KABANATA 66

3.2K 98 13
                                    

"Paano mo nagawa ito? Anong dahilan?" dagdag ko at talagang hindi ko maiwasang umiyak. Hinaplos niya ang pisnge ko ngunit umiwas ako kaya tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo.

Napaubo ako agad ng maamoy ko ang usok non.

Ang daming katanungang tumatakbo sa isip ko ngayon. Una kung BAKIT BUHAY SIYA at paanong nangyari yun kung nakalibing naman na siya. Sino ang nakalibing sa sementeryong pinuntahan ko kung pangalan niya ang naka-ukit roon??

d>>_<<b

"Paano David?? Bakit??" sunod sunod na tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tinigil ang paninigarilyo.

"Labas muna kayo. Tawagin niyo ko kapag parating na siya." utos niya sa mga tauhan niyang sumunod naman.

"Sige boss. Makakaganti na rin kami kay Azi."

dO__ob

Pati mga tauhan niya ay may galit kay Azi??

"David ano ba? Pakawalan mo ko dito! Ano bang balak niyo kay Azi ah? Anong higanti?? David sumagot ka!!" sigaw ko na halos maputol na ang litid.

Umikot-ikot siya at tila ba may malalim na iniisip.

"Magkaibigan kami ni Azi noon."

dO___ob

Magkaibigan?? Pero bakit Master Azi ang tawag niya sa kanya? Bakit hindi nila naikwento sa akin na ay nakaraan sila??

Hindi na ako nagsalita at pinakinggan ko nalang siya.

"Tulad ng F4 mayaman rin kami. Hindi nga lang singyaman ng sa pamilya ni Azi. Sino nga bang makakapantay sa yaman nila? Wala. Mayaman na kami para sa iba. Kumikita kami ng isang bilyon kada oras ngunit barya pa rin yun para sa pamilya nila Azi. Sobrang yaman nila na ultimo pati buhay kaya nilang bilhin o bayaran. Nakilala ko si Azi nang makauwi siya dito sa Pilipinas kasama ang chairman. Magkasosyo ang mga pamilya namin at doon kami naging magkaibigan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang makipagnegosiciate dahil hawak naman na nila ang mundo pero ginawa pa rin nila. Siguro ay para sa iba't-ibang panig lang ng mundo kung saan may ari-arian sila. Magkaibigan kami ni Azi na ultimo naging kapatid ko na rin pati si Lei pero isang araw nalugi ang kompanya namin.. Nabaon sa utang ang pamilya namin sa pamilya nila. Nagmakaawa ang Mommy at Daddy ko pero hindi sila pinakinggan ng magulang ni Azi lalo na ang mommy at chairman niya. Nabaon sila sa utang na ultimo lahat nalang ng meron kami binigay namin sa kanila ngunit hindi pa rin sapat hanggang sa lumapit na ako kay Azi para humingi ng tulong kaso hindi ko na siya nakita. Hindi na siya nagpakita at hindi ko alam kung nasaan na siya nung mga oras na iyon, ang alam ko lang.. Pinabayaan niya ako. Pinabayaan niya ang kaibigan niyang itinuring siyang kaibigan. Matapos non pinatay nila ang daddy ko at ang mommy ko naman ay nakaranas ng depresyon which lead her to commit suicide. Sobra akong nanlumo at naging kawawa nung mga panahon na iyon. Doon namuo ang matinding galit ko kay Azi at lalong lalo sa pamilya niya. Hanggang sa nakupkop ako ng tatay ko ngayon. Siya ang nag aruga at nag-alaga sa akin at sinabi nga niyang sa pamilya siya nila Azi nagta-trabaho. Nagkaroon ako ng tyansa para makapasok sa buhay nila at sakto ngang isang araw na dumalaw ako sa shop ni Azi nasaksihan ko siya don kung paano itulak at apihin ng chairman ang tatay ko. Ang kaisa-isang kumupkop sa akin ay pinapahirapan ng matandang iyon. Nalaman kong hindi nasweswelduhan si tatay dahil na rin sa sakit niya na nakuha niya rin mismo sa pagtatrabaho. Pinagbubuhat siya ng mabibigat at hindi normal para sa isang matanda. Naubos ang sweldo niya sa pambili palang ng gamot hanggang sa nabaon siya sa utang. Sobrang hindi na nakayanan ng tatay ko iyon at umiiyak nalang siya sa isang tabi kaya napagdesisyunan kong tumigil sa pag-aaral at ako nalang ang magpatuloy sa trabaho niya pero lingid sa kaalaman ng tatay na pinaplano ko na kung paano ako kikilos para makapaghiganti. Makapaghiganti sa ginawa nila sa magulang ko, sa akin at sa tatay ko. Hanggang sa isang araw napadpad ka sa shop.. Doon ako nabighani sayo dahil napakasimple mo kaya pinangarap kong alagaan ka kaso hindi ko naman alam na may gusto pala si Azi sayo. Nang magkita kami ni Azi sa shop niya noon ay naging cold na siya na para bang ako ang may malaking kasalanan sa kanya kaya simula nun itinuring ko nalang siyang amo. Master Azi ang tawag ko sa kanya dahil kinalimutan ko nang naging magka-ibigan kami. Nung sinapak niya ako damang-dama ko ang galit niya at alam kong mahal na mahal ka niya talaga kaya yun na ang nakita kong napakagandang paraan para saktan siya kase alam ko walang-wala sa kanya ang mga pasa, bugbog sapak o kahit ano pa. Halimaw si Azi pagdating dyan kaya naisip kong gamitin ka. Mahal kita Sunshine pero hindi mo alam yun kaya kung sasama sa akin ay itatakas kita dito."

dO__Ob

*LUNOK!*

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o di kaya'y may kailangan pa ba akong sabihin. Hindi ko inaasahang may ganito siyang past. Kaya pala ganun nalang ang galit niya nang makita niya ang chairman sa hospital. May matinding galit pala si David sa pamilya ni Azi na halos mapatay na niya ang chairman kakasapak.

d>_<b

Bakit ganito? Galit ako sa kanya nang malamang siya ang sumagasa kay Azi pero nang sinabi niya ang dahilan ay tila napalitan ito ng awa.

Ibig sabihin hindi tunay na tatay ni David ang maysakit na inuuwian niya dahil mayaman talaga siya? Kumikita sila ng isang bilyon kada oras pero barya lang kila Azi yun at dati rin silang magkaibigan. Paanong natago nila yun nang hindi man lang nahahalata?? At bakit tinalikuran ni Azi si David nung panahong kailangan niya ito?

Hindi ko masisisi si David pero hindi tama ang pamamaraan niya para manakit at maghiganti. May tamang proseso dyan. Hindi na rin ako magtataka kung siya ang--

"Ako ang naglagay ng hellcome note sa noo ni Azi.. At ako ang pumana sa mga taong nananakit sayo Sunshine."

dO__ob

Tama nga ako siya yun. Kaya pala may pareng Azi na nakalagay dahil dati silang magka-ibigan pero ang pumana siya rin ang may gawa?? Siya ang nagligtas sa akin?? Kaya pala nang magtama ang mga paningin namin ay may kakaiba akong naramdaman. Parang nakita ko na siya at kilala.

"David hindi mo kailangang maghiganti.." pagmamakaawang sabi ko.

"Hindi mo ko masisisi Sunshine. Dalawang pamilya ko na ang sinira nila at pati buhay ko."

Tinitigan ko lang siya sa mata at ramdam ko ang emosyon niya. Pero ang malaking katanungan na tumatakbo sa isip ko ay bakit buhay siya? Sino ang namatay? Sino ang nakaburol? At bakit siya may tattoo sa likod ng tenga?

"David akala ko patay ka na.."

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Patay??" kunot noong tanong niya.

"Oo akala ko pinapatay ka ng chairman dahil halos mapatay mo na siya."

Nanatili siyang nakatayo at tila ninamnam ang sinabi ko.

"Ang sabi nang pumunta ako sa inyo ay nailibing kana kaya kita pinuntahan sa sementeryo at pangalan mo talaga ang nakalagay at kung buhay ka nga bakit hindi ka nagpapakita sa akin?"

Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

"Tatay ko ang namatay Sunshine. Namatay siya nung gabing hindi agad ako nakauwi dahil sinapak ko ni Azi kung saan nakita niya tayong magkayakap. Namatay siya nung araw na yon kaya ganon nalang ang kalala ang galit ko sa matandang lolo niya nang magkita kami."

dO__ob

"Ibig sabihin.."

"Ipinangalan ako ng tatay ko sa pangalan niyang David."

dO__ob

*LUNOK!*

Para akong binambo sa narinig ko.

"Hindi ako nagpakita sayo dahil nasa puntod ako ng tatay ko at naghahanda para sa pagbabalik ko. Nagtatrabaho lang naman ako sa shop ni Azi dahil doon siya nagtatrabaho pero ngayon wala na. Wala nang dahilan--bukod sayo."

Ibig sabihin kaya pala sinabihan akong bastos ng matandang napagtanungan ko nang pumunta ako sa address nila David dahil ang alam niyang David na tinutukoy ko ay yung matandang tatay ni David na David rin ang pangalan.

d>>_<<b

Bakit hindi ko man lang nakita ang petsa sa nitsu? Hindi ko naisip yun!

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now