KABANATA 46

3.4K 111 6
                                    

Agad akong lumapit kay David ng makitang mugtong-mugto na talaga ang mata niya marahil ay dala ng kaiiyak.

"David!" pagtawag ko. Lumapit ako sa kanya at nagulat siya marahil ay hindi niya inaasahang makikita ako dito na kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito.

Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap ng mahigpit na para bang wala ng bukas at mamamatay na siya.

Napahagulgol siya ng iyak kaya hinayaan ko lang siya.

"David kung ano man yang dinadala mo nandito lang ako.." malungkot na sabi ko dahil ramdam na ramdam ko ang emosyon.

"Sunshine ang sakit.." umiiyak pa ring sabi niya at aaminin ko nasasaktan ako.

"David handa akong samahan ka kung ano man yang problemang dinadala mo.."

Pagkasabi kong iyon ay mas lalong lumakas ang pagkaka-iyak niya sa aking balikat. Pinaupo ko muna siya at isinandal ko siya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"David.. Ayos ka lang ba??"

"S-sunshine.. G-gusto ko n-na mamatay.."

dO___ob

"David naman! Wag ka ngang magsabi ng ganyan! Alam mo bang marami ang gusto pang lumaban at mabuhay tapos ikaw sasayangin mo lang? Wala namang ganyanan David! Kung ano man ang problema mo ay masusolusyunan mo yan kaya wag kang susuko ha? Nandito lang ako. Hindi ba magkaibigan tayo? Hindi kita iiwan David.."

Napatingin siya sa mga mata ko at ngayon ay kitang-kita ko ang mapupungay niyang mata na para bang isang adik dahil sa pula at pagkamugto niyon. Ngayon ay nawawala na ang maamo at gwapong David na nakilala ko dahil mukha siyang kawawa at talunan dahil sa hitsura niya. Kung titignan siyang mabuti ay talagang kalunos-lunos.

"David maaari ko bang malaman kung bakit ka umiiyak??" tanong ko ngunit umiwas lang siya ng tingin saka nagpunas ng luha.

"Pero kung hindi pwede ay sige lang naiintindihan ko." dagdag ko.

"Hindi pa ako handa Sunshine.."

dO___ob

Napayuko nalang ako at maya-maya ay sumandal ulit siya sa balikat ko kaya hinayaan ko nalang.

"Sunshine pwede ba kitang tanungin?"

dO__ob

Eh? Nagtatanong na nga siya.

d-,--b

"S-sige.." tanging nasabi ko nalang.

"Paano kung isang araw yung masasaya niyong araw bigla nalang naging mapuot?"

dO___ob

Mukhang alam ko na kung bakit siya umiiyak.

Dahil sa isang babae.

Hindi na muna ako nagsalita.

"Ang sakit maiwan sa mundong sabay niyong binuo."

Nakita ko na namang nagbabadya ang kanyang mga luha kaya agad ko siyang hinaplos sa balikat.

"Mahal na mahal ko siya pero bakit ganun nalang kadali para sa isang tao na ipagkait siya sa akin? Ano bang kasalanan ko? Naging mabuti naman ako a. Lahat ng gusto niya ay sinusunod ko kahit nahihirapan na ako at kahit maging kuba pa. Lahat sinunod ko at hindi ako nagreklamo pero bakit ganun? Ang sakit.. Ipinagkait niya ang nararapat sa akin."

dO__ob

Ganun ba niya kamahal yung babae? Ang tanga niya kung ganon. Mabait si David at masipag pa bonus pa ang pagiging gwapo niya at mapagmahal sa pamilya kaya hindi siya nararapat na masaktan. Naalala ko na naman tuloy si kuya. Asan na ba kase yun? Miss na miss ko na siya.. Hindi ko man masyadong maalala ang kanyang mukha ay hindi pa rin siya maalis sa aking puso.. Si David kaya?? Iba talaga pakiramdam ko sa kanya.. Nakikita ko sa kanya ang kuya ko tuwing nakakasama ko siya.

"David tagasaan ka?"

Hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun basta bigla nalang lumabas sa aking bibig. Tinignan niya ako at akala ko hindi siya sasagot pero sumagot pa rin siya.

"Ang totoo niyan hindi ko alam Sunshine."

dO_ob

Hindi niya alam?

"Ang sabi ng tatay ko ay naaksidente raw ako bago niya ako nakuha.. Hindi ko siya totoong tatay pero mahal na mahal niya ako kaya mahal na mahal ko rin siya. Bago raw niya ako makuha ay halos mamatay na ako dahil wala ni isa ang may lakas loob na tumulong sa akin pero dumating siya at sinagip ko at pagkatapos non wala na akong maalala."

dO_ob

*LUNOK!!*

"Bakit Sunshine??"

"Ha?? Eh.. Wala.." palusot ko.

Ibig sabihin hindi niya totoong tatay ang tatay niya ngayon na pinagta-trabauhan niya para sa pamilya ni Azi??

Napakabuti niya kung sa ganon. Maya-maya ay tumayo siya. "Tara Sunshine."

dO__ob

"Saan??"

"Dadalhin kita sa kanya para makilala mo na siya." nakangiti ngunit bakas sa tono ang lungkot. Wala rin naman akong mapuntahan dahil ayokong makita muna si Azi dahil baka pag-initan na naman ako nila Samantha kaya tumango nalang ako bilang pagsagot pero biglang lumakas ang kabog ng puso ko ng makatayo na ako. Parang may mali at ang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan isabay mo pa yung ambulansya na dumaan sa may kalsadang nasa harap lamang namin kung saan kami nakapwesto ni David.

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*Ring!*Ring!*Ring!*

dO__ob

Kabado kong kinapa ang aking cellphone at sinagot ang tawag na iyon kahit walang pangalan at numero lamang.

Nakatingin lang sa akin si David.

[H-hello??] pagsagot ko sa tawag habang kinakabahan pa rin.

[SUNSHINE! Si Azi!!]

dO__ob

Azi?? Si Mitsuwo ba to?? Umiiyak ba siya? Anong nangyari? Kinakabahan ako.

d>_<b

[Anong nangyari?] kabadong tanong ko.

[SI AZI NASAGASAAN NG TRUCK!]

dO___ob

"Sunshine.. K-kasama k-ko s-siya ngayon dito sa Ambulansya.. Sunshine si Azi.. Wala na.."

dO___ob

Sunshine si Azi.. Wala na..

Sunshine si Azi.. Wala na..

Wala na..

T_________T

Hindi to totoo diba??

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now