-sa iyo.." utal kong sabi kaso nag flip lang siya ng buhok saka lumapit kay David at hinalikan ito.

dO___ob

Napakalalim ng halik nila at kulang nalang ay maghubad sila sa harap ko dahil sa tindi ng halikan nila. Napapikit nalang ako at hawak-hawak nila ang kanilang hininga ng maghiwalay sila.

Masama ang tingin kong tinignan sila.

"Shitzu bakit mo ginawa yun? Bakit mo hinalikan si David? Nahihibang ka na ba talaga ha?" nangagalaiting sigaw ko pero lumapit siya sa akin at sinampal ako ng malakas.

d>>__<<b

Pakiramdam ko bumaon ang palad niya sa mukha ko sa sobrang lakas ng pagkakasapak niya.

"Anong karapatan mong sabihin sa akin na nahihibang na ako? Sa ating dalawa ikaw ang nahihibang!!"

dO__ob

"Ano bang sinasabi mo Shitzu? Magkaibigan tayo diba? Bakit mo ginagawa ito? Shitzu hindi ikaw yan alam ko.. Hindi ka nakikipaghalikan sa mga lalaki dahil NBSB ka diba? Bakit mo hinalikan si David? Sumagot ka Shitzu!!"

"Boba!!" tapos sinampal niya ulit ako.

"Ex ko si David at hindi mo alam yun dahil nilalandi mo si Azi ko!! Walanghiya kang babae ka!! Akala ko kaibigan kita pero pati ba naman si Azi aagawin mo sa akin? Napakalandi mo talaga!! Una si Lei tapos ngayon naman si Azi? Sino pang isusunod mo? Si Zy Men? Si Mitsuwo??"

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Azi. Bigla nalang akong napaluha dahil hindi ko inaasahang may ganito palang saloobin si Shitzu sa akin at mas lalong hindi ko inaasahan na may nakaraan sila ni David. Bakit hindi ko man lang nalaman?

Ganun na ba ako katanga na ultimo kaibigan ko hindi ko na nahaharap?

T______T

Lumapit sa akin si Shitzu at sinabunutan ako. Napadaing ako sa sakit. "Nang dahil sayo nakaratay si Azi! Nang dahil sayo hindi niya ako napapansin at nang dahil sayo lagi nalang siyang napapahamak!! Bakit ba ikaw nalang lagi ang nakikita niya? Bakit kayo magkahawak ng kamay at bakit ka niya niyayakap? Anong gayuma ang ginamit mo sa kanya? Mas maganda naman ako sayo, sexy, at mayaman pa pero bakit puro ikaw nalang ang nakikita niya? Sana mamatay ka nalang!! Sana pala pinatay na kita noon pa lang dahil napakawala mong kwentang kaibigan!! Napakalandi mo!!" nangagalaiting sigaw niya saka ako sinampal kaliwat-kanan. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga at hihimatayin na ako sa lakas niyang sumampal. Naninikip na rin ang dibdib ko at hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman at nakikita ko.

Tumingin ako kay David kaso seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nagyo-yosi..

Ano bang nangyayari?

T______T

Sasabog na ang utak ko. Bakit si Shitzu pa?? Bakit ang kaibiga ko pa?

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now