KABANATA 27

4.4K 148 14
                                    

Pagkasabing iyon ni Azi ay biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Ibig sabihin hahayaan niya lang ako gahasain ni ser kung nagkataon? Wala siyang kasing sama kung ganon pero naisip ko kagagawan ko rin ito e. Nasaktan ko si Azi kaya dapat lang sa akin 'to.

"Azi, ano bang nangyayari? Bakit ganyan ka magsalita kay Sunshine?" si Mitsuwo.

"Ang gulo mo dre, bakit ganyan kana kay Sunshine? Ano ba talagang nangyayari?" si Zy Men.

Tumingin ako kay Azi at ayun na naman yung mga mata niyang nakakatakot kahit wala pa naman siyang ginagawa.

"Sayang siya sa oras at isa pa hindi siya importante. Sino ba siya para pag-aksayahan ng oras? She's just mobody! Nagsasayang lang kayo ng lakas d'yan, dapat ay hinayaan niyo na lang siya."

Awts.

d>>_<<b

Ang sakit Azi.. Bakit ganito? Pakiramdam ko ang sama-sama ko para tratuhin ako ng ganito.

"Azi are you out of your mind?" inis na usal ni Mitsuwo.

Tinignan siya ni Azi sa mata. "What's wrong? She's just nothing. Bakit ako mag-aaksaya ng oras para tulungan siya?" sarkastikong aniya pa nito.

"Then bakit ka nag-aaksaya ng oras para makipag-chismis dito?" si Lei.

dO____ob

Lahat kami ay napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon.

"What?" kunot noong tanong ni Azi.

"Then bakit ka nag-aaksaya ng oras para makipag-chismis dito?"

dO___ob

Inulit niya talaga!

d>>_<<b

Kita ko kung paano nagtiim ang bagang ni Azi nang sabihin iyon ni Lei.

"Napadaan lang ako Lei, 'wag kang mag-alala." depensa naman ni Azi na pinapakalma ang sarili.

"Talaga Azi? Napadaan? Room natin 'to! Sa anong klaseng paraan ka napadaan dito?" sarkastikong sagot naman ni Lei.

Ngayon ay ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Ano bang pinaglalaban mo ha Lei? Na sa iyo na nga ang lahat diba? Pati si Sunshine na sayo na! Kulang pa ba? Gago ka dre! Kapatid kita ngunit sa lahat nalang ng bagay ay karibal kita! Isa kang malaking gago!"

dO____ob

"OMG narinig niyo yun? Karibal?"

"Hala kilala nga nila yang si Sunshine?"

"Bakit nag-aaway ang magkapatid?"

"Shets! Baka mabuwag silang apat dahil sa babaeng yan!"

"Kailangan na niya talagang umalis dito dahil pingsisimulan siya ng gulo."

"Ano ba 'yan, nakakaawa naman 'yung magkapatid."

Napayuko nalang ako nang marinig ko iyon.

"Dre, Chill." si Mitsuwo.

"Ang gulo! Pwede bang sa tambayan nalang tayo? Wag dito nakakahiya!" si Zy Men.

"Hayaan niyo na, para malaman ng lahat." si Azi. "Makinig kayo! Yang si Lei o ang kapatid ko ay matagal nang mang-aagaw! Lahat ng akin ay inaangkin niya at lahat ng bagay na meron ako ay gusto niya kaya mag-ingat kayo. Mula bata pa kami lahat nalang inaagaw niya!"

"Hala totoo ba yun guys?"

"For real? Si Lei mang-aagaw?"

"I dont know!"

"Shets! Bakit ganito sila?"

Tumingin ako kay Lei at napangiti siya ng bahagya. "Azi hindi ko inagaw sayo si Sunshine dahil kahit kailan ay hindi siya naging iyo."

dO___ob

Lahat kami ay nagulat lalo na si Azi.

"May mga bagay lang talaga na para sa akin at hindi para sa iyo, sa nakikita ko si Sunshine ay hindi para sa'yo kaya 'wag ka nang pumalag dahil kung kayo ay tadhana na mismo ang kikilos para paglapitin kayo. Hindi mo ba nakikita? Hindi ka gusto ni Sunshine! Gumising ka dre, hindi lang si Sunshine ang babae sa mundo. Badboy ka diba? Bakit hindi ka maghanap ng maraming chixx dyan at syotain mo? Tutal lahat naman sila ay may gusto sa'yo, pwera kay Sunshine." pagkasabing iyon ni Lei ay bigla nalang siya sinapak ni Azi. Lahat kami napaatras sa lakas ng sapak na yun. Lumapit ako kay Lei at agad na tinulungan siya tapos ay humarap ako kay Azi at sinampal siya.

"Ano bang problema mo ha? Bakit kailangan mong saktan si Lei? Kung may nagawa man ako sorry ha? Pero wag mo na sana idamay si Lei dahil may punto naman siya eh! Hindi ako iyo kaya wag kang magputak na para bang inagaw niya ako sa iyo dahil walang TAYO!" sigaw ko. Sobra siyang natigilan at alam kong hindi niya inaasahang sasabihin niya iyon.

"Sinaktan mo na naman ako Sunshine."

May narinig akong binulong niya kaso hindi ko naintindihan at wala na akong pakealam dahil sinaktan niya si Lei.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon