KABANATA 69

2.8K 94 13
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

"David ano ba? David wag!! Tanggalin mo yan hindi nakakatuwa ang biro mo!" aliligang sabi ko at patuloy na rin sa paglakatak ang pawis na nagmumula sa aking mukha.

Mas lalo akong kinabahan nang makitang natatawa siya at tuwang-tuwa na para bang isang baliw. Hindi na talaga siya si David.

d>>_<<b

"Maya-maya lang Sunshine ay darating na si Azi at sabay-sabay tayong sasabog dito ng buhay. Wahahahahahahahaa!!" patuloy pa rin siya sa pagtawa habang nagsisindi ulit ng yosi.

Wag kang pupunta dito Azi please. I'm begging you, hindi ako papayag na mapahamak ka ulit ng dahil sa akin. Marami ka nang isinakripisyo kaya hindi na ako papayag kung may mangyaring masama pa sa iyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili. Hinding-hindi.

T______T

Tinitigan ko si David ng masama.

"Ipanalangin mong hindi sisipot si Azi dito dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, kakausapin ko ang demonyo para patayin ka ng paulit-ulit." galit at madiing pagkakasabi ko kaso natawa lang siya kaya mas lalo akong nainis.

"Awww. True love na ba yan Sunshine?? Nakakainggit naman pero sorry ko nalang dahil kapatid ko ang demonyo. Naging demonyo ako nang patayin nila ang mga magulang at tatay David ko kaya kahit utusan mo ang demonyo tatawanan ka lang nila." sa ngayon ay mas nakakatakot na talaga siya dahil para na siyang baliw.

"Demonyo kana David!!" nangagalaiting sigaw ko na para bang may kakayahan iyon para mapatay siya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay biglang may nilabas sa kanyang bag saka ito pinunasan.

Pana.

Sa palagay ko iyan ang ginamit niyang pana kung saan maraming namatay at kung nagkataon isa na ako don kung hindi dahil kay Ken.

"Alam mo bang si Azi ang nagturo sa aking pumana? Na ultimo sarili niya ang inilalagay niya sa peligro para lang masanay at matuto ako. Gamit ang isang mansanas inilalagay niya iyon sa kanyang ulo at doon inuutusan niya akong tamaan ang mansanas kahit pa may posibilidad na matamaan ko siya. Siya ang nagturo sa akin nito Sunshine, na ultimo pati paghagis ng diretso at sapul ay kuhang-kuha niya kaso nakakalungkot ring isipin na ang panang ito ang papatay sa kanya."

dO___ob

"Hayop ka David 'wag mong gagalawin si Azi!!" sigaw ko.

Kunot noong tumingin siya sa akin. "Pwede ba Sunshine wag mo namang ipamukha sa akin na gusto mo si Azi!! Alam mo kung hindi dahil sayo dapat matagal nang patay yang si Azi! Kung hindi ka lang sana niya pinupuntahan edi sana naisagawa ko ang mga plano ko! Ilang beses ko nang tangkain ang buhay niya kaso bawat pagtutok nitong palad ko lagi kang nakukuha kaya sabihin mo sa aking wala akong awa!! Kung wala ka lang sana sa tabi niya edi sana hindi na ako magdadalawang isip na patayin siya kaso meron ka e! Paano kung ikaw ang natamaan ko? Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin iyon Sunshine dahil napamahal kana sa akin. Ikaw lang ang babaeng tumanggap at kumausap sa akin kahit isa lang akong waiter. Kahit hindi mo alam ang pagkatao ko ay ginawa mo pa rin akong kaibigan hindi tulad ng ibang babae na minamaliit ako dahil sa trabaho at estado ng buhay ko.. Kaya pwede ba? Kung si Azi rin lang ang bukambibig mo pwede bang itikom mo nalang? Dahil hanggat naririnig ko ang katotohang gusto mo na si Azi ay mas lalo akong kinakati na wakasan ang buhay niya."

Natahimik nalang ako pero sa kaloob-looban ko ay takot na takot na ako sa kanya. Hindi na siya tao, kinakain na siya ng galit niya at hindi na ito maganda. Delikado na si David.

Ilang saglit lang ay may dumating na lalaki at sa palagay ko tauhan siya ni David.

"Boss nandito na si Master."

dO___ob

Master??

May master pa sila bukod kay David? Sino na naman ba ito?

d>>_<<b

"Papasukin mo." tipid na sagot ni David. Habang papalapit ng papalapit ang yabang ng kanyang paa ay mas lalo akong kinakabahan.

Kung sino man siya, kinakabahan ako..

Palapit ng palapit ang mga hakbang at sa tingin ko ay isa siyang babae.

Mas lalo akong magitla nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Bakit siya nandito at bakit ganyan ang mukha niya?? Bakit siya naka-make up--- teka.. Siya ang lider nila???

Hindi.

Hindi pwede.

d>>_<<b

Shitzu..

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now