KABANATA 77

2.8K 94 10
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

Naguguluhan ako. Hindi alam ni Shitzu na magkakilala kami ni David? Si Shitzu ang nagpahuli sa akin kay David dahil iyon ang utos niya at sa pagkakaalam na hindi ako kilala nito. Dinukot nga ako ni David para nang sa gayon ay dumating dito si Azi pero taliwas iyon sa alam ni Shitzu. Hindi alam ni Shitzu na ginagamit ako ni David para makuha niya si Azi at para makapaghiganti siya rito.

d>>_<<b

"D-David d-darating d-dito s-si Azi??" si Shitzu.

Tinadyakan niya si Shitzu saka naglakad-lakad.

"Oo. Yun ang hindi mo alam kase nga napakabobo mo diba?? Nakipagrelasyon ako sa'yo dahil kaibigan mo si Sunshine at gusto ko sanang mapalapit pa sa kanya pero time passed by, kusa siyang napalapit sa akin at iyon ay sa shop ni Azi."

"Nakipaghiwalay na ako sa'yo dahil nga kinukwento ko ang babaeng gusto ko, akala ko magagalit ka pero hindi dahil iyon rin ang gusto mo dahil ang sabi mo may iba kang gusto at hindi ko alam na si Azi yun, pero ngayong alam ko na mas lalo akong ginanahan para isakatuparan ang aking mga balak."

dO__ob

*LUNOK!*

"Pupunta si Azi ko dito?? Oh my god bakit hindi mo sinabi David? How dare you!! Bakit ngayon pa? Ang panget-panget ko dahil sa ginawa mo!! Bakit hindi mo sinabi sa aking magkakilala kayo ni malanding Sunshine at may balak na pumunta si Azi dito?? Ang akin lang ay papahirapan ko si Sunshine at tatakutin nang sa gayon ay layuan na niya si Azi ko pero bakit ganito? Bakit mo pinapapunta si Azi dito?? Paano kapag nakita niya ang mukha ko?? Paano kung maturn-off siya at ayawan niya ako? Ano nalang mukha ang maihaharap ko? Hindi ka ba nag-iisip? Ha?!" sigaw ni Shitzu at talagang hindi ako makapaniwala. Nakuha pa talaga niyang alalahanin ang kanyang hitsura sa pagdating ni Azi na wala namang kasiguraduhan kung dadating nga. Sa ngayon ay mas inaalala ko ang kanyang kalagayan at hindi ang pagdating ni Azi dahil alam ko namang hindi siya darating.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga kalabog at kalampag sa may bandang likuran ko't kung saan-saang parte ng bodegang ito ngunit ang atensyon ko ay tutok kila David at Shitzu.

Maya-maya ay bigla akong kinilabutan nang maramdamang may mainit na presensya akong nararamdaman mula sa aking likuran kasabay non ang pagdikit ng kanyang mga kamay na unti-unting kinakalasan ang taling nakakubli sa akin. Gustuhin ko mang lingunin siya ay bigla siyang nagsalita.

"Wag kang gagalaw.. Wag kang kikilos. Umarte ka ng normal, nandito lang ako."

dO___ob

*LUNOK!!*

Bigla akong napaluha ng marinig ko ang pamilyar niyang boses.

Tulad ng kanyang sinabi ay hindi ako kumilos at nakinig nalang ulit ako kila Shitzu. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at kinalasan ako, basta ang alam ko ililigtas niya ako.

Napabaling nalang ang aking atensyon kay David na ngayon ay sinasabunutan si Shitzu.

"Pwede ba? Wag kang maarte dahil hindi ka maganda!! Mas maganda si Sunshine at kahit saang anggulo mo tignan, wala kang ganda ni katiting kung sa kanya ka ihahambing!"

dO___ob

Maya-maya ay hinagis niya ng napakalayo si Shitzu at talagang napakasakit non. Ramdam kong wala na ang tali sa aking kamay at malaya na rin ako pero tulad ng sinabi niya ay wag akong gagalaw o kikilos dahil nandito lang siya.

"Hayop ka David!! Traydor!! Sinira mo ang mukha ko!! Wag mong gagalawin si Azi dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! David sinasabi ko sayo wag si Azi!!" sigaw ni Shitzu, kahit sirang-sira na ang mukha niya ay nagawa pa rin niyang isigaw iyon.

Napangisi nalang si David..

"Kung ikaw si Sunshine ay baka magbago pa ang isip ko, pero hindi e."

Tapos tumingin siya sa akin.

Ngayon ko lang din napagtanto na wala na pala ang bomba sa aking likod..

*BAAANG!!*

dO___ob

Lahat kami ay nagulat nang pumutok ang baril na iyon na hindi namin alam kung saan nagmula.

"Sino iyon?" malakas na sigaw ni David.

Maya-maya ay may lumapit na lalaking sugatan at duguan.

"Bossing may nakapasok!!" naghihingalong sabi niya.

"Ano?? Sino?"

"H-hindi ko kilala boss!! Masyadong matinik. Hindi ko mamukhaan dahil nakasuot siya ng jacket."

"Mga bobo patayin niyo!!"

"Boss ubos na tayong lahat!! Inubos niya ng isang iglap. Mag-isa ko nalang na natira boss. Pasensya na!"

"ANO??" si David. Nasapo niya ang sariling noo. "Bwisit!! Mga walang kwenta!!" nanggagalaiti pang sigaw niya.

Maya-maya ay biglang tumumba ang lalaki at nahimatay.

"Halos isandaan kayo dito tapos naubos lahat ng iyon? Mga inutil!!"

Napapikit nalang ako at todo lunok ang aking nagawa.

"Pakawalan mo siya.."

dO__ob

Lahat kami ay natigilan at napatingin sa nagsalita.

Si Ken!

d>>_<<b

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon