KABANATA 80

3.2K 97 6
                                    

"Alam mo Azi kung sino ang problema sa atin? Ikaw! Alam mo sa sarili mong ikaw ang may problema!! Darating ka dito para sapakin ako dahil nakita mong magkayakap kami ni Sunshine? Paano nalang kaya kapag nakita mong hinalikan ako ni Sunshine? Edi naghihingalo na ako ngayon?"

dO___ob

Natigilan ako ng aminin iyon ni Ken. Pakiramdam ko iniluluto ako sa kawaling may kumukulong mantika. Unti-unti kong tinignan si Azi at naging seryoso siya kaya mas lalong kumabog ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya pero natatakot ako. Natatakot ako dahil naging blangko ang emosyon niya at wala ni isang mababasa.

Gusto kong tumakbo sa kanya ngunit ang mga tuhod ko'y nangangatog. Kung bakit ba naman kase sinabi iyon ni Ken nang may pang-aasar sa mukha. Nahalikan ko lang naman siya noon sa pag-aakalang siya si Azi. Oo sinadya ko iyon dahil ang alam ko nasa katauhan ni Ken si Azi. Hindi ko sinasadyang halikan si Ken, pero si Azi oo..

"Ken ano ba?" inis na sabi ko. Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon ay hindi ko alam. Agad kong nilingon si Azi ngunit seryosong-seryoso talaga siya at hindi kakakitaan ng anumang reaksyon.

Tumingin sa akin si Ken saka tatawa-tawa. "Oh bakit Sunshine? Totoo naman diba? Hinalikan mo 'ko noon nang ihatid kita sa bahay niyo. Kitang-kita ko pa nga ang mga ningining sa iyong mata nang magtama ang ating mga labi. Tila ba nasa alipaap tayo ng mga panahong iyon. Tapos 'yung bawat yakap at hawak mo sa akin hinding-hindi ko makakalimutan 'yon, lalo na ang mga titig mong malalagkit."

dO___ob

*LUNOK!*

d>>_<<b

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi 'yan, basta ang alam ko hindi nakakatuwa. Nagawa ko lang naman 'yun sa pag-aakalang siya si Azi. Oo ng mga panahong magkasama kami si Azi ang nakikita ko sa kanya, pero hindi ko naman alam na nasa harap ko ngayon si Azi at nasa harap ko rin ngayon si Ken senyales na magkaibang tao sila. Magkaibang tao sila at hindi sumanib si Azi kay Ken.. Magkaibang tao sila dahil hanggang ngayon naaalala pa rin ni Ken ang mga pangyayaring iyon.

"Sorry.." bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yan. Tinignan ako ni Azi at wala pa ring reaksyon ang mukha niya pero ang pagkuyom ng kanyang mga palad ay hindi nakaligtas sa akin.

Maya-maya ay bumulagta nalang si Ken sa sahig.

dO___ob

Sinapak siya ni Azi.

d>>_<<b

Hindi ako makagalaw.

Kitang-kita ko kung paano niya tinadyakan sa mukha si Ken at pagkatapos pinagsasasapak. Parang hindi si Azi ang nakikita ko dahil sobrang lakas niya. Nagawa niyang ihampas kay Ken ang lamesa at agad na nawasak iyon sa sobrang lakas. Maya-maya ay dinakot niya si Ken sa may kwelyo saka galit na galit na tinignan. Tila ba may kakayahan iyon para lamunin si Ken ng buhay.

"Noong dati pa lang gusto mo ang lahat ng akin ay iyo rin.. Pinagbigyan kita Miguel. Binigay ko lahat ng gusto mo na meron ako.. Pero humirit ka. Gusto mong makuha ang babaeng akin. Si Yuki. Lahat nalang aagawin mo, pati ba naman sa pangalawang pagkakataon, uulitin mo? Facyah!" pagkasabing iyon ni Azi ay saka niya sinapak ulit si Ken ng paulit-ulit. Halos mapatay na niya si Ken.

"Azi!!"

"Azi! Tama na 'yan!"

dO__ob

Agad akong napabalikwas nang dumaan sa may tabi ko sina Zy Men at Mitsuwo.

Agad nilang inawat si Azi at iniwan namang si Ken na halos hindi na makilala.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon