KABANATA 85

2.9K 79 0
                                    

*AZI'S POV!*

Ilang araw na ang lumipas ngunit narito pa rin ako sa loob ng bahay habang nilalamon ng depresyon. Sobrang depressed na ako na ultimo iniisip ko nalang mag-bigti o kitilin ang aking buhay. Sobrang depressed na depressed na ako at hindi ko na kaya. Sobra akong nanghihina at hindi ko na kinakaya ang sitwasyon. Ilang araw na rin ang lumipas at ang kwarto kong napakaganda at napakaputi ay naging isang madilim at mabahong paligid. Tila ba nasa isang malaking basurahan ako.

Mula nang nawala siya ay hindi ko na rin nagawang pagupitan ang aking buhok. Napakahaba na niyon at umaabot hanggang sa aking balikat. Tinutubuan na rin ako ng bigute at ang tanggalin ito ay hindi ko magawa.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Malayong-malayo na ang hitsura ko kesa sa dati. Ang badboy na Azi ay nagmumukhang taga hakot ng basura. Namumugto na rin ang aking mga mata marahil ay sa kakaiyak.

"Young Master!! Young Master!!" tinapunan ko ang pinto ko na ngayon ay kinakalampag marahil ng aming katulong.

Hindi ako nagsalita at nanatili ulit sa isang tabi.

"Young Master kumain na po kayo! Baka ho magkasakit na kayo niyan, mag-iisang linggo na ho kayong hindi kumakain. Nag-aalala na po kami." dagdag pa niya.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay sumandal ako sa pader at pinagmasdan lang ang langit.

Sana ganun lang kadali magpatayo ng elevator o escalator papunta sa langit. Hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon lalo pa't kung siya ang magiging kapalit. Kung pwede lang magtayo ng elevetor ay dali-dali kong gagawin iyon upang makita siya at maibalik siya.. Kasi sa totoo lang..

Hindi ko na kaya!

T_______T

Ang sakit sakit na!! Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Ito ang sakit na ayokong maramdaman, 'yung hindi ako makalaban.. Hindi ako makalaban dahil sarili ko na mismo ang kalaban ko.

Sana pala nung nabubuhay ka sinulit ko na. Hindi iyong magpapakatanga ako dito dahil hindi ko man lang siya nagawang iligtas. Alam kong ako lang ang inaasahan niya kaya bakit ang laki kong gago? Hindi ko siya nailigtas!!

"WAAAAAAAH!! GUSTO KO NA MAMATAY!! AYOKO NA NG GANITO! BAKIT ANG SAKIT-SAKIT???"

Wala na akong pakealam kung ano man ang mangyari sa akin ngayon. Ayoko na e. Pagod na ako.

Mahirap bumitaw sa isang taong mahal mo. Pero mas mahirap kumapit sa isang taong hinihintay mo, kahit wala nang kasiguraduhang babalik pa.

Sabagay kahit alam mo na yung sagot. Nagaantay ka pa din at nagbabakasakali na magbago ito.

May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang wakasan, yun bang ayaw mo ng umasa pero gusto mo pa din maghintay.

May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo pa rin maiiwasan na masaktan.

d>>_<<b

"Young Master!! Young Master ayos ka lang ho ba? Young Master buksan niyo po ang pinto dahil nag-aalala na kami. Matagal na po kayong hindi kumakain at naireport na rin po ng lolo niyo sa mommy niyo ito."

dO___ob

Kahit ano pa mang sabihin niya ay wala rin. Kahit naman kaharap ko si mommy ngayon ay wala na rin ang takot na nararamdaman ko. Wala na akong pakealam kung ano mang sabihin niya. Buhay pa ako pero ang kaluluwa ko mukhang sinasalang na sa imyerno. Siguro nga karma ko na ito sa lahat ng kasamaang nagawa ko. Dapat lang sa akin 'to dahil wala akong kwentang tao. Iniiwan ako ng mga taong mahal ko dahil napakasama ko.

"Iwanan niyo na ako!! Ayoko na!! Pagod na pagod na ako! Iniwan na niya ako, wala na siya!!" sigaw ko.

Napaluhod ako saka napahilamos sa mukha.

Sana Sunshine nandito ka. Sana magkasama pa rin tayo. Miss na miss na kita. Walang araw buwan at oras ang lumipas nang hindi kita iniisip. Kung nasaan ka man ngayon sana masaya kana. Sana maging masaya ka kase ako? Hirap na hirap na. Hirap na hirap na ako Sunshine.

T_____T

"AZI!!"

*BLAAAG!!*

Nanlaki ang mata ko nang iluwal nang pinto na iyon ang kapatid ko.

dO___ob

Si Xzhe-Xzhe!!

Tatayo pa sana ako kaso bigla niya akong tinadyakan sa mukha.

d>>_<<b

Damn.

"Facyah Dongsaeng!!" pagmumura niya saka maangas na pinamaywangan ako.

Bakit ba siya nandito?

d>>_<<b

Ang pinakabrutal na kapatid sa buong planetang namic!

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now