KABANATA 18

5.1K 220 23
                                    

Lumipas ang oras at kinikilig pa rin ako sa sa sinasabi ni tanda pero nalulungkot rin ako para sa parte ni Azi, pakiramdam ko kase nasaktan siya don kahit papaano. Alam ko si Azi ang nagdala sa akin dito at may kailangan sa akin pero hindi ko maitatanggi na si Lei ang gusto ko matagal na. Sa totoo lang hindi ko alam na may kapatid pala si Lei at 'yun nga si Azi.

Nagpapahinga na ang lolo sa itaas at hindi ko naman alam kung nasaan ang tatlo maliban kay Azi na nagmumukmok sa verandang mag-isa.

Lumapit ako sa kanya at nakita ko siyang umiinom mag-iisa.

"Hoy ba't ka umiinom? Masama 'yan, tumigil ka nga!" inawat ko siya kaso di man lang niya ako pinansin.

Sinubukan ulit niyang uminom kaso tinabig ko ito.

"Ano ba?" inis na singhal niya na inagaw pa ang basong inagaw ko.

"Ano bang problema mo ha? Bakit ka umiinom tanghaling-tanghali!"

Lumagok ulit siya bago tumingin ulit sa baba. Sa totoo lang malaki itong mansion, sa tansya ko ay nasa 15th floor kami. Ganun kataas.

"Alam mo bang gago ako?"

dO___ob

"Gago ako pero nung makilala ko ang isang babae, nagbago ang takbo ng buhay ko."

Nakinig lang ako sa kanya. Nakigaya nalang akong tumayo sa kanya at tumingin sa ibaba kung saan napakaganda ng view.

"Una ko siyang nakita noong unang punta ko dito, first year ako non. Playboy na ako noon pa pero kapag nakikita ko siya ay para akong nababakla. Weird diba?"

Weird nga. Sino kaya ang tinutukoy ni Azi? Hindi na ako nagsalita at nakinig nalang ako ulit sa kanya.

"Hindi siya maganda, hindi rin sexy, pero kapag nakikita ko ang kabaliwan niya ay nahahawa ako. 'Yun nga, kahit anong badboy, mayaman, gwapo pa ang kaharap niya ay parang wala lang sa kanya. Sino ba ako? Walang-wala ako sa gusto niya. Walang-wala ako kay Lei."

dO____ob

*LUNOK!*

Tumingin siya sa akin ng maluluha-luha.

"Pagod na ako Sunshine.. Pagod na akong matalo. Pagod na akong laging nakukumpara sa kapatid ko. Pagod na pagod na akong magparaya, oras na siguro para lumaban ako kung ano ang akin."

dO____ob

"Azi.." yan nalang ang lumabas sa aking bibig.

"Sunshine, hindi aksidenteng nakita kita sa bar nung gabing muntik ka nang magahasa."

dO___ob

Hindi aksidente? Ibig sabihin alam niya? Hindi ko maintindihan!

d>>>_<<<b

"Sunshine, alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit mas gusto kong umuwi sa Pilipinas? Ikaw 'yung babaeng nabangga ko noon, akala ko maiinlove ka agad sa akin tulad ng iba pero hindi dahil sinapak mo ako sa mukha. Hahaha. Kakatawa no?"

dO___ob

Siya 'yung mayabang na nakabangga ko noon? Siya na 'yun? Yung pilit na pinagsosorry ako sa kanya dahil nabangga ko siya pero hindi ko ginawa dahil ang yabang niya kaya sinapak ko nalang siya sa mukha.

"Sa bar? Paano iyon?" kunot noong tanong ko.

"Matagal na kitang sinusundan Sunshine. Ako 'yung umaaway sa mga kaaway mo sa school kaya wala nang nag-aaway sayo. Naalala mo si Petra? Yung babaeng impakta na maitim ang kili-kili? Diba binully ka non? Binantaan ko siya Sunshine. Lagi akong nasa likod mo, alam mo man o hindi. 'Yung sa bar, nung may dumukot sa iyo nag-init agad ang ulo ko lalo na't takam na takam sayo yung isang costumer na foreigner. Alam mo bang binugbog ko iyon para lamang ako ang makakuha sa iyo? Alam mo rin bang sa bawat sulyap mo kay Lei nasasaktan ako?"

dO___ob

Pakiramdam ko hinampas ako ng kawali sa naririnig ko.

"Sunshine, buong buhay ko si Lei nalang ang bida. Si Lei nalang ang sikat at paborito nila. Maging sa iyo ba naman magiging kaagaw ko siya? Sunshine akin ka nalang.. Sunshine, 'wag na si Lei. Masasaktan ka lang at mas masasaktan lang ako kapag nangyari iyon. Sunshine, gago ako oo alam ng laha iyon, bukod sa pagiging gwapo ko ay ikaw nalang ang tanging bisyo ko."

Hindi ako makapagsalita sa totoo lang.

"Alam kong naguguluhan ka pero maiintindihan mo rin ang lahat ng ito. Gusto ni lolo si Lei ang maging boyfriend mo pero 'yun ay kung gusto ko. Pero hindi e, anong magagawa ko? Handa akong kalabanin buong angkan ko Sunshine, maging akin ka lang."

dO___ob

*TUG*DUG*DUG*TUG*DUG*TUG

Niyakap niya ako at bigla akong kinilabutan. Gusto kong isipin na dala lang ito ng kalasingan.

"Sunshine, hindi ka pwede kay Lei.. Kasi akin ka."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now