KABANATA 45

3.6K 107 0
                                    

"Hoy tanda aano bang sinasabi mo?" singit ni Azi na bahagya pang pumaharap para harangan ako. Napakapit naman ako sa kanya sa sobrang takot ko.

"KAPAHAMAKAN!!"

dO___ob

Mas lalong humigpit na talaga ang pagkakayakap ko sa kamay ni Azi.

"Lola hindi namin maintindihan ang sinasabi niyo!" sabi ni Azi na medyo naiinis na rin ayon sa tono ng kanyang boses.

Tinitigan naman ako ng matanda sa mata. Nakakatakot ang mga tingin na yon.

"Mapapahamak ka!" turo niya sa akin. "At KAMATAYAN!" dagdag pa niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Tanda pwede ba? Wala kaming oras para makipagbiruan sa inyo.. Tignan niyo ginawa niyo natatakot na si Sunshine. Ano ba?" si Azi.

"May mamamatay! May mamamatay!"

dO_ob

Gusto ko na talagang maiyak buti nalang at hinila na ako ni Azi palayo don.

Ilang minuto ang nagdaan bago namin narating ang Ying De University habang tulala pa rin ako at wala sa sarili.

"Sunshine ayos ka lang ba?" pinaharap ako ni Azi sa kanya.

Pakiramdam ko maiiyak na ako.

"Sunshine.. Wag kang matakot.. Walang pwedeng gumalaw sayo habang nandito ako kaya wag mo ng isipin yung matandang iyon. Walang mamamatay at wag kang maniwala sa baliw na yun." pagpapatahan niya kaya niyakap ko siya.

"Azi natatakot ako." umiiyak na sabi ko dahil hindi ko talaga mapigilan.

"Dadaan muna sila sa akin bago ka nila magalaw."

Napahagulgol nalang ako sa iyak pero ilang sandali lang ay may humila ng buhok ko at talagang napakasakit non.

d>_<b

"Malandi ka! Sabi ko na nga ba may gusto ka sa fiancee ko! Ano ba? Ikakasal na kami diba? Bakit ka pa payakap-yakap kay Azi?? Sino ka ba sa inaakala mo e isa ka lang naman basura? Lubayan mo nga siyang impakto ka!"

Napaatras ako ng bahagya ng muli siyang lumapit at mas lalo namang napalakas ang pag iyak ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Si Sunshine yan diba? Ang pinakamahirap sa University na to, bakit niya niyayakap si Azi? Nakakahiya naman yan."

"Ang kapal pa kamo ng mukha niya. Ang lakas pa kamo ng loob na yakapin si Azi e hindi nga natin malapitan yan dahil masyado siyang importanteng tao kaya how come na ang lakas ng loob niyang yakapin si Azi?"

"At ang mas nakakahiya ay sa harap pa mismo ng fiancee niya na si Samantha. Tss panigurado tanggal yan dito."

"Nakakahiya si Sunshine! Isa siyang malandi na hindi pahalata.. Ubod ng kati ang gaga."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Gusto kong magtago at umiyak na lamang pero pinipigilan ko dahil mas lalo akong magmumukha na kahiya-hiya.

Pinakalma ko ang sarili ko pero bigla nalang ako sinugod ni Samantha sala sinampal at sinabunutan.

Ngayon ay napaiyak na talaga ako dahil ang lakas niya.

"Malandi ka! Papatayin kitang hayop ka!!" gigil na aniya na mas lalong pinanggigilan ang buhok ko pero bigla nalang siya tumumba sa harap ko.

Azi..

T_______T

Agad niya akong itinayo at kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala..

"Sorry.." mahinang sabi niya.

"Azi ano ba? Bakit moko tinulak? Bakit hindi mo sampalin yang mang-aagaw na yan? Malandi siya dahil inaagaw ka niya sa akin kaya dapat lang sa kanya yan!" si Samantha.

Humarap naman si Azi sa kanya.

"Pwede ba Samantha?? Tumigil kana! Wag mong idamay si Sunshine dito dahil siya ang gusto ko at hindi ikaw!"

dO___ob

Kita kong nanlaki ang mata niya pati na rin ang mga nanonood.

"Narinig niyo yun? Gusto raw siya ni Azi.. This can't be!"

"Ano bang nangyayari kay Azi?? Si Sunshine gusto niya? May fiancee na siya at higit na mas maganda si Samantha!!"

"No nahihibang na siya.."

"Gayuma yan e. Bwisit yan kaya dapat lang sa kanya yan!"

Humarap naman sa akin si Samantha. "Ikaw pwede ba layuan mo na si Azi dahil naninira ka lang ng relasyon ng may relasyon!!"

Bigla naman akong natigilan.

Naninira na pala ako ng relasyon. Bakit ba hindi ko naisip yun? Bakit lahat nalang ng may konektado si Azi ay bawal?

T______T

Kailan ba ako matatahimik? Ayoko ng ganito..

Gulong-gulo na ako.. Nadadamay na ang mga inosenteng tao na walang ginawa kundi ang magmahal lang. Bakit ba kase makasarili ako?

"Layuan mo na si Azi pwede ba? Wag kang manhid at mang-aagaw! Ikakasal na siya kaya gumising kana!!" si Samantha.

"Pwede ba Sam? Hindi kita gusto at sila lolo lang ang may gusto na ipakasal ako sayo kaya kung wala kang magawa siya ang pakasalan mo!!" si Azi.

Nakakasira na nga ako ng relasyon.. Una si Lei tapos ngayon naman si Azi? Katangahan na yan Sunshine!

Umalis na ako agad don at tumakbo kung saan-saan. Wala na akong pakealam kung saan ako mapadpad basta ang gusto ko lang ay mapalayo kay Azi.. Tama si lola na kapag hindi ko pa nilayuan ang lalaking iyon ay kapahamakan ang naghihintay at ang lalaking tinutukoy niya ay si Azi. Nagpakalayo-layo ako hanggang sa marating ko ang malayo at tagong lugar kung saan iilan lang ang tao. Dito ko nilabas lahat ng aking saloobin at mga hinaing pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya dito..

At umiiyak..

Anong ginagawa niya dito at bakit siya umiiyak?

David..

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now