KABANATA 64

2.9K 96 1
                                    

*MITSUWO'S POV.*

Bigla nalang umalis at iniwan kaming lahat ni Sunshine. Sobra akong naaawa sa kanya lalo pa't sa ginawa ni Azi. Talaga bang hindi niya matandaan si Sunshine? Pucha talaga. Paano nalang kapag ako iyon edi nakalimutan na niya ang napakagwapo kong mukha. Sayang rin yun tss. De bale baka maupakan ko rin yun pag nagkataon at besides sobrang exotic ng mukha ko. Napakagwapo at walang kapantay kaya hindi agad malilimutan. Nandito kami ngayon nila Lei, at Zy Men sa may isang couch habang si Azi ay masayang nakikipagtawanan kasama ang mga pinsan nila na basketball player. Tahimik lang si Lei at si Zy Men naman ay naglalaro lang ng cellphone. Ano kayang iniisip ni pareng Lei? Taena sa halos dalawang buwang nakalipas lagi siyang wala at palaging may malaking iniisip tuwing umuuwi. Nakakcurius k
tuloy kung ano ang pinupuntahan niya. Hindi kaya may bakla siya?

dO__ob

The fuck!! Oo nga no. Bakit hindi ko naisip yun? Kaya siguro lagi siya wala dahil nagagalit ang bakla niya. Hindi kaya may nangyayari sa kanila?

d>>_<<b

Potek!!

"Dre may bakla ka ba??" ay potek napalakas na naman pagkakasabi sa isip ko.

Sa sobrang lakas ay napalingon sa akin si Zy Men at binatukan naman ako ni Lei ng malakas. Napanguso nalang ako.

"Tarantado! Ang manyak ng isip mo gago." masungit na sabi niya.

"Oo mga Mitsuwo. Ano bang sinasabe mo? Anong bakla? Gusto mo ba magkasyota ng bakla? Hahahaha." dagdag pa ni Zy Men.

d>>_<<b

Mga kupal talaga.

"Gags bat ako? Si Lei kaya yun!" sagot ko rin kaya tinitigan ako ni Lei sa mata ng seryoso dahilan para kabahan ako.

"Hehehe. Joke. Peace." nagpapa-cute pang dagdag ko. Buti nalang at hindi na siya napatingin sa akin. Katakot e.

d-,--b

"Bakit mo bang naisip na may bakla si Lei? Minamanyak mo ba siya sa isip mo? Kadiri ka dre!" sabi ni Zy Men kaya naman ay binatukan ko din siya.

"Yang bibig mo Mr. Shades ang dumi. Tss. Naisip ko lang kase na baka palaging wala si Lei ngayong nagdaang buwan ay baka may pinagkakaabalahan siyang iba. Alam mo na mga bakla ganun."

Natawa naman siya habang si Lei ay naging seryoso kaya kinabahan ako. Naoffend ko kaya siya?

d>>_<<b

"Oo nga naman Lei, saan ka nga ba nagpupunta tuwing aalis ka dito? Grabe dalawang buwan na kami dito ni Mitsuwo kakabantay kay Azi pero ikaw laging wala. Saan ka ba nagpupunta ha?" dagdag naman ni Zy Men na itinigil pa ang paglalaro ng cellphone.

Ilang segundo bago siya sumagot pero bago iyon ay tinitigan niya muna si Azi na inosenteng nakikipagbiruan sa mga pinsan nila.

"Alam mo bang ang sabi ng doctor ay may taning na siya."

dO__ob

*LUNOK!*

"ANO?" sabay na sabi namin ni Zy Men.

"Sinabihan ako ng doctor noon na hindi na siya magtatagal kaya ganun nalang ang gulat ko nang marinig kong sabihin nilang gising na siya."

Ibig sabihin may taning na ang buhay ni Azi ngunit di man lang niya ito sinabi sa amin?? Kung ganon isa ngang himala ang nagising pa siya.

"Pero bakit di niya maalala si Sunshine??" naguguluhang sabi ni Zy Men. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit si Sunshine lang ang hindi niya naaalala.

"Epekto iyon ng pagkaka commatose niya.." seryosong sagot ni Lei.

Napaisip nalang ako.

Hays.

Ang lupet ng naisip ko. Hahahaha.

Lumabas ako at pumuntang mall. Hindi ko na sila sinama dahil baka sirain lang nila ang nga diskarte ko sa mga chixx. Tss baka umeksena lang ang mga iyon at mapahiya sila sa mga galawan ko.

Tumambay muna ako sa isang coffee shop hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na lalaki na dumaan sa labas habang nakamotor. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kasa-kasama siya ni Sunshine.

*SUNSHINE'S POV.*

Todo iyak lang ang ginagawa ko dahil sa mga sinabi ni Azi at sa katotohanang hindi na niya ako maalala. Sa pagkakaiyak ko sa tabi ng park na pinupuntahan ko ay nakarinig ako ng kaluskos. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa tuluyan siyang makalapit dahil alam kong si lola na naman yan.

"Lola ano b--"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya pero hindi ko naman inaasahang ngingiti siya sa akin ng nakakatakot saka ako tinakpan ng panyo sa bibig ng may kung anong kemikal.

Nakatulog ako at nang magising ako ay nasa isang madilim na lugar ako. Mabaho. Nakakatakot.

"Boss anong balak natin sa bihag?" nagulat ako nang marinig ko iyon.

"Parating na siya. Hintayin nalang natin. Makakaganti na rin ako sa kanya." sabi niya at hindi ko inaasahang tatraydurin niya ako. Bakit siya pa?

T_____T

"Paano kapag hindi dumating?" sabi pa ng tauhan.

"Edi akin na siya." sagot naman niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Maya-maya ay lumabas sila sa dilim at hindi nga ako nagkamali dahil siya iyon.

Biglang nanikip ang dibdib ko.

"Ikaw??" mangiyak ngiyak na sabi ko.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now