KABANATA 28

4.5K 133 2
                                    

Pagkasabi kong iyon ay umalis si Azi at kung tama ang nakita ko ay naiiyak siya. Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Lei.

"Hayaan mo muna siya Sunshine."

Sinunod ko nalang siya at hindi na ako sumunod. Sina Mitsuwo at Zy Men naman ay iiling-iling na tumingin kay Azi na para bang isang malaking kasalanan ang nagawa nito.

"Wala ka dre!" sumbat ni Mitsuwo bago umalis kasabay non si Zy Men.

Naiwan kami nila Lei dito sa loob at nanlumo akong napayuko. Bigla nalang ako napaiyak ng hindi ko inaasahan. Ang sakit kasi sobra, hindi ko naman gustong sabihin kay Azi yun. Hindi ko sinasadya at nadala lamang ako ng aking emosyon.

"Tahan na Sunshine. Nandito lang ako." sabi ni Lei na niyakap ako. Sa totoo lang sa yakap na yun hindi ko naramdaman yung spark na gusto kong maramdaman sa kanya, hindi ganito yung inaasahan ko pero siguro dahil lang to sa mga nangyari kaya hindi ko maramdaman yung spark.

Matapos non ay nagpaalam na si Shitzu na uuwi nalang dahil wala na raw siya sa mood mag-aral, pumayag naman ako dahil kahit sino talaga ay mato-trauma. Hinatid namin siya ni Lei hanggang sa bahay nila at pagkatapos ay lumabas kami para tumambay sa isang cafeteria.

"Sunshine okay ka lang ba?" nag-angat ako ng tingin ng sabihin iyon ni Lei.

Huminga muna ako ng napakalalim. "Pakiramdam ko nasaktan ko si Azi, Lei. Ano bang ginawa ko? Bakit parang ako ang lumalabas na kontra bida?"

"Sunshine wala kang kasalanan. Nagkataon lang na sa dinarami-rami ng tao sa mundo, may mga nag-eexist pa rin talaga na hindi siya gusto at ikaw yun kaya ako naging interesado sa iyo Sunshine."

dO____ob

"Kahit saan kami magpunta si Azi na talaga ang habulin ng babae kaso nga lang wala siyang gusto o sineryoso ni isa kaya nakakagulat na may tulad mo na hindi man lang siya hinahabol kahit siya pa ang lumalapit. Alam mo bang sa tagal ng panahon na magkasama kami walang babaeng pinakilala sa amin yan? Kaya nakakagulat talaga na dinala ka niya sa bahay at pinaglaban sa harap ni lolo. Alam mo si Azi gago 'yan e. Sobrang gago niya pero nung mga nakaraang taon na umuuwi siya sa Pilipinas ay seryoso na siya at palaging may lakad, may kikitain daw pero ang totoo wala naman. Sa palagay ko may binabantayan siya noon pa at yun ang hindi ko alam, at sa palagay ko ulit babae yun dahil hindi naman umuuwi si Azi sa Pilipinas nang walang dahilan at isa pa ayaw na ayaw non lumabas sa mansion kaya nakakapagtaka. Kung sino man ang dahilan o ang taong iyon ay gusto ko siyang makilala kaya kita nilalayo kay Azi."

dO_____ob

"Alam ko hindi ikaw ang mahal ni Azi at ngayon lang 'to. Natatakot ako na dumating yung araw na makilala niya ang babaeng matagal na niyang binabantayan at baka mabalewala ka nalang pagdating ng araw."

dO____ob

"Lei.." mahinang sambit ko.

"Sunshine kung iniisip mo na inaagaw kita kay Azi nagkakamali ka. Inilalayo lang kita sa kanya kase alam ko ikaw ang masasaktan pagdating ng panahon kaya hanggat maaga ii-iwas na kita sa kanya."

"Lei, hindi ko gusto si Azi.."

"Yun nga Sunshine e. Hindi mo gusto si Azi pero sa mga ipinakikita niya hindi imposibleng mahulog ka kaya hanggat maaga umiwas ka dahil bilang nalang ang mga tulad niyong babae na hindi naghahabol sa lalaki. Wala akong pake sa sasabihin ni o ang tropa basta ang mahalaga mailayo kita sa kanya dahil iyon nalang ang alam kong paraan para tigilan ka niya. Naalala mo sa mansion? Kaya ako masungit sayo dahil ayokong mapalagay si Azi na okay lang sa akin ang lahat kase alam kong hindi. Paglalaruan ka lang niya kaya kahit ako na ang magsakripisyo 'wag ka lang."

Sa sinabing iyon ni Lei ay mas lalo akong naliwanagan at mas lalo akong nahulog sa kanya. Ibig sabihin ayaw niya pala akong mapasama at wala siyang balak na masama sa akin tulad ng iniisip ni Lei. Pakiramdam ko gumaan ang loob ko dahil may isang taong nag-aalala sa buhay ko. Salamat Lei.

Todo na ang ngiti ko sa sandaling ito kaso bigla ring napawi nang makita ko si Azi na papasok sa loob din ng cafeteria kasama ang isang babae.

Magandang babae at talagang napaka sexy!

d>>>_<<<b

Parang kumirot ang puso ko lalo na nang magtama ang aming mga mata kasabay non ang pag-akbay niya sa babae at inilahad ang daan papasok. Tama si Lei, sasaktan niya lang ako tulad ng inaasahan kaya mabuti na rin siguro 'to. Lalayuan ko na si Azi at kakalimutan ko na ang lahat ng samin mula nung nakilala ko siya.

"Yan ang fiancee ni Azi."

dO____ob

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu