KABANATA 38

4K 131 1
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni David ay napagdesisyunan ko munang pumasok para sa afternoon class ko saka ako babalik para magsimula na mamaya. Magtatago sana ako para hindi ako makita ni Azi kaso nakakapagtakang wala sila kaya medyo gumaan ang buhay ko.

Pagkatapos ng klase ko ay agad na umuwi na ako sa inuupahan ko at kumuha ng damit para sa gagamitin ko at dumiretso na ulit sa shop. Pagkarating ko don ay agad na sinalubong ako ni David ng may ngiti sa mga labi.

"Sunshine! Kala ko di ka na darating eh.." nakangiting aniya sabay akbay sa akin papunta sa loob.

"Ikaw talaga.. Pwede ba yun? E diba nga may utang ako dito sa shop na 'to? One week lang naman e."

Ngumiti siya sa akin tapos ginulo-gulo ang buhok ko. "Halika na.. Ipapakita ko sayo ang mga area.."

"Sige." nakangiting sagot ko.

Pumasok kami sa loob at pinakita niya sa akin ang lahat ng sulok ng shop. Sa unang tingin ay maliit pero kapag pumasok ka sa isang kwarto ay doon mo makikita ang napakalaking espasyo kung saan nagluluto ang napakaraming tauhan.. Kung tutuusin ay sing laki na ng bahay ang espasyong iyon kung saan lahat ng materyales ay napakaganda at talagang mamahalin.

"Ang ganda no Sunshine? Dyan nagtatrabaho ang lahat ng tauhan sa shop na ito na ultimo isang piraso ng cake na kakainin mo ay mahal kaya wag ka nang magtaka. Kay Master Azi ang shop na ito at tulad nga ng sinasabi ko minsan lang siya dumalaw dito yun ay kung may okasyon lang kaya nga nakakagulat na dumalaw siya dito kanina. Bakit kaya? Siguro ay isang beses lang yun sa isang taon dumalaw pero mabuti pa rin ang pamamahala dahil sinisilip ito ni Master Lei.."

Pagkasabi niya ng pangalan ni Lei ay napayuko ako bigla. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina kung paano niya ako ikaila at hindi man lang tinulungan sa harap ng girlfriend niya.

"Sunshine doon muna tayo sa labas." anyaya niya.

Tumango lang ako biglang pagsagot.
Nagdaan ang oras at sabay naming pinagtulungan ni David na magserve sa mga costumers o di kaya'y salitan kami sa cashier.. Sobrang nakakapagod nga lang dahil dagsaan ang mga costumers na halatang mayayaman at foreigners kaya nang matapos kami ay sabay kaming napasandal sa may couch.

"Napagod ka ba Sunshine?" medyo hingal na ring tanong niya.

"Nakakapagod pala 'to David--"

Nagulat ako ng punasan niya ang gilid ng mukha ko na marahil ay dahil sa pawis.

"Teka David--"

"Wag ka nang mahiya Sunshine kaibigan naman tayo diba? At isa pa pawis na pawis kana.. Konti nalang din naman yung tao kaya pwede na tayong magpahinga.. Gusto mo munang kumain?"

Sa totoo lang mabait si David at bonus pa ang pagiging gwapo niya idagdag mo pa yung pinagpapawisan niyang mukha kaya maswerte pa rin ako kahit papaano..

"Sige gutom na rin ako e. Hehehe."

d^___^bvv

"Hahahaha.. Ang kyut mo talaga Sunshine.. Hintayin mo ko dyan ah? Kukuha lang ako ng pagkain." tapos kumindat siya bago tumayo at umalis.

Tinawag niya akong cute feeling ko naman namula ako.. Si Azi kasi puro payatot ang tawag sa akin at hindi man lang ako sabihang kyut.. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Sa totoo lang naalala ko na naman si Azi lalo na yung mga araw na binubully nila ako lalo na si Mitsuwo. Kamusta kaya si Azi?? Naiisip niya rin kaya ako? Ay tanga Sunshine.. Sino ka ba para isipin ni Azi? Kinalimutan ka na niya diba? Ang tanga mo kasi... Pero sa totoo lang namimiss ko rin pala yung taong pinya na yun.. Miss ko na yung pagtawag niya sa akin ng payatot at yung mga tingin niyang nakakaakit. Hindi na siguro ako mapapatawad ni Azi sa ginawa ko pero kailangan ko pa ring humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa ko at kay Lei naman.. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin.. Ang sakit kasi sobra.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay dumating na si David na may dala ng mga pagkain.

"Sunshine ito oh kainin mo." nakangiting alok niya kaya lumabas tuloy dimple niya.

"Salamat David.." nakangiting sagot ko.

"So anong year ka na Sunshine?"

"Mmh.. 4th year na ako, ikaw hindi ka ba nag-aaral?"

Huminto siya sa pagsubo saka diretsong tumingin sa akin.

"Hindi na e. Tumigil na ako dahil kailangan kong magtrabaho para mabayaran ang utang ng papa ko sa pamilya ni Azi kaso mukhang hindi na ako maalis dito.."

"Ganun ba kalaki ang utang ng papa mo? Isang taon kana dito diba?"

"Dalawang Milyon Sunshine."

dO___ob

Dalawang milyon??

"Ganun kalaki?!" gulat na tanong ko.

"Ganun nga kaya wala na akong oras para makapag-aral, mukhang dito na nga ata ako babagsak e.. Dito na ako mamamatay."

"Ano ka ba David 'wag ka ngang magsalita ng ganyan.. Alam mo bang nawawala rin ang kuya ko pero kahit nag-aaral ako ay hindi ako tumitigil sa paghahanap sa kanya kaya wag kang mawalan ng pag-asa."

Napangiti naman siya bigla kaya napalunok ako.

"Hindi ka lang maganda, ang lakas pa ng determinasyon mo.. Ganyan ang kailangan ko Sunshine.. Alam mo buti nalang dumating ka dito kahit isang linggo lang at least sa isang linggo na yun mararamdaman kong may kaibigan ako kaya wag moko kakalimutan ah? Hehe. Balakajan kapag nakaalis ka dito at kinalimutan mo ako, ako na mismo ang hahanap sayo tapos liligawan kita sige ka."

dO___ob

"Hahahaha. Ikaw talaga! Kumain ka na nga dyan David.."

Natawa nalang din siya.

"Ano mo si Azi??"

dO____ob

*LUNOK!*

"H-ha??"

"I mean kung utusan moko kanina ay parang close kayo so ano mo siya??"

Sasabihin ko ba? Kaso kinaila na ako ni Azi at isa pa baka sabihin nila feeling close ako kay Azi kapag sinabi kong nakasama ko siya noon.

"Ah David kilala ko lang siya sa pangalan.."

"Ah so pwede pa pala."

dO___ob

"Anong pwede David??"

"Walaa! Ang kyut mo kako.. Kumain ka na dyan.. Tapos ihahatid na kita.." tapos kumindat ulit.

Ang hilig niya ring kumindat ano??

Tinapos ko na ang pagkain ko at pagkatapos ay sabay na kaming nag-ayos ng mga gamit ni David saka sabay na lumabas ng shop.

"Sunshine hatid na kita.." presinta ni David.

"Naku hindi na diba salungat tayo ng direksyon?"

"Gusto ko lang na safe ka Sunshine.. Kaibigan na tayo diba??"

"Okay lang David uwi kana baka hinihintay ka rin ng tatay mo, diba bibili ka pa kamo ng gamot niya??"

Napakamot siya sa ulo niya.

"Oo nga e pero pano ka--"

Hinawakan ko siya sa balikat.. "Okay na ako David salamat.." tapos ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa.

"Sige na nga payakap nalang bespren!"

Natawa nalang ako pero di kalaunay yumakap na rin ako sa kanya.. Pero nagulat ako bigla ng tumalsik nalang agad si David at napahiga sa kalye.

dO___ob

"Tarantado ka!!"

dO__ob

Azi??

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon