KABANATA 7

8.9K 305 24
                                    

Natulog na kami ni Azi sa iisang malaking kwarto ngunit doon siya sa sofa natulog kahit ang laki-laki naman ng kama niya.

Humiga ako at tumingala sa patag na kisame na may malaking chandelier. Nagpalinga-linga ako sa paligid, kung hindi pinya ay puro litrato ni Sakuragi. Kaya pala ganun ang buhok niya, medyo hawig kay Sakuragi. Pinagmasdan ko ang likod niyang malaki at malapad, tila ba kayang protektahan non ang sanlibutan. Hindi ko mawari kung paano nauwi sa ganito ang lahat kung saan ang nakakuha sa akin ay isang badboy at ang malupet pa don ay virgin. Virgin na badboy na kapatid pala ng taong hinahangaan ko. Nahihiya kase akong magpakita kay Lei kaya ang ginagawa ko ay nasa isang tabi nalang ako habang pinagmamasdan siya sa malayo. Napatingin ulit ako kay Azi, sa totoo lang mabait siya hindi dahil sa itinakas niya ako, kundi ay nakikita ko sa mga mata niya. Parang ang weird nga ng mga tingin niya sa akin e, parang maraming sinasabi at ipinapahiwatig lalong-lalo na si Lei. Ang tindi ng mga tinginan niya na para bang matagal na kaming magkakilala at may malaking atraso akong ginawa sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako. Napagpasiyahan kung tumayo dahil hindi rin ako makatulog kaya dumiretso ako sa may malaking veranda nila at doon nagpahangin. Napakalakas ng simoy ng hangin marahil ay dahil na rin sa napakalalim na ng gabi. Makalipas ang ilang minuto ay napagpasiyahan kong bumalik nalang sa kinahihigaan kaso napako ang atensyon ko sa table na may mga notebooks at bolpen. Lumapit ako don at pinasadahan ng tingin ang isang page, doon ko napagtantong ang ganda ng sulat niya kaso hindi lang 'yun ang napansin ko dahil sa likod ng notebook ay may nakasulat.

Azi and Yuki forever.

Sino si Yuki? Girlfriend niya kaya, pero bakit pa niya ako kinuha kung may syota na pala siya na pwede naman niyang anakan?

Magbubuklat pa sana ako ng isang page ng mapahinto ako.

"Galawin mo ng lahat, 'wag lang 'yan."

Nanlaki ang mata ko ng maramdamang nasa likod ko na si Azi habang seryosong nakatingin sa akin dahilan para mapalunok ako ng laway. "A-Azi.." nauutal at gulat na sabi ko kaso pinatabi niya ako at isinilid sa maliit na drawer ang lahat ng notebooks.

"Matulog ka na." walang emosyong sabi niya saka dumiretso sa kinahihigaan at nagtakip ng kumot. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt kaya nanlumo akong bumalik sa kinahihigaan. Siguro ay sobrang importante ng Yuki na 'yun sa kanya kaya ayaw niyang may nakikialam ng gamit niya. Sino ba kasi si Yuki? Ex kaya niya? Bahala na nga.

Kinabukasan nagising ako sa mabangong amoy na nagmumula sa kung saan kaya agad na tumayo ako upang hanapin iyon kaso muntik na akong mawala dahil sa sobrang laki ng bahay, buti nalang at nakarinig ako ng halakhak na malakas. Panigurado si long hair 'yan. Napakaraming pasikot-sikot ang dinaanan ko matunton lang ang lugar na iyon.

Hinanap at sinundan ko ang mabangong amoy na 'yun at hindi nga ako nagkamali dahil magkasama silang apat. Nakita ko agad si Lei na kalmado lang at walang pake sa mga kasamahan o sa pinag-uusapan.

Humakbang ako ng kaunti at napansin naman ako ng isa. "Oh gising na pala si payatot eh!" agad na bungad sa akin ni long hair na rebonded saka naman napalingon na silang apat sa akin. Gusto ko tuloy kilabutan agad dahil hindi ko alam kung anong hitsura ko.

"Ayos pormahan boi ah?" tatawa-tawang sabi nung naka-shades. "Ganyan ka ba kaatat para lang makita si Azi? Yiee."

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Napansin ko rin si Lei na bahagyang natigilan at gumalaw ang itim ng mata patungo sa direksyon namin na hindi man lang nagbabago ang kinauupuan.

Nabasag lang ang eksenang iyon ng may magsalita.
"Nakatulog ka ba naman ng maayos? Hahahaha. Balita ko sa kwarto ka ni Azi natulog? Siguro ay napuyat ka no?" sabi nong naka-shades pala.

Tumingin ako kay Lei kaso busy siya sa pag-babasa ng libro. Buti pa siya maaral hindi tulad ng tatlong badboy na 'to, kaya nga hindi ako naniniwala na maraming babae at chickboy siya e.

d-,--bvv

"Ano Ms. Payatot? Buti at nakabangon ka pa, hahaha-- araay!" hindi naituloy ni long hair ang sinasabi niya dahil binato siya ni Azi ng unan.

"Ulul." masungit na aniya.

Natawa naman 'yung naka-shades.

"Bakit ba Azi? Guilty ka ba? Hahahaha. Naka-ilang rounds ka? -- Araaay! Nakakailan ka na ah." binato ulit siya ng unan ni Azi.

"Isa pang satsat mo ihahagis kita." inis nang sabi niya.

Agad na pumagitna 'yung naka-shades na tatawa-tawa.

"Teka nga Ms. Payatot, ano ba ang pangalan mo? Kagabi ka pa nandito pero 'di ko pa alam ang pangalan mo, para naman kapag iniwan ka na ni Azi ako naman ang papalit." tapos kinindatan niya ako, kadiri talaga.

"Kung ayaw mo naman sa kanya pwede rin sa akin." dagdag naman nung long hair na makailang ulit na binato ni Azi tapos kumindat pa.

Magkapatid ba 'to? Nakakainis sila.

"Ano ba pangalan niya Azi?" tanong pa niya, halatang atat na atat akong pangalan. Tch, panigurado ako aasarin lang ako niyan.

"Malay ko." walang kwentang sagot naman ni Azi. Bwisit talaga 'to, buti nalang nandito si Lei.

"Miss Payatot ako si Mitsuwo." sabi ng long hair na rebonded. "Siya naman si Ze Myn, at ito si Lei ang pinaka-pangit sa amin, hehe."

Wow, pinakapanget talaga? Eh mas mukhang kurikong pa sila eh.

"Ako si Sunshine." nakangiting wika ko.

"Sunshine? Kaya pala binigyan mo ng kulay ang puso ko, hehe." sabi ni Mitsuwo, 'yung long hair na rebonded.

"Mali ka naman Mitsuwo eh, dapat ganto. Sunshine, because you give shine to my life. Oh dear marry me!" tapos natawa ng bongga yung naka-shades pati si longhair.

Lumingon ako kay Azi at mukhang nandidiri ang reaksyon niya. Bumaling naman ako kay Lei kaso parang may sarili siyang mundo.

"Kailan ka aalis?" si Lei.

dO____ob

Natigilan kaming lahat maging ang mga long hair nang magsalita siya.

Nakaramdam ako ng pangangatog dahil pakiramdam ko ayaw niya talaga sa akin kahit anino ko. Ang sakit.

"Lei.." si Azi.

Tumingin sa kanya si Lei.

"Bakit Azi? Kailan mo palalayasin ang babae mo na yan dito? I don't want to see her."

Sapat na ang mga salita na iyon para tumakbo ako pabalik sa kwarto at umiyak.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora