KABANATA 54

3.4K 104 1
                                    

Ano kayang iniisip ni Azi at saan siya nanggaling??

"Lei are you alright?" lumapit si Samantha kay Lei.

Tanging tango lang ang nakuha niya bilang pagsagot.

Hindi pa nakontento si Samantha dahil inakbayan niya si Lei habang bahagyang nakayakap. Medyo nainis ako. Medyo lang naman kumpara kay Azi.. Mula nang mangyari yon si Azi nalang ang gusto kong makita kaya hindi na ako masyadong nasasaktan kay Lei.

Hinawakan ni Samantha si Lei sa balikat at pasimpleng idinidikit ang kanyang katawan sa katawan ni Lei lalo na ang boobs niya.

"What are you doing?" kunot noong tanong ni Lei na halatang naiinis.

Ngumisi lang si Samantha saka pumulupot ulit kay Lei na para bang isang ahas.

"Besides tulog naman si Azi.. Why don't we try?? I wanna try you Lei.. Hindi naman malalaman ni Azi e.. Let me change your mood." sabay halik niya kay Lei.

dO___ob

Gusto ko na sanang umalis kase alam kong bibigay rin yan si Lei kaso hindi dahil tinulak niya na para bang isang lalaki si Samantha kaya napasubsob siya sa sahig.

"Pwede ba? Hindi ka ba nahihiya kay Azi? Ang laswa mo! Mabuti nalang at hindi ikaw ang gusto ni Azi dahil kawawa lang siya sayo dahil isa kang malanding babae! At isa pa.. Wag na wag kang makadidikit-dikit sa akin kung gusto mo pang mabuhay dahil hindi ako pumapatol sa bitch!" sigaw ni Lei dahilan para matigilan si Samantha.

"Lei." mahinang sabi niya.

"LAYAS!!" sigaw ni Lei at talagang nakakatakot siya.

Aligagang lumabas si Samantha kasabay naman non ang pagpasok nila Mitsuwo at Zy Men.

"Oh Sam bakit ka umiiyak?" si Mitsuwo.

"Anong nangyari?" si Zy Men.

"I h-have t-to g-go." garalgal na sagot niya bago umalis.

Pumasok sila at naabutan nila si Lei na sapo-sapo naman ang mukha.

"Lei anong nangyari??" tanong ni Mitsuwo.

"Tangina nilalandi ako ni Samantha. Gusto ko sanang basagin ang mukha badtrip e." inis na sabi niya.

"Tsk. Sabi na nga ba." iiling-iling na sagot ni Zy Men.

"Oh e bakit sobrang badtrip mo naman ata?" dagdag ni Mitsuwo.

"Pare nakita ko siya.." hindi makapaniwalang sabi ni Lei.

"Sino??" sabay na tanong ng dalawa.

Tumingin si Lei sa mga mata nila.

"Ang bestfriend ko.."

dO__ob

Bestfriend?? Sino??

"Si--"

Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil bigla nalang may dumukot sa akin at tinakpan ang bibig ko palayo don.

d>>_<<b

Agad akong bumitaw para sana sapakin siya at gamitan ng super techniques ko na natutunan ko pa kay Master Pogi kaso natigilan ako ng makitang si Ken yun.

"Buti nalang at nakuha kita agad. May parating na gwardiya sa gawi mo na mukhang pinalagay ng dalawang tao kaya sinundan kita agad."

dO___ob

Ganun ba? Buti nalang pala.

"Salamat." tanging naisagot ko.

"Tara na mukhang delikado dito. Iuuwi na kita."

Tumango nalang at hindi na pumalag pa. Pagkahatid niya sakin ay nagpaalam na rin siya na mauna na siya dahil gabi na at may lakad pa siya.

Laking tanong pa rin sa isip ko kung sino ang bestfriend ni Lei.

*KINABUKASAN!*

Dumiretso ako agad ng University para pumasok kaso puro Azi at Chairman ang pinag-uusapan nila. Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala rin naman akong makukuhang matinong salita sa kanila. Mag aaral nalang ako.

Pagkapasok ko ay as-usual wala silang pakialam sa presensya ko.

"Sunshine!!" masayang tawag ni Shitzu.

"Bakit di ka pumasok kahapon?"

"Mmh.. Masakit kasi ulo ko." pagdadahilan ko.

"Ha? Ganun ba? Kawawa naman ang bff ko! Patingin nga.. Bakit kaya masakit ulo mo? Siguro ay nasugat sa loob no? Baka nadapa utak mo?"

d-,-b

Hindi ba pwedeng hindi lang gumana ng maayos ang sensory and motor neurons ko?

"Pero Sunshine alam mo ang mas masakit?" seryosong sabi niya kaya natigilan ako.

"Ano??"

"Mas masakit ang walang ulo."

dO___ob

Oo nga no??

d>>_<<b

"Tara na nga. Ang kulit mo." hinila ko na siya sa upuan namin hanggang sa dumating ang bagong teacher.

"Sino yan?" tukoy ko sa teacher namin.

"Teacher. Nabobo ka na ba Sunshine?"

d>>_<<b

"Tss. Bakit kako yan ang teacher natin? Nasaan si kalbo??"

Natigilan siya saglit. Wrong move ata.

"Tinanggal siya ni Azi dito at yan ang pumalit."

dO__ob

Tinanggal ni Azi??

Teka.. Asan kaya sila Mitsuwo? Hindi ba sila papasok? Natahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa natapos ang buong subject.

Naglakad kami papuntang canteen ng makasalubong ko ang teacher ko sa english at math.

"Oh Sunshine. Bakit wala ka kahapon?" Math Teacher.

"Good Morning po." magalang na bati ko. "Masakit po kase ang ulo ko kahapon kaya hindi na ako nakapasok."

"Ganun ba? Sayang naman at hindi ka nagpass ng excuse letter mo edi sana naexcuse kita. Marami ka pa namang namiss na quiz at activity.." dagdag pa niya kaya natigilan ako.

"Oo nga Sunshine.. Sayang naman alam mo namang kapag may namiss ka ay maaapektuhan ang scholar mo. Sayang naman yun ikaw pa naman ang running as valedictorian."

Nanlumo akong napayuko.

"O sige mauna na kami ah? Pasok ka nalang"

Tanging tango lang ang naisagot ko.

"Sunshine paano na yan?" si Shitzu.

"Ewan ko.." nanlulumong sagot ko.

Napakarami kong iniisip. Kung kailan magigising si Azi.. Kung sino ang bestfriend ni Lei at kung saan siya pumunta. Sino rin ang nag-iwan ng note sa noo ni Azi.. At kung bakit nila pinatay si David.

d>>_<<b

Gulong-gulo na ako!

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin