KABANATA 87

2.9K 89 35
                                    

*AZI'S POV!*

Dali-dali akong naligo at naglinis ng sarili. Medyo nagmamadali nga lang ako kaya umabot lang ng dalawang oras. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang makalat na kwarto ko pero hindi ko na pinansin iyon at agad na nagpalit. Pinataas ko ang buhok ko dahil alam kong gusto niyang makita ako nang may pineapple hair, alam ko mga tipo non. Nilinis ko ang sarili ko at lumabas na. Halos isang linggo rin akong nakakulong sa bahay at hindi na siya nadalaw pa dahil ayokong makita ang mukha ng chairman paglabas ko. Sa wakas ay pupuntahan na namin siya, ang isang linggo sa akin ay napakatagal na kaya namimiss kong dumalaw ulit sa puntod. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na wala na talaga siya. Napakahirap tanggapin para akong kinakatay sa sakit at tila ba lahat ng kinakain ko ay hindi ko malunok. Napakabigat sa dibdib at hindi ako makahinga.

Pagkababa ko ay nakita ko agad si noona na nag-aayos ng kilay. Kahit kailan ay napakaarte niya, hindi ko nga alam kung paano ko naging kapatid ang isang 'yan. Ang sabi niya mahal niya ako pero ang sakit niya magmahal, sobrang pisikal.

"Tara na." deretsong sabi ko saka nagpangunang maglakad pero nagulat ako nang ibato niya ang kanyang takong sa may pinto.

"Dont. you. dare. move. Wanna die??" nagulat ako nang iamok niya iyon.

"Anong problema mo ha Zxhe-Zxhe?? Akala ko ba aalis tayo? Tara na! Kahit ano pang gawin mo sa mukha mo ay hindi na magbabago 'yan! Hindi mo ba alam na Simple is Beautiful?" inis na reklamo ko.

Nanlaki ang mata niya saka natawa. "Facyah Dongsaeng its "Simplicity is Beauty!" tapos binato niya ako ng bottle pero dahil gwapo ako ay naka-ilag ako.

Simplicity is Beauty ba 'yun? Aah basta!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tara na, napakaarte mo!" singhal ko.

"Facyah Azi look yourself!! Mukha kang manong sa hitsura mo. Napakapayat mo tara nga dito kumain ka muna." she lead me the way pero umiwas ako sa pagkakahawak niya kaso masyado siyang matinik at mahigpit na hinawakan ako sa kamay.

"Eat that or else I will kill you.."

Nanlaki ang mata ko sa nakahain. Limbag ng pvtang inang spaghetti na halos isang batya na at napakaraming mga salad, manok, pizza, bacon, may cake pa! Sino ba ang tarantadong may children's party dito at puro ganyan ang handa?? Napakaarte may hotdog pa with matching marshmallows on top! What the hell!!

d>>_<<b

"Ano 'yan? Ayoko 'yan!! Kadiri ka magkakape nalang ako--"

"Hep!"

Patayo palang sana ako nang itumba niya ako gamit ang kanyang hintuturo sa aking balikat kaya no-choice ako. Malakas ako oo pero malakas din si Zxhe-Zxhe, sa aming lahat siya ang pinakabrutal.

"Hindi ka tatayo diyan hanggat hindi mo nauubos 'yan."

dO___ob

"What??" kunot noong tanong ko.

"Hindi ka tatayo diyan hanggat hindi mo nauubos 'yan."

dO___ob

Abaa't-- talagang inulit pa!

"Ayoko nga! Ipakain mo nalang kay manang hindi ako interesado sa pambatang pagkain na yan!!" patayo na sana ako kaso napakabigat ng kamay niya.

"Hindi tayo aalis at ilo-lock ko ang buong pintong pwede mong labasan. Bubutasin ko ang lahat ng gulong ng sasakyang makikita mo dito at wala akong pakialam kahit pa kuko ko ang gagamitin ko."

dO___ob

d>>_<<b

"Facyah Zxhe-Zxhe!!" inis na sabi ko. 

"Magkamukha tayo Dongsaeng kaya Facyah ka rin." tapos pinakyuhan niya ako. Walang kwentang kapatid!!

No choice ako kundi ang ubusin ang lahat ng pagkaing nasa harap ko kahit pa naduduwal na ako. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa rami ng pagkain. Sa halos isang linggo kaseng pamamalagi ko sa loob ng kwarto ko ay puro chips lang ang kinakain ko.

"Azi ang panget mo."

dO___ob

*HUK!*

"Ba yan Zxhe-Zxhe napakabastos mo!! Wala kang kwentang kapatid!!"

"Hoy Azi nagsasabi ako ng totoo okay? Kahit ako ay hindi magkakagusto sa tulad mong payat na pinya! Tss."

Sinungitan ko lang siya. Napakaarte niya.

"Wala ang chairman nag-out of town kaya ako muna ang magbabantay sayo."

Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag doon. Sa totoo lang ayoko nang makita ang matandang iyon, nanggigil ako sa kanya.

Matapos naming kumain ni Zxhe-Zxhe ay napagpasiyahan na naming umalis. Tahimik lang ako habang tinatahak ang daan papunta ng kanyang puntod.

Pagkarating namin sa puntod niya'y bigla akong napaiyak habang pinagmamasdan ang kanyang nitsu. Si Zxhe-Zxhe naman ay hinaplos ako sa likod, hindi ko alam kung paano niya natatagalan ang ganitong sitwasyon. Napakatatag niya at doon ako naiinggit. Napakalakas ng kanyang loob. Hindi ko alam kung paano niya natatagalan na hindi siya makasama. Kulang na kami ng isa at wala na ang AZL.

"Miss mo na siya? Miss ko na rin siya e." malungkot na sabi niya saka umupo rin para tignan ang puntod.

"Noona kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Sana may nagawa ako sana kasama pa natin siya ngayon. Noona ang tanga ko!! Wala na siya." pagkasabi kong iyon ay niyakap niya ako.

"Ssh. Don't blame yourself Azi. Lahat ng tao ay mamamatay, siguro nga ay nauna lang siya. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya diba? It's an accident Dongsaeng." bigla akong napahagulgol ng sabihin niya iyon.

"Noona wala na siya. Wala na. Hindi ko na siya maibabalik. I want to die."

Maya-maya'y binatukan niya ako. "Facyah! Kung mamamatay ka man ngayon ay hindi ka sa langit mapupunta tulad niya dahil napakasama mo! Tumahan ka na nga. Alam mo bang nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan?? Azi cheer up na! Isang taon na ang nakalipas. Isang taon na ang nakalipas pero araw-araw ka pa ring nagluluksa sa pagkamatay ni Lei. Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakikita ka niyang nagkakaganyan? Azi hindi!! Kung nasasaktan ka paano nalang ako?? Doble ang sakit sa akin non dahil kapatid ko siya!! Inalagaan ko siya nung mga panahong busy si mommy sa trabaho niya. Azi pilit kong pinapalakas ang loob ko wag mo lang makita akong nasasaktan pero anong ginagawa mo? Mas lalo akong nasasaktan dahil nakikita ko ang kapatid kong nasasaktan! Oo buhay ka pa Azi pero sa inaasal mo mukhang ikaw pa ang namatay kesa kay Lei!! Azi tama na, mag move-on na tayong lahat.."

T______T

"Zxhe-Zxhe, hindi. Kapatid ko si Lei at mahal ko siya. Nag-aaway man kami minsan pero mahal ko siya. Noona bring him back please!!" nagmakaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya yun pero sabik na akong makita si Lei. Sabik na akong makita siya, miss ko na yung mga tawa niya, yung mga tingin niya, mga halakhak at lahat ng tungkol sa kanya ay namimiss ko na.

T_____T

Sana maibabalik pa kita Lei.

Noong mga bata pa tayo, iiyak tayo kay Noona Zxhe-Zxhe kung may gusto tayo. Ngayon ba pwede ko pang subukang umiyak sa kanya? Baka kasi sakaling ibigay ka pa niya saken.

Ang daya mo 'tol e! Iniwan mo ko. Ang sakit-sakit!! Napakadaya mo.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak ng umiyak habang si Zxhe-Zxhe ay naka-upo lang sa isang tabi habang nakapikit.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now