KABANATA 48

3.4K 114 1
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

Tumayo ako at hinarap si Lola pero ganun nalang katindi ang tingin niya kay David.. Lumapit siya at dinuro ito.

"Ikaw!! Ikaw.." nakakatakot na sabi niya.

Napaatras naman kami ni David.

"Ano ho ba yun la?" tanong ni David.

"Ikaw!! May koneksyon ka sa kanya!!"

dO___ob

Koneksyon sa akin? Anong bang sinasabi niya??

"K-kaibigan k-ko h-ho siya.." takot na sabi na rin ni David.

"Maitim na presensya!!"

dO__ob

Maitim na presence?

d>>_<<b

Baliw talaga siya.. Bakit ba kase hindi ko siya iniwasan nung una palang?

"Lola pwede ba wag ngayon? May masamang nangyari kay Azi kaya pwede ba tigilan niyo ho muna ako? Hindi na nakakatuwa!!" sigaw ko.

Humarap naman ako kay David. "David si Azi.." mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Napayuko naman siya pero ilang saglit lang ay humarap din agad sa akin.

"Tara na."

dO_ob

d>>_<<b

"Pasensya David pero kailangan kong puntahan si Az--"

"Sasamahan kita."

dO___ob

T_______T

Hindi na ako umatangal pa at agad naming tinungo ang pinakamalapit na hospital na posibleng pinagdalhan kay Azi at hindi nga ako nagkamali dahil doon siya nakadestino ayon sa aking mga narinig.

Lumapit ako sa may nurse at agad na nagtanong habang kasunod ko pa rin si David.

"Miss nasan ang room ni Azi??"

"You are??"

"Sunshine.."

"Kaano-ano mo ang pasyente??"

Bwisit naman kung saan nagmamadali. Lintek.

d>>_<<b

"Miss kaibigan ako ni Azi.." pilit na pinapakalmang sabi ko kahit ang totoo'y nanggigil na rin ako.

"Sorry but hindi kami tumatanggap ng mga bisitang hindi inaasa--"

"Ehem.. Miss.." napalingon ako kay David ng nagpanguna siya at hinawakan ang kamay ng nurse. Hindi ko alam pero bakit sa mga oras na ito ay nagawa niya pang makipaglandian? Tsk.

"Eh ser.." napalingon ako sa babae na halatang kinikilig dahil sa ginagawa ni David.

"Miss baka pwedeng malaman ang room ni Azi? Kahit number lang miss." tapos kumindat siya. Agad namang namula ang babae.

"Room 21 ser. Hihi." kinikilig na sagot niya.

Ngayon ay si David naman ang tumingin sa akin saka ako kinindatan. Nakuha ko na agad ang ibig niyang iparating kaya di na ako nag-atubiling tumakbo para hanapin ang room 21 habang si David ay naiwan at nililibang ang babae. Pagkarating ko don ay agad na nakita ko sina Lei, Mitsuwo at Zy Men na panay ang iyak at halos hindi ko sila makilala dahil hindi ako sanay na umiiyak sila at mugto ang kanilang mga mata. Si Mitsuwo ay pinagsusuntok ang pader kahit pa dumudugo ang kamay niya sabay sigaw habang umiiyak. Si Zy Men naman ay sapo-sapo ang noo at mugto rin ang mata habang si Lei ay naka-upo sa may sahig habang nakasandal ang mga braso sa sariling tuhod. Hindi siya umiiyak at blangko lang ang emosyon niya pero ramdam na ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya.. Agad akong lumapit don at nakita ako ni Mitsuwo.

"Sunshine!!" pagtawag niya kaya lumapit na ako. Nagsimula na akong umiyak ng makahakbang ako papalapit sa kanila. Nag-angat ng tingin sa akin si Lei pero di kalaunay napayuko ulit habang si Zy Men ay tumayo rin papunta sa akin.

"Sunshine si Azi wala na!" umiiyak na sabi ni Mitsuwo saka sinuntok ulit ang pader. Gusto ko mang pigilan siya ay hindi ko magawa dahil nagsimula na naman akong mapahagulgol ng iyak. Ang sakit feeling ko namatayan ako ng pamilya. Napamahal na si Azi sa akin at alam ko matagal mamatay ang mga masasamang damo tulad niya kaya hindi to totoo.

"Hindi yan totoo." tatawa-tawang sabi ko dahil hindi ako naniniwala.

"SUNSHINE ANO BA? WALA NA SI AZI! PATAY NA SIYA!" sigaw ni Zy Men kaya mas lalo akong napahagulgol ng iyak.

Napahawak ako sa dibdib ko at pakiramdam ko naninikip iyon at ang sakit sa pakiramdam.

"Nasagasaan si Azi ng truck dahil hinahanap ka niya Sunshine.. Sinubukan ko siyang pigilan pero matigas siya.. Ganun ka niya kamahal Sunshine ni ultimo ayaw niyang mawala ka sa kanyang paningin. Namatay siya dahil sa pagmamahal niya sayo.."

T______T

Mas lalong sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

"Nasa loob siya.. Puntahan mo." si Lei.

Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas upang maglakad at walang alilangang tunguhin ang kanyang silid at para naman akong binambo sa nakita ko  dahil nakatakip na ang buong katawan niya ng puting tela na kung saan sa palabas ko lang nakikita.. Hindi ko mapigilang maiyak ng nasa harap ko na siya. Naglakas-loob ako upang ibaba ang telang nakatakip sa kanya at doon na ako napahahulgol ng iyak dahil totoo nga ang sinasabi nila Mitsuwo.. Wala na si Azi.. Isang malamig na bangkay ang nasa harap ko ngayon..

T_____T

Bakit mo ko iniwan Azi??

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya at doon binuhos lahat ng luhang nakakubli..

"Azi!! Gumising ka naman!! Nagbibiro ka lang diba?? Nandito na ako! Bakit ba nakahiga ka dyan? Ang badboy mo! Akala ko ba ayaw mo akong umiiyak pero bakit hindi ka pa gumigising dyan? Azi nasasaktan na ako kaya bangon ka na dyan ang sakit ng biro mo e. Hindi ko kaya.."

Hinawi ko ang aking buhok saka ulit tumingin sa napakalamig niyang bangkay.

"Azi natutulog ka lang diba? Gising kana.. Sino na ang magliligtas kay Sunshine? Sino na ang pro-protekta sa akin kung wala ka? Azi naman ee. Bakit ganto? Nakakainis ka naman e! May mga pangarap ka pa diba? Wag mo naman akong iwan Azi.. Azi ang sakit na talaga kanina ay kasama lang kita pero bakit ganito agad? Azi.. Bumangon kana.. Hindi ako sanay na makitang nakapikit ka at walang malay.. Gusto ko ulit makita yung Azi na masungit, moody, suplado, protective, gwapo, ganado at higit sa lahat mahal ako.. Ayokong makita yung Azi na nakahiga at walang malay habang malamig ang katawan at tinatakpan ng puting tela. Azi gumising ka na pangako hindi kita hahayaang masaktan ulit.. Azi gising kana."

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala talaga..

"Ano ba Azi?! Nakakainis kana!! Bakit ang sama mo?? Bakit mo ko sinasaktan? Gumising ka na dyan pinya!! Sino ng mang-aasar sa akin? Azi ano ba? Ayokong mawala ka dahil-- dahil MAHAL NA KITA at ayokong mawala ka dahil sayo ko lang nararamdaman yung pakiramdam na gustong-gusto ko maramdaman. Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko ayokong mawala ka.."

Niyugyog ko siya pero wala na talaga.

"Ano ba?! Ang sama mo! Nang-iiwan ka! Bakit mo ko iniwan ha? Ang sama-sama mo!!"

T______T

Bigla nalang may humila sa akin saka ako sinampal ng malakas sa mukha..

Chairman

T________T

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant