KABANATA 59

3.1K 106 2
                                    

*UNKNOWN'S POV!*

Kanina pa ako madaling araw nandito sa may malaking puno habang nakatanaw sa kwarto kung saan nakaratay si Azi. Dapat ay matagal na siyang patay dahil sa ginawa at kasalanan niya sa akin. Hindi nararapat na mabuhay ang mga masasamang tao na katulad niya. Konting-konti nalang makakaganti na rin ako sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa akin.. Ilang saglit lang ay nakita kong nagdagsaan ang mga taong nakauniporme at nagsisiiyak. Tss. Iniiyakan nila ang taong buhay pa? Kalokohan! Nararapat lamang na iyakan nila yan kapag nakaganti na ako at napatay ko na siya. Gusto ko na sanang panain si Azi ngunit hindi ako makakilos dahil nandon ang lintek na F3. Pwede ko naman silang patayin ng sabay-sabay ngunit mas mainam kung iisa-isahin ko sila at brutal ang pagkakagawa ko. Ako rin ang nag-iwan ng note sa noo ni Azi na siyang ikinagimbal ng lahat.

Seryoso lang akong nakatingin sa mga pesteng estudyante hanggang sa may dumating pang dalawa at tawagin nalang natin sila sa pangalang Sunshine at Shitzu. Bakit alam ko? Para saan pa ang paghihiganti kung hindi ko alam ang nangyayari sa paligid? Naghihiganti ako para kay Azi dahil inagaw niya sa akin ang babaeng mahal ko. Baliw na kung baliw pero hindi ako papayag na maging masaya siya.

Kitang-kita ko kung paano nila sinaktan si Sunshine sa pangunguna ni Samantha. Walang awa nilang pinahirapan at pinagtulungan kaya kumilos na ako. Isa-isa ko silang pinana hanggang sa matumba sila ngunit may isang dumating at biglang sinapak si Samantha. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala at kung kumilos siya ay para siyang si Azi. Papanain ko sana ang lalaki ngunit kay Samantha iyon tumama at laking gulat ko nang makita ako ni Sunshine at magtama ang paningin namin.

"Taena muntik nang madale!!" inis na singhal ko habang nilalakbay ang daan papunta sa kung saan.

Bago lang sa paningin ko ang lalaki at kung makakilos siya ay para niyang nobya si Sunshine.

*MITSUWO'S POV!*

"Samantha!! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang sabi ko nang makita ko si Samantha na nakahalandusay sa sahig habang basag ang may parteng bibig at nakabulagta kasama ang ilan pang mga estudyante.

"H-help!" hirap na sabi niya.

"Pare mukhang napuruhan tara dalhin natin sa loob." singit ni Zy Men na inalalayan pa akong buhatin si Samantha papasok sa loob.

"Oh my god what happen?" tili ng nurse kaya nainis ako.

"May mata ka ba? Ha? Nakikita mo na nga sa harap mo patili-tili ka pa dyan! Letche ka tulungan niyo kami!!" sigaw ko.

"Pre chill." pampakalma ni Zy Men.

Agad namang inassist ng mga nurse at doctor si Samantha kaya naiwan kaming dalawa ni Zy Men sa labas pero di kalaunay sinundan namin si Lei sa lugar kung saan nangyari iyon kay Samantha at tulad ng inaasahan karamihan sa kanila ay nakabulagta rin.

"Lei!!" pagtawag ko ngunit di siya lumingon.

"Miss anong nangyari??" tanong niya sa umiiyak na estudyante.

"M-may p-pumana po s-samin k-kuya! Huhuhuhu.."

dO__ob

Pumana??

"Pana?? Kanino galing??" si Zy Men.

"H-hindi p-po n-namin alam! N-nangyari n-nalang n-nang sinasaktan na ng k-karamihan sa a-amin si malanding S-sunshine--"

"Teka si Sunshine?" pagputol ni Lei.

"O-opo kuya. P-pinahirapan p-po siya d-dito pero may dumating na l-lalaki at sinapak sa mukha s-si ate Sam.. N-nakakatakot p-po siya.. K-kakampi po y-yun ni m-malanding Sunshine panigurado.. Pati ang pumana."

dO___ob

Nasapo ni Lei ang noo niya.

May pumana at hindi nila alam kung sino? At nandito si Sunshine kanina? At niligtas siya ng isang nakakatakot na lalaki?? Paano? Anggulo!!

d>>_<<b

"Sino ang pumana?" si Zy Men.

"H-hindi k-ko p-po nakita b-bigla nalang s-sila nagsitumbahan.."

"Ibig sabihin may nakabantay dito." seryosong sabi ni Lei kaya kinabahan ako.

"S-sino naman??" tanong ko.

"Malakas ang kutob ko na yung nag-iwan ito ng note.. Ang pinagtataka ko lang ay.."

"Ay ano?" sabay na sabi namin ni Zy Men. Pucha ang ayaw ko sa lahat ay yong pabitin.

d>>_<<b

"Bakit sila pinana ng taong iyon habang sinasaktan raw nila si Sunshine?? At sino ang lalaking kasama ni Sunshine? Masama ang kutob ko rito.."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now