KABANATA 81

2.9K 95 5
                                    


*SUNSHINE'S POV!*

Nanlalabo na ang aking paningin. Nanghihina na rin ako't hindi ko na alam ang gagawin ko. Si David nakasako habang punong-puno ng dugo. Si Ken naman ay parang patay na at hindi makagalaw. Si Azi ay galit na galit. Hindi ko na alam! Gusto ko nang mawala dito sa mundo. Puro nalang gulo at hindi ako makaramdam ng kapayapaan. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang matulog ng matagal. Hindi ko na kaya.

T_____T

"A-Azi.." hirap na hirap na sabi ko.

"Sunshine bakit naman ganito?" biglang tumulo ang mga luha ko nang harapin niya ako habang umiiyak siya. Naaawa ako sa kanya dahil na rin sa mga kagagawan ko.

"Sunshine ang sabi mo mahal mo ako? Nong nasa hospital ka kahit tulog ako ay naririnig kita! Ayoko na sanang gumising pero nang narinig ko ang boses mo ay bigla akong ginanahan. Alam mo namang mula nang dumating ka sa akin ikaw na ang naging buhay ko. Tinalikuran ko lahat ng bisyo ko't nagpakasasa sayo. Bukod sa dota ikaw nalang ang bisyo ko Sunshine. Dali-dali akong gumising kahit pa ang sabi ng doktor ay may taning na ang buhay ko. May taning na pero gumising ako para balikan ka. Gumising ako para tuparin ang mga pangakong sinumpaan ko sa'yo."

Mas lalo akong napahagulgol ng sabihin pa niya iyon.

"Araw-araw kitang hinintay sa hospital Sunshine, bakit hindi ka man lang dumalaw? Halos dalawang buwan akong nakaratay don at tanging boses mo lang ang gusto kong marinig kahit pa wala ako sa wisyo. Lumalakas ako kapag nararamdaman kong nasa loob ka ng kwarto ko pero hinintay kita! Inakala kong kinalimutan mo na ako kaya dali-dali akong gumising."

dO___ob

T______T

d>>_<<b

"Azi hindi ko alam. Hindi ko alam na hinihintay mo ako dahil sa pagkakaalam ko sumapi ka sa katauhan ni Ken. Dumating si Ken nang biglaan at talagang ikaw na ikaw ang kinikilos niya! Akala ko ikaw si Ken dahil sabi mo lagi mo akong babantayan tulad naman ng ginawa niya nung mga pananong nakaratay ka. Azi hindi ko alam--hindi ko ginustong halikan si Ken--"

"Tangina Sunshine! Nasa makabagong henerasyon na tayo pero naniniwala ka pa rin sa mga sapi? Walang kwenta! Kilala mo ba 'yang Ken na tinatawag mo? Siya si Miguel!! Siya ang traydor kong kaibigan!! Inagaw niya ang lahat sa akin at napakasama niyang tao! Ano? Nadadala ka lang sa kanya pero ang totoo masama siyang tao! Wag kang maniwala sa kanya Sunshine! Tanggap ko pa kung si Lei ang kahalikan mo pero kung si Miguel? Punyeta ang sarap pumatay!! 'Yan ang mahirap sa inyong mga babae, pinakilig lang mahal na agad! Napakalalandi niyo!!--"

*PLAAAAK!*

Sa bigla ko ay tumakbo ako sa kanya't sinampal ko siya kahit pa hinang-hina na ako.

Hindi ko maatim marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Hindi ko inaasahang lalabas sa mukha ni Azi ang mga katagang malandi ako. Oo hinalikan ko si Ken pero hindi ibig sabihin non na mahal ko siya! Hinalikan ko si Ken dahil nangungulila ako kay Azi. Hindi ako makapunta kay Azi dahil natatakot ako sa chairman. Oo hindi ko siya dinadalaw pero hindi iyon nangangahulugan na kinalimutan ko na siya. Sa lahat ng oras na nagdaan si Azi ang nakikita ko kay Ken.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Azi. Hindi mo alam, hinding-hindi. Ang sakit Azi. Sa lahat ng taong pwedeng manakit sa akin, ang inaasahan kong magliligtas sa akin ang siyang magbibigay pala ng pinakamatinding sakit. Hindi ko inaasahan yun, para akong tinutorture. Ganyan na ba kaliit ang tingin mo sa akin Azi??"

Hinihingal na ako. Konti nalang bibigay na ang katawan ko pero pinipilit ko pa ring wag bumitaw dahil nasa harap ko na si Azi. Ang tagal ko siyang hinintay kaya ayoko munang pumikit. Gusto ko pa siya makita.

Napakapit ako kay Zy Men nang maramdamang matutumba ako. Agad naman niya akong inalalayan nang may pag-aalala sa mukha.

"Minsan kailangan nating tanggapin na hindi para satin ang taong minamahal natin."

dO____ob

"Azi.." umiiyak pa ring sabi ko at sa palagay ko wala ni isa ang makakapigil sa akin.

Tinitigan niya ako sa mata.

"Minsan kailangan nating tanggapin na hindi para satin ang taong minamahal natin." nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ay nagpapaalam na siya o di kaya'y aalis.

"Azi ano ba 'yang mga sinasabi mo? Bakit ganiyan ka magsalita? Azi sorry! Azi.  Hindi ko sinasadyang masampal ka. Azi patawarin mo 'ko nagmamakaawa ako sa'yo." lumuhod ako sa kanya't hinawakan siya sa kamay. Sobra na talaga akong naghihina ngunit hindi ko iyon pinapahalata sa kanya.

"Alam mo 'yung talagang masakit Sunshine? Yung nasasaktan ka kahit hndi naman naging kayo."

dO___ob

T_____T

"Azi kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako!"

"Pero triple non ang akin Sunshine. Ni ang makita kang umiiyak sa harap ko ay napakasakit na sa akin.  Pagkapasok ko palang dito sa warehouse ikaw na agad ang una kong hinanap. Agad kong kinalas ang taling nakakubli sa'yo pati na rin ang bombang nakasabit sa iyong likuran. Pero hindi ko naman inaasahang kaibigan ko pala ang kasama mo. Ang inaasahan ko ako ang unang hahanapin mo. Hindi ko alam na nandito si Miguel. Hindi ko alam Sunshine!!"

T_____T

Ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Azi!! Nagmamakaawa ako sa'yo, maniwala ka sa akin." niyakap ko nang malakas ang kanyang tuhod.

"Wag mong balewalain ang pagmamahal ko sayo... Dahil binalewala ko ang pagmamahal ng iba para lang sayo."

Sa sinabing iyon ni Azi ay doon na kumabog ng todo ang puso ko. Para akong sinaksak ng isang daang mga karayom.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now