KABANATA 20

5.6K 192 20
                                    

Kanina pa kami takbo ng takbo ni Azi at ang sakit na rin ng paa ko.

d>>_<<b

"Azi teka." humahangos na sabi ko. "Pagod na ako." dagdag ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Tanga ka rin e nu? Alam mong mag wo-walk-out tayo don tapos nakatakong ka? Shunga!"

Potek! Batukan ba naman daw ako. May saltik rin ata tong badboy na 'to e.

"Bakit ba naman kase hinila mo ako ha? Ang sakit tuloy ng paa ko."

Napaupo ako sa upuan na nasa tabi lang namin dahil hindi ko na talaga kaya.

Maya-maya ay lumuhod siya.

dO___ob

"Hoy anong gagawin mo??" hindi niya ako pinansin bagkus ay hinawakan niya lang ang paa ko at tinanggal ang heels na suot ko. Nagulat ako nang makita ang hitsura non.

"Tsk. Namamaga na, bakit ba kase hindi mo naman sinabi agad sakin? Tignan mo nga."

"Hoy ikaw kaya 'tong nanghihila nalang bigla!" singhal ko

Ilang segundo bago siya sumagot. "Sorry."

Pakiramdam ko nanlambot ako don dahil batay sa hitsura niya ay hindi siya marunong mag-sorry. Pero mas nanlambot ako nang tanggalin niya ang sapatos niya.

"Uy bakit 'yan? Isuot mo nga! Baka mabubog ka." alalang sabi ko.

"Wag ka ngang tanga payatot, naka medyas ako. And beside mas prefer kong magsuot ng heels."

dO____ob

Prefer niya magsuot ng heels? Bakla siya?

"Azi bakla ka? Kaya ba ayaw mong ipakasal ka sa iba dahil lalaki ang tipo mo?"

Nag-angat siya ng tingin na may gulat ang mga naniningkit na mata.

Binatukan niya ako ulit.

d>>>_<<<b

Ano ba problema nito?

"Ikaw ewan ko ba kung bakit ikaw ang nagustuhan ko eh!"

Feeling ko namula ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Isuot mo 'tong sapatos ko at ako ang magsusuot ng heels mo."

dO____ob

Seryoso ba siya? Batay sa hitsura niya ay mukhang hindi nga siya nagbibiro.

"Wag ka na kumontra tutal ako naman ang may kasalanan kaya namamaga ang paa mo. Mas gugustuhin ko pang ako ang magsuot ng heels kaysa ikaw ang mahirapan. Wag kang mag-alala mag mukha man akong katanga-tanga, hindi pa rin maalis sa akin ang pagiging gwapo ko."

dO____ob

Owfvck! Is it really happening right now? Isang badboy magsusuot ng heels? This can't be dude!

Hindi na ako makapalag dahil hindi rin ako makapagsalita lalo na sa mukha niyang napakagwapo na nasa harap ko. Noon pangarap ko lang ito, ang pagsilbihan ng isang lalaki. Sino nga bang mag-aakalang isang badboy ay magsusuot ng heels dahil sa akin?

Pinasuot sa akin ni Azi ang sapatos niya at hindi nga siya nagbibiro dahil isinuot niya rin ang heels na suot ko kanina. Hindi ko alam kung matatawa o maawa ako sa kanya e.

Palalim na rin ang gabi at naglakad lakad na kami ni Azi. Natatawa ako nang matutumba siya pero napapakapit siya sa akin at pakiramdam ko naman may spark akong nararamdaman. As usual maraming nagulat lalo na't isang badboy na Azi ay naka heels na parang rumarampa sa gilid ng dagat. 'Yung iba naman ay ang sama ng tingin sa akin pero ang sabi ni Azi 'wag ko raw silang pansinin at hawakan ko lang ang kamay niya. Hindi ko alam pero kusang gumagalaw ang kamay ko na hawakan ang kanyang malambot na pala.

"Payatot upo muna tayo, pagod na ako."

Natawa ako sa inasal niya. Seryoso ngayon niya lang naisipan na huminto? Haha.

"May pa heels-heels pa kasing nalalaman ih." mahinang bulong ko.

"Ayos na 'yung ako na ang masaktan, 'wag ka lang."

dO___ob

Shet. Yung mga tingin niyang nakakaakit. Bakit ganito?

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

"Pwede ba 'wag mo naman ipakita sa akin na kinikilig ka? Tss."

dO___ob

*Blush!*

Dafaq. Di ko mapigilan kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"Wag ka muna kiligin d'yan dahil wala pa 'to. Paano nalang kung ako na ang boyfriend mo? Edi nahimatay ka na sa kilig?" sinabi niya iyon sabay kindat at ngisi.

*LUNOK!*

Ngayon ay nasa harap kami ng dagat at prenteng naka-upo.

"Sunshine, gusto kita."

"Azi.." tanging nasambit ko.

"Gusto mo rin ba ako?"

Napalunok ulit ako ng sabihin niya iyon habang nakatingin sa mismong mga mata ko.

"Sunshine ilalaan ko sayo ang lahat ng oras ko at maging ang buwan ay handa kong kunin maibigay lang sayo."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako ganito e, ewan ko ba. Akala ko mapipigilan ko pero hindi dahil kapag pilit kong itinatanggi sa sarili ko ay mas lalo akong nahuhulog sa'yo. Handa akong magbago Sunshine, hayaan mo lang akong alagaan at protektahan ka. Sunshine kahit nakapikit ako ay mapro-protektahan kita 'wag ka lang magalusan at dapuan ng lamok. Handa kong kalabanin si Lolo kung ikaw naman ang kapalit. Kaya isa lang ang gusto kong marinig sa'yo bilang simbolo. Isang 'oo' mo lang Sunshine pero kapag hindi kahit masakit ay tatanggapin ko at palalayain na kita.." huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Sunshine gusto kita at ngayong gabi mismo sa harap ng dagat at ng buwan na siyang saksi mismo sa ating dalawa. Maaari ba kitang ligawan binibini?"

dO__ob.

Napabitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Azi, ramdam ko ang sensero sa bawat katagang binibitawan mo at nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo ngunit.. Hindi kita gusto."

Sabay sa pagbitaw ko ng linyang iyon ang pagpatak rin ng butil ng kanyang luha habang siya ngumiti ng pilit.

"Azi ayaw kitang paasahin pero k-kase.. S-si Lei ang gusto ko. Matagal na."

Tumayo siya at pinahid ang kanyang luha. Tinanggal niya ang kanyang heels at galit na inihagis iyon sa dagat.

Natatawa siyang tumayo. "Lei na naman. Si Azi ako, si Lei siya. Anong laban ko? Kalimutan mo na lang 'to Sunshine. Kalimutan mo na ang lahat, kalimutan mo na ang tungkol sa anak.. Pinapalaya na kita."

Kitang-kita ko kung paano masaktan ang kanyang mata nang sinabi niya iyon bago tumayo.

"Azi.." humawak ako sa kamay niya ngunit tinabig niya ito. Tumingin siya sa akin ng seryoso at alam ko nasasaktan siya.

"From now on, You and I doesn't exist."

dO___ob

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt