KABANATA 51

3.6K 110 0
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

Napalunok ako ng mabasa ko ang note na iyon. Bigla akong kinilabutan sa mensahe lalo pa't dugo ang ginamit na panulat. Masama ang kutob ko sobrang sama.

"Hinatid lang namin saglit ang chairman ng makaalis kayo ng kasama mo pero pagbalik namin may naka-kabit na sa noo ni Azi na ganyan. Kinakabahan kami pakiramdam ko bumalik na siya." si Mitsuwo.

dO__ob

Sinong bumalik??

"Mitsuwo, sino??" tanong ko.

"Si Miguel." sagot ni Zy Men.

dO___ob

"Sino si Miguel?? At bakit niya gagawin kay Azi to kung siya nga ang may gawa? Bakit??" aligagang tanong ko bago pinagmasdan si Azi na ngayon ay humihinga na habang may nakasaksak na kung ano-ano sa katawan senyales na buhay nga talaga siya ngunit tulog pa rin.

"Si Miguel ang bestfriend ni Azi.."

dO_ob

May bestfriend si Azi bukod sa kanilang tatlo? Akala ko ba F4 lang sila? Sino si Miguel?

d>>_<<b

Umupo muna kami nila Mitsuwo bago siya nagsalita.

"Si Miguel ang bestfriend ni Azi bago niya kami naging kaibigan. Bata palang sila ay para na silang magkapatid nila Lei kaso mas malapit siya kay Azi kaya sila lagi ang magkasama habang si Lei ay may bestfriend ring iba."

Tumigil naman siya saglit at nakinig lang ako. Maya-maya ay si Zy Men naman ang nagsalita.

"Para na silang magkapatid kesa kay Lei kaya lahat ay magkasundo sila. Kilala ng mommy ni Azi at itinuring niya rin itong anak tulad ng chairman at ng daddy niya. Pamilya na ang turing nila kay Miguel hanggang sa isang araw na malalaki na sila bigla nalang nagka-problema.. Nagkagusto sila sa iisang babae at doon na nagsimula ang pagkawasak ng friendship nila. Hindi nagpapatalo si Azi sa lahat ng bagay at nong oras na yun ay hindi rin nagpatinag si Miguel. Hindi nagustuhan ni Azi na naging kaagaw niya si Miguel sa isang babae kaya ang ginawa niya ay winasak niya ang pagiging magkaibigan nila sa pag-aakalang titigil na si Miguel sa panunuyo at pag-aagaw sa babaeng gusto ni Azi. Hanggang sa dumating ang isang malagim na pangyayari kung saan dahil sa kasakiman ni Azi ay gumawa siya ng ikakagalit ni Miguel. Kung ano ang dahilan na iyon ay hindi namin alam. Ayon sa kwento sa amin ni Lei nabanggit niyang hinalikan ni Azi ang babae kaya siguro nagalit si Miguel dahil ginusto rin ng babae ang nangyari kaya ayun.. Doon na nagsimula ang paghihiganti ni Miguel kay Azi at doon na rin nabuo ang apat.."

dO___ob

*LUNOK!*

May ganung past pala si Azi??

Tumingin naman sa akin si Mitsuwo at hinawakan ako sa balikat. "Pero wag kang mag-alala Sunshine.. Kung iniisip mong gusto talaga ni Azi yung babae sinasabi ko sayo matagal na siyang kinalimutan at nilayuan.."

"Nilayuan? Pero bakit ganun si Miguel?" takang tanong ko.

"Ewan ko pero basta ang alam namin bago umuwi si Azi sa pinas ay nilayuan na niya yung babae at pilit na kinalimutan iyon dahil mas mahal niya ang bestfriend niyang si Miguel.. Nagsakripisyo si Azi para kay Miguel kahit pa mga bata sila non pero mas lalong umigting ang nararamdaman ni Miguel nang malaman niyang mahal ng babae si Azi at hindi niya kayang tanggapin ito bilang manliligaw o karelasyon  niya."

dO___ob

"Sinisisi ni Miguel si Azi kung bakit ayaw siya ng babae kaya ayun.. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit niya.. Pero Sunshine ayon lang to sa mga balitang naririnig namin ah? Hindi kase nagkwekwento si Azi kaya hindi namin alam ang tunay na nangyari.. Pero dahil iyon lang ang impormasyon na alam namin ay yon ang sinusunod namin.." dagdag pa niya.

Kinuha naman ni Zy Men ang note saka tinitigan itong mabuti.

"Siya lang ang nakikita naming pwedeng gumawa nito dahil sa word palang na HELLCOME TO HELL PARENG AZI ay siya na ang may malaking motibo para gawin ito. Baka siya pa nga ang bumangga kay Azi e."

dO___ob

Ganun siya kasama??

d>>_<<b

Bigla nalang nag-init ang ulo ko. Kailangan niyang magbayad kung ganon dahil sa ginawa niya kay Azi.

"Sunshine.." nag-angat ako ng tingin kay Mitsuwo.

"Mag-iingat ka.. Wag na wag kang lalapit dyan kay Miguel kung nandito nga talaga siya dahil sinasabi ko sayo malupet ang isang yan.. Kahit sino idadamay niya magantihan niya lang si Azi.."

dO__ob

"Teka. Si Lei?? Asan siya?? Bakit wala diya dito??" tanong ko.

"Bigla nalang siya umalis ng makita niya ang note na ito sa noo ni Azi.." tukoy niya sa isang note. Posible kayang hinahabol ni Lei ang suspect??

dO_ob

"Sunshine mag-iingat ka.. At yung kasama mong lalaki kana.. Iwasan mo na siya.."

dO_ob

Si David? Bakit?

d>>_<<b

"Panigurado ako patay na yun maya-maya dahil sa ginawa niya sa chairman.."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now