KABANATA 99

4.2K 88 18
                                    

*AZI'S POV!*

"S-sunshine.." mahinang sambit ni Miguel.

Pinasadahan lang siya ng tingin ni Sunshine. Tingin na seryoso at may nagbabadyang luha at wala ni isa ang magtangkang lumapit.

"Tama ako diba? Miguel De Villa."

dO___ob

Sa sinabing iyon ni Sunshine ay nagkatinginan kami ni Lei. Nagsimula nang lumuha ang aking puso nang banggitin niya ang pangalan ni Miguel.

"Sunshine.." pang-uulit pa niya.

"Yuki. Hindi Sunshine! Yuki Takashimoto. Yuki Takashimoto ang pangalan ko."

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Dumapo naman ang tingin niya sa akin. "Azekiel Yu." halos mahulog ang mata ko nang banggitin niya ang kabuuan ng pangalan ko.

"Y-Yuki.." mangiyak-ngiyak na sambit ko.

Hindi ko inaasahang mangyayari ang lahat ng 'to ngayon. Si Yuki Takashimoto na minsang naging Sunshine ay nakakaalala na. Nakakaalala na ang babaeng mahal na mahal ko.

"Ako si Yuki hindi ba? Hindi ako si Sunshine!!" sigaw niya kaya hindi na maiwasan ng mga mata kong lumuha.

"Teka anong Yuki??" naguguluhang sabi ni Mitsuwo.

"At bakit nagsisiiyakan na kayo? Ano ba talagang meron? Sino si Yuki??" sabat pa ni Zy Men.

Si Zxhe-Zxhe naman ay kalmado. Gusto ko tuloy pasukin ang katawan niya't sumapi upang maging kalmado rin ako.

*SUNSHINE'S POV!*

Kitang-kita ko ang halo-halong emosyong namumutawi sa kanilang lahat. Ako si Yuki Takashimoto, oo tama. Nakakakita ako ng ilang eksenang naglalaro sa aking isipan. May dalawang lalaki, may nag-aaway, may maingay at kung ano-ano pa.

Wag maawa ka, nagmamakaawa ako sa iyo.

Wag ako!

Tulongg!!

Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to ha? Bakit sa akin? Pinagkatiwalaan kita!!

"Aaaaaaaaaaaaah!!" mas lalong sumakit ang ulo ko nang maalala ko ang ilang eksenang iyon.

"Sunshine!!" paulit-ulit na sabi nila ngunit walang nagagawa iyon para ibsan ang sakit na nararamdam ko. Ito iyong sakit na wala ka nang pwedeng gumawa kundi ang tiisin nalang.

Mas lalo pang sumakit ang ulo ko nang makita ko si Miguel at Azekiel sa nakaraan. Sila ang mga lalaking nakikita ko sa aking isip at sila rin ang nag-aaway at nagbabangayan. Kung ano man ang dahilan iyon ay ang hindi ko alam!

d>>_<<b

"Waaaaaaaaaaaaaahh!!" mas lalong sumakit ang ulo ko nang makita ko ang aking sariling nakahiga.

Nakahiga ako sa isang kwartong madilim at may nakapasan sa aking lalaki. Ito ang alaalalang ayokong makita dahil binababoy ako ng kung sino.

Pilit kong nilalabanan ang kanyang mga kamay subalit malakas siya. Nakikita ko rin na may nasagasaan isang babae, at ako 'yun.

Hindi ko na kaya, sasabog na talaga ang utak ko sa mga nakikita't naririnig ko.

*AZI'S POV!*

Tanging iyak lang ang nagawa ko habang pinagmamasdan si Yuki na umiiyak. Nakakaalala na siya. Dumating na ang kinakatakutan ko. Oo si Sunshine ay si Yuki, si Yuki Takashimoto ay walang iba kundi si Sunshine! Ang taong minahal namin ni Miguel sa states na si Yuki ay nandito sa Pilipinas bilang isang Sunshine.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now