KABANATA 92

2.9K 73 7
                                    

*AZI'S POV.*

Masayang-masaya si Sunshine habang nakayakap kay Miguel. Iniiwasan kong maluha sa harap niya dahil ayokong mapahiya kaya nung napalingon sila sa akin ay ngumiti ako.

"G-gising ka na pala." pinilit kong magboses normal kahit ang totoo'y parang may kung anong mabigat ang nasa loob ng dibdib ko't hindi mailabas.

Bumitaw si Miguel nang makita niya ako at saka umayos siya ng upo.

"Pasok." nakangiting sabi niya.

Ayaw kumilos ng mga paa ko sa totoo lang, buti nalang nandyan si Zxhe-Zxhe.

Napakalakas ng kabog ng aking puso lalo pa't hindi pa nagsasalita si Sunshine. Diretso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ate Zxhe!" bati niya sabay lapit at halik sa pisnge.

"Ken, sino siya?" sa sinabing iyon ni Sunshine ay parang nilubog ako ng mundo. Tila hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at naestatwa. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Gustong-gusto nang tumulo nang nga luha ko kaso si Zxhe-Zxhe naman ay nandyan para hawakan ang kamay ko. Sa sobrang pasmado ng kamay ko ay makakagawa na ako ng isang timbang tubig habang nakahawak kay Zxhe-Zxhe.

*Ehem!* panimula ni Miguel saka inayos ang upo.

"Ah, Sunshine siya si.." napatingin sa akin si Miguel. "Azi." pagpapatuloy niya.

Para bang hinaplos ang puso ko dahil sa hitsura ni Sunshine ay balewala lang ako sa kanya. Ang sakit-sakit. Gusto ko nang kitilin ang buhay ko ngayon na. Iyong mundong pasan-pasan ko, dinaganan ako.

"Azi?? Aaa. Janitor?"

dO___ob

Gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko nang sabihin niya iyon.

Magsasalita pa sana si Miguel nang magsalita si Zxhe-Zxhe.

"Excuse me? Mukba bang janitor ang kapatid ko?" sarkastiko at masunget na sabi niya. Hinawakan ko lang siya sa kamay senyales na tumigil siya.

Hinarap ko si Sunshine at ang dating ningning sa mga mata niya tuwing nakikita ako noon ay tila naglaho na. "O-oo isa ak-akong--"

"Kaibigan." napatingin ako kay Miguel nang isingit niya iyon.

"Kaibigan?" inosenteng tanong ni Sunshine.

Nanatiling nakatingin sa akin si Miguel. "Kaibigan ko siya Sunshine." pagpapatuloy niya pa.

"Ay ganun ba? Sorry Ken a. Akala ko kase-- hehe. Nebermayn." inosente pa ring sabi ni Sunshine saka humawak sa kamay ni Miguel.

Napatingin ako kay Zxhe-Zxhe dahil pakiramdam ko luluha na talaga ako.

Maya-maya'y tumayo si Zxhe-Zxhe at hinarap ang doktor, senenyasan na lumabas. Tumingin muna siya sa akin saka sinabing babalik siya.

*ZXHE-ZXHE'S POV!*

"Doc, kamusta ang lagay niya?" tanong ko sa doctor.

"Miss Zxhe-Zxhe good to hear that stable na ang lagay niya. Nagfa-functions ng mabuti ang kanyang brain but hindi siya maka-alala."

Napapikit ako't nagpakawala ng napakalalim na hininga. "God!!" sabay sapo sa noo.

"Miss Zxhe-Zxhe hindi tayo dapat magpakampante dahil ayon sa ibang files niya, this is the second time!! And worst ngayon lang ako nakahawak ng ganitong case. Very imposible!!" wika pa niya.

"I know." simpleng sagot ko.

"You know?? How?"

"It's none of your business. Your business is to take care of her. Do you understand??"

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon