KABANATA 49

3.6K 118 7
                                    

Napahawak ako sa pisnge ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Pakiramdam ko bumaon ang nga kuko niya sa aking pisnge.

d>>_<<b

"Sunshine!" bigla namang lumapit sa akin si Mitsuwo.

"Anong ginagawa mo dito? Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko!!" sigaw niya at binalaking sampalin ulit ako kaso dumating si Lei at tinabig ang kamay ng lolo niya saka ako hinarangan.

"Huwag niyo na sanang saktan si Sunshine dahil kung gising si Azi ay ganito rin ang gagawin niya sa inyo." kalmadong sabi niya.

Napaiyak naman ako lalo nang maalala kong niligtas ako ni Azi noon sa ganitong sitwasyon rin kung saan itinakbo niya ako paalis at nagsuot pa siya ng heels para lang hindi ako mahirapan.

"Siya ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko kaya dapat lang na mamatay rin siya!!" sigaw niya.

"Chairman kalma. " si Mitsuwo kaso bigla siyang sinapak ng chairman.

dO__ob

"Isa ka pa Mitsuwo! Anong klaseng kaibigan ka? Bakit mo hinayaan si Azi? Isa ka pa.. Kung hindi mo sana iniwan si Azi ay dapat hindi siya nabunggo! Ikaw nalang sana ang namatay at hindi si Azi!"

dO__ob

Natigilan si Mitsuwo ng marinig iyon. Kahit ako ay hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon na kahit siya na lang ang mamatay at wag ang apo niya. Anong klase siyang tao? Napakasama niya..

Biglang lumapit si Zy Men.
"Chairman bakit naman ganyan kayo magsalita kay Mitsuwo? Kaibigan rin namin si Azi at hindi namin gusto ang nangyari sa kanya dahil bilang isang kaibigan napakasakit sa amin yun! Pamilya namin si Azi kaya pwede ba wag niyong sisisihin ang isa o kahit sino dahil mahal namin si Azi at ayaw naming mapahamak siya! Hindi lang kayo ang nagdadalamhati sa pagkawala niya pati rin kami dahil sa ating lahat na nandito alam naman nating lahat na kumpara sa inyong lolo niya ay kami ang mas nakakakilala sa kan--"

*PAAAK!*

dO__ob

Sinampal niya si Zy Men.

"Anong karapatan mong sumagot sagot sa akin Zy Men? Nasan ang respeto mo? Hindi mo ko kaedad para sagut-sagutin ng ganyan!"

*PAAAAK!*

dO__ob

Sinampal niya ulit si Zy Men.

"Wala kang karapatan na sumbatan ako dahil hawak ko ang buong buhay mo at ng pamilya mo! Kung hindi dahil sa akin matagal ng nalulong ang pamilya mo sa utang sa negosyo pero sinong sumalo? Ako diba? Lahat ng tinatamasa at perang winawaldas mo ay pag mamay-ari ko kaya wala kang karapatan na sumbatan ako dahil isa ka lang maliit na langaw sa paningin ko!" galit na saad niya. Natameme naman si Zy Men at ilang segundo ang namutawi sa aming lahat bago basagin iyon ng chairman dahil lumapit siya sa akin at hinila ako sa likod ni Lei saka pinagsasampal ng paulit-ulit.. Masakit.. Malalim.. Punong-puno ng emosyon..

Sinubukang tumulong ni Lei kaso binalaan siya ng lolo niya.

"Isang lapit mo pa sa kanya magwawakas lahat ng koneksyon mo sa akin!"

Natigilan si Lei at hindi niya magawang kumilos dahil kapag lumapit siya sa akin mawawala lahat ng mga tinatamasa niya ngayon.. Lahat ng ari-arian at mga sasakyan at lahat ng pera ay binantaang babawiin at puputulin.

Pinaghahampas ako ng lolo nila ng baston na hawak niya at hindi ako makaalis dahil ang lalakas ng palo niya.

"Lagot ka kay Azi.."

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now