KABANATA 94

3.5K 89 7
                                    

*ZXHE-ZXHE'S POV!*

Hinila ko agad si Azi mula kay Miguel nang makita ko silang magkaharap na naman habang ang isa ay galit. Ayokong madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Ayokong magbitaw ng masasakit na salita si Miguel laban kay Azi.

Ayoko.

"Get in!" maawtoridad na sabi ko sa kawawang Azi habang nakatayo sa harap ng kotse ko.

Tinignan niya ako ng may pag-alinlangan. Ayon sa kanyang reaksyon ay wala siyang balak na umalis sa lugar na 'to kung nasaan nandito si Sunshine. "Noona, but si Sunshine--"

"Get in!!" pagputol ko. Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan kami ng mga tao.

Maya-maya'y may lumapit sa aming isang babae. Maganda, mayaman at maputi. But hell I care? Bitch please!

Namamangha ang mata niyang tinignan ako paitaas pababa."Miss Zxhe-Zxhe is that you? Omy God!! It's a pleasure to see you." tuwang-tuwa pang aniya. Napatingin naman siya kay Azi. "You catch my attention kasi mukhang nakikipagtalo ka dito sa..." muli niyang tinignan paitaas pababa si Azi. "Basura! Mukha siyang masamang loob at kidnaper!! Sinaktan ka ba niya? Napakapanget niya!! Gusto mo ba isumbong ko siya kay Azi?? Ate you need help. Don't lapit-lapit to that basurero baka marumihan ka." lumapit siya sa akin at niyakap ako sa braso. Nangunot naman agad ang noo ko. Hindi ba niya alam kung sino ang kinakausap niya't nilalait niya?

d>>_<<b

Sa inis ko ay binali ko ang kamay niya. Agad siyang napainda sa sakit ng tinamo. Ang lahat naman ay nagbulungan ngunit wala akong pakealam. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nilalait ang mga kapatid ko lalo na si Azi.

Lumapit ako sa kanyang tenga habang hawak pa rin ang kamay niyang naka-ikot. "Sa susunod na laitin mo itong kapatid ko, magkita tayo sa impyerno." banta ko saka ko siya tinadyakan sa likod hanggang sa gumulong-gulong siya sa papunta sa napakaraming mga tao.

Hindi ako makakapagtimpi kapag ganito ang sitwasyon kaya naman pwersahan kong isinakay si Azi sa sasakyan.

"Dapat hindi mo na ginawa iyon."

Napahawak ako lalo sa manibela ng sasakyan ko nang sabihin iyon ni Azi.

"Kung hindi ka lalaban, ako ang lalaban para sa'yo." seryosong sabi ko.

"Wala tayong kalaban, noona."

dO___ob

Eh??

Binatukan ko nga siya.

"Aray! Zxhe-Zxhe inaano ka ba?" inis na sabi niya sabay hawak sa ulo at tanaw sa labas.

"Sira na talaga ang ulo mo!" inis na sabi ko.

"Wala iyong utak ko e. Hawak ng taong hindi ako maalala."

dO___ob

Naninikip na naman anh dibdib ko't heto na naman ako. Nararamdaman ko na naman ang matinding emosyong pinagdadaanan niya.

"Azi," mahinang sambit ko.

Bigla naman siyang napaiyak na para bang isang bata. May pa hikbi-hikbi pa.

"Noona e. Si Sunshine na nga lang ang meron ako tapos hindi pa ako maalala? How is that? Ang sakit noona. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko't hindi na ako makahinga. Wala na si Lei pati ba naman si Sunshine? Hindi pa nga naiibsan 'yung sakit sa pagkamatay ni Lei tapos si Sunshine naman unti-unti akong pinapatay! Napakasakit." emosyonal na sabi niya saka napasandal sa kotse at napapikit.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now