KABANATA 67

3.1K 94 8
                                    

Para akong binambo sa lahat ng nalaman ko. Hindi ko talaga inaasahang si David talaga ang lahat ng may gawa nito. Ibig sabihin ba yung sinasabi ni lola na may pumanaw na ay yung tatay ni David? Kaya pala nung sinabi kong patay na si Azi ay umiling siya at sinabing hindi siya ang namatay dahil may ibang pumanaw na. Ibig sabihin rin ang tinutukoy ni lola na dapat kong iwasan dahil may dulot na kapahamakan ay si David. Akala ko talaga si Azi yun. Bakit si David??

d>>_<<b

"Maya-maya lang ay darating siya dito at makakaganti na rin ako sa kanya sa lahat ng kasamaang ginawa niya sa akin. Ipinagkait niya sa akin ang mundo at ang karapatan kong maging masaya."

dO___ob

Naikuyom ko ang mga palad ko at galit pa rin ang namumutawi sa akin. Pero huminga muna ako ng napakalalim bago siya hinarap. "Hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo. Kung ano man ang binabalak mo sinasabi ko sayo wag na dahil nagsasayang ka lang ng oras." seryosong pagkakasabi ko at nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya na para bang hindi batid ang nais kong iparating.

Lumapit siya sa akin at hinarap ako. "Anong sinasabi mo?" kunot noong tanong niya.

Bahagya akong napangisi dahil kahit papaano ay alam kong maliligtas ko si Azi. "Hindi niya ako matandaan kaya ano pang saysay na pumunta siya dito? Nagkaamnesia si Azi at isa ako sa mga hindi niya makilala at itinataboy niya kaya sinisigurado ko kahit ano pang gawin mo hindi ka niya sisiputin dahil isa lang akong basura sa paningin niya ngayon." seryosong sabi ko at napaatras naman saka siya tatawa-tawa kaya noo ko naman ang nangunot.

"Ano bang sinasabi mo Sunshine? Kalokohan! Kung sinasabi mo lang yan para protektahan si Azi mabuti nga sigurong pumunta siya dito para makapaghiganti na ako sa kanya. Kung pwede nga lang ay isama na niya ang buong pamilya niya para isahan nalang." nakakalokong sabi niya saka nagpakawala ng nakakatakot na tingin.

Ngayon ay nag-iiba na ang pananaw ko kay David. Hindi na siya yung David na kilala ko at naging kaibigan ko. Para na siyang baliw dahil ang gwapo niyang hitsura ay napalitan ng puyat na mga mata na para bang gumagamit ng droga at ang kanyang pulang labi noon ay nangingitim na rin. Naaawa na ako sa kanya sa totoo lang dahil malayong-malayo na siya sa hitsura niya noon kung saan may napakagwapong mukha at may malalim na dimples kapag ngumingiti kumpara ngayon dahil para na siyang baliw. Para siyang takas sa mental sa kanyang hitsura isama mo pa yung napakahaba niyang buhok na panigurado dalawang buwan na niyang hindi pinapagupitan.

"Ang sama mo David.." wala sa sariling nasabi ko at naramdaman ko nalang na may mga pumapatak na palang luha sa aking mga mata dahil lumalabo na rin ang aking mga paningin.

Nagsindi siya ng yosi at ibinuga ang usok non sa mukha ko kaya bahagya akong napaupo. "Mas masama ang pamilya nila Azi, Sunshine. Kumbaga sa impyerno ang nanay niya ay si Lucifer. Ganun sila kasama. Pera ang mahalaga sa kanila at wala silang pakialam kung makapatay sila ng tao wag lang mapakialaman ang kanilang mga negosyo. Kilalang-kilala ko si Azi dahil magkaibigan kami nung panahong umuwi siya sa Pilipinas. Lahat ng sekreto niya alam ko maging ang hinanakit niya sa nanay niya ay alam ko. Sinabi niya sa akin na eenjoyin na raw niya ang pagiging binata niya kaya magpapakasawa siya sa mga babae dahil sa arrange marriage rin naman ang punta ng buhay niya. Ipapakasal siya ng mommy niya sa isang mayaman na babae at sa tingin ko ay yun na nga si Samantha. Lumaki si Azi na pinalilibutan ng napakaraming magaganda at mayayamang babae na araw-araw napapalitan pero hindi niya nakaka one night stand at yun ang kinabibiliban ko sa kanya dahil kahit gaano pa karami ang babaeng nasa harap niya ay hindi siya nagpapaapekto sa tawag ng laman. Matalino rin si Azi lalo na sa math sa katunayan kahit hindi na siya pumasok sa university ay kaya na niyang magtrabaho magtatag ng sarili niyang kompanya dahil magaling siya at matalino kaso ang sabi niya boring daw yun at hindi masaya. Alam mo ba ang pangarap ni Azi, Sunshine??" tanong niya habang nakatitig pa rin sa aking mga mata. Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang siyang magsalita ulit. "Ang kaisa-isang pangarap ni Azi ay ang makatakas sa mommy niya kung saan makakamit na niya ang kalayaan dahil kung titignan mas mukha pa siyang preso kesa sa tunay. Naniniwala pa rin siya na darating yung araw na makakahanap siya ng katapat niya kung saan hindi siya hahabulin at madali niyang mukha at sa tingin ko ikaw na nga iyon. Palagi ko kayong minamanmanan ni Azi at nakikita ko kung paano mo siya itakwil at balewalain. Alam mo ang manhid mo rin e. Hindi mo ba alam na nasasaktan si Azi tuwing binabalewala at sinasaktan mo siya? Yung sa may gilid ng dagat kung saan nanligaw siya at inamin niya ang nadarama niya sayo hindi ba't hinindian mo siya? Nandon ako Sunshine. Minamanmanan ko si Azi at nagkataong kasama mo siya at yun rin ang unang pagkakataon na nakita kong nasaktan ang bestfriend ko sa isang babae. Nakita ko kung paano niya hinagis ang heels sa may dagat at nagpanguna siyang maglakad. Alam mo ba kung saan siya pumunta? Sinundan ko siya noon Sunshine. Iyak siya ng iyak at dumiretso siya sa isang bar. Hindi niya alam pero nasa isang table lang ako at nagtatago. Nakita ko kung paano siya uminom ng alak ng gabing iyon. Maraming babaeng magaganda ang lumapit sa kanya at tinatawag niya itong Sunshine at dahil nga ikaw ang nakikita niya sa isang babae tinangka niya itong halikan pero nakita siya ng nobyo nito kaya siya pinagsasapak. Lumaban si Azi at pilit niyang sinasabi na ang babaeng iyon ay si Sunshine kaya binugbog siya ng mga tropa ng lalaki at pinagtulungan. Tuwang-tuwa ako nang makita iyon dahil nahihirapan siya pero lumalabas pa rin ang awa sa akin lalo pa't naging kaibigan ko na rin siya ng minsan. Tutulungan ko na sana siya kaso dumating si Lei."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now